24

1K 32 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 24

Unedited....
"Ano ang kailangan mo?" wala sa modong
tanong ni Jairah. "Hindi ba't sabi ko, last na
'yon na pagkikita natin?"
Nakahiga siya sa duyan sa ilalim ng punong
mangga nang pumasok si Angelo sa gate nila
at nilapitan siya.
"Hindi naman ikaw ang ipinunta ko," sagot ni
Angelo. "Nasaan na ang anak ko?"
"Malay ko. Sa dinami-rami ng babae mo,
dito mo pa sa akin hahanapin ang
nawawalang anak mo? Ano ang tingin mo sa
bahay ko? Police station?" pagtataray ng
dalaga saka tumayo.
"Puwede ba, Jai? Pag-usapan natin 'to,"
pakiusap ni Angelo.
"Tapos na tayong mag-usap, 'di ba? May
closure na nga tayo kaya bumalik ka na sa
Maynila!" pagtataboy ni Jairah na
nakapamewang pa.
"Wala tayong closure at walang closure dahil
may anak tayo!" giit ni Angelo kaya mas
lalong naningkit ang mga mata ng dalaga.
"Wala tayong anak!"
"Ano ang gusto mo? Maging katulad siya sa
inyo ni Taira? Limang taon na inilihim mo sa
akin ang anak natin! Limang taon na wala
siyang kinagisnang ama dahil hindi ko alam
na buntis ka na pala noon!"
"Hindi ko--"
"Naranasan mo na ang mawalan ng ama
tapos ngayon, ginawa mo pa sa anak ko?
Anong klaseng babae ka?"
Natigilan si Jairah. Sinisigawan ba siya ni
Angelo? Sinusumbatan?
"A-Anong klaseng babae?" ulit na tanong ni
Jairah. "Suplada, maldita, happy go lucky,
walang puso pero responsableng ina! Eh,
ikaw? Anong klaseng lalaki ka?"
Napapikit si Angelo at napahawak sa sintido.
"Playboy ako, babaero, chickboy, walang
kuwentang tao. Iyan ba ang gusto mong
marinig mula sa akin?" mahinang sagot ni
Angelo.
"Mabuti at alam mo!"
"Pero hindi mo ako binigyan ng
pagkakataong patunayan sa 'yo na kaya
kong magbago at kaya kong maging ama sa
anak natin dahil itinago mo siya," sumbat
niya. Ang daming nasayang na panahon.
Kung hindi lang sana nagmamatigas si
Jairah, e di sana masaya na sila kasama ang
anak nila.
"Hindi ko alam na buntis ako," sagot ni
Jairah. Dalawang linggo na matapos siyang
umalis sa bahay ni Angelo at saka lang niya
nalamang buntis pala siya.
"Bakit ba napaka-selfish mo, Jai?"
nahihirapang tanong ni Angelo.
"Hindi kita mahal, Gelo. Paano ko
pakisamahan ang taong simula't sapol ay
hindi ko na gusto?" tanong ng dalaga. Hindi
niya mahal si Angelo. Kaya lang naman siya
nakisama dahil may malaking kasalanan siya
noon at nakonsensiya siya.
"Kahit hindi mo ako gusto pero sana
ipinaalam mo na may anak tayo. Ama rin
naman niya ako, ah!"
Natahimik si Jairah. Aminado siyang may
mali siya. Ne hindi nga niya inaasahan na
magkikita pa sila at ngayon ay nasa harapan
na niya ito at sinusumbatan siya.
"Kukunin ko ang anak ko!"
"No!" tanggi ni Jairah.
"Anak ko rin siya kaya may karapatan ako sa
kaniya!"
"Walang ama ang anak ko sa birth certificate
niya kaya wala ka pa ring karapatan sa
kaniya!" taas noong sabi ni Jairah. Nunca na
ibigay niya ang anak kay Angelo.
"Really?" ani Angelo at lumapit sa dalaga
hanggang sa dalawang dangkal na lang ang
agwat nila. "Hindi ko alam na may anak
tayo, wala ka pang trabaho ngayon at handa
kong panagutan ang anak ko. Do you think,
papaburan ka ng korte?"

