3

1.4K 42 0
                                    



BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 3

Unedited..
"Ano ang hitsura niya?" tanong ni Angelo
nang makaalis na si Jairah.
"Maganda ho, sir," sagot ni Oscar, "makinis
ang kutis, medyo bilugan ang mukha at mga
five four yata ang height."
"Isa siyang Rodriguez pero hindi ko pa siya
nakita," sagot ni Angelo. Para sa kaniya, wala
nang mas gaganda pa kay Irene. Mula noon,
si Irene ang may pinakamaganda at
maamong mukha na nasilayan niya.
"Maganda rin siya, sir, maldita lang," sagot
ni Oscar kaya tumango-tango si Angelo.
Hindi niya nakikita ang kagandahan nito lalo
na't ganoon kagaspang ang ugali ni Jairah.
"Sinabi mo pa!" pagsang-ayon ni Angelo.
"Sir? Uuwi po sana ako bukas, kung okay
lang?" tanong ni Oscar. May sakit ang anak
nila kaya kailangan niyang umuwi muna sa
Bicol dahil sasalinan daw ng dugo.
"Sige. Ano ba ang sakit ng anak mo?"
"Dengue ho, sir. Pababa nang pababa ang
platelet count niya at hanggang ngayon, on
and off pa rin ang lagnat. Kailangan kong
mag-donate ng dugo para pamalit sa isinalin
sa kaniya," nag-aalalang sagot ni Oscar.
"Magkano ba ang babayaran ninyo?" tanong
ni Gelo.
"Hindi ko pa alam," sagot ni Oscar.
"Kapag palabas na kayo, ipaalam mo sa akin
kung magkano ang hospital bill ninyo at ako
na ang magbabayad," wika ni Angelo kaya
napangiti si Oscar. Ang bait talaga nitong
amo niya. Kahit ang pagpagawa niya ng
kusina, sagot din nito.
"Maraming salamat, sir. Ang bait mo talaga.
Sana lang, makakita ka na," pasalamat ni
Oscar. Kahit na bulag na ito, hindi pa rin sila
pinapabayaan. Kaya nga tapat silang mga
tauhan niya rito.
"Walang anuman. Ayusin mo lang ang lahat
at pakitawagan si Jairah dahil kailangan ko
siya bukas ng hapon," bilin ni Angelo.
"Opo," sagot ni Oscar at lumabas na. Kapag
nandito sa kuwarto si Angelo, ayaw niyang
may makaistorbo. Kabisado niya ang buong
silid niya kahit na madilim ang paligid para
sa kaniya.
Kinuha niya ang cellphone para sa mga bulag
na kagaya niya at tinawagan ang katulong
para magpadala ng pagkain.
Kinaumagahan, maaga pang nagpaalam si