"B-Bakit ba ganiyan ka, Angelo? Hindi ba
puwedeng hayaan mo na lang kami ni
Angela?" Napipikon na sabi ni Jairah.
Natawa si Angelo kaya mas lalong naningkit
ang mga mata niya. "Bakit ka natawa? May
nakakatawa ba?"
"So? Angela pala ang pangalan ng panganay
ko? Sa akin mo pa rin pala siya
ipinangalan?"
"Kapal ng mukha mo!" singhal ni Jairah.
Wala na siyang maisip noon kaya Angela na
lang. At least, may remembrance naman siya
kay Angelo. Hindi siya nagsisi nang
malamang buntis siya. Ang saya pa nga niya
noon dahil kahit na hindi na siya mag-
aasawa, may chikiting naman siya. Hindi siya
ang tipo ng babaeng ikinakahiya na single
mom siya. Choice naman niya iyon.
"Mas lalo ngang kumapal dahil nasa harapan
ako ngayon ng babaeng pinagtatabuyan
ako," sagot ni Angelo.
"Umalis ka na!"
"Hindi ako aalis hanggat hindi ko dala ang
anak ko, Jairah!"
"Gelo naman, intindihin mo naman ako!
Please lang!" pakiusap ng dalaga.
"Intindihin mo rin ako Jai, kahit ngayon lang.
Magulang na rin naman ako."
Namayani ang katahimikan sa kanilang
dalawa. Parehong nag-iisip kung ano ba ang
tamang solusyon sa problema nila.
"Pakasalan mo na lang kaya ako?" suhestiyon
ni Angelo.
"No!"
"Kapag ayaw mo, isusumbong kita sa ama
mo."
"Subukan mo at lalayasan ko na naman
kayo!"
"Ipinaglihi ka nga sa pagiging layas!" naiinis
na sabi ni Angelo. "Kapag umuwi ka lang,
itatali na talaga kita."
"Umuwi kang mag-isa mo!"
"Uuwi ako kapag kasama ko na ang anak
ko!"
Napatingin sila sa labas ng bahay nang may
malakas na bumusina.
"Ano ang ginagawa ni Lucas dito?"
"Ano sa tingin mo?" nakataas ang kilay na
tanong ni Jairah.
"Boyfriend mo na ba siya?"
"What if oo ang isasagot ko?"
"Ayaw mo nga sa akin na ama ako ng anak
mo, sa kaniya pa kaya?"
"Paano kung mahal ko siya?"
"E di kayo na ang nagmamahalan! Basta ang
anak ko, kukunin ko siya!" salubong ang
kilay na sagot ni Angelo. Inuubos talaga ni
Jairah ang pasensiya niya.
"Good morning, Jai," bati ni Lucas na may
bitbit na mga rosas. "Nasaan si Gelay?"
"You mean, anak ko?" sabat ni Angelo kaya
pinandilatan siya ni Jairah. "What? Ayaw
mong ipaalam sa iba na ako ang ama ng
anak ko?"
Nabigla si Lucas sa sinabi ni Angelo. Hindi
niya inaasahang ito ang ama ni Angela. Ang
sabi ni Jairah, may asawa na ang ama ng
anak niya kaya sila lumayo. Pero kilala niya si
Angelo, wala pa itong asawa.
"Nasa school pa," sagot ni Jairah at lumapit
kay Lucas.
"Para sa 'yo, Jai."
Inabot ng dalaga ang bulaklak. "Madamo gid
nga salamat, Lucas."
"Basta ikaw, Jai."
"Mag-usap nga tayo, Jairah!" sabat ni
Angelo at hinila ang dalaga palayo lay Lucas.
"Jai--"
"Huwag kang makialam, Lucas! Nag-uusap
ang magpamilya!" agad na sigaw ni Angelo
nang medyo malayo na sila.
"Bitiwan mo nga ako!" naiinis na sabi ni
Jairah at tinulak ang binata. "Ano ba ang
problema mo?"
"Hindi ba obvious? Nagseselos ako!"
mahinang pero galit na sagot ni Angelo.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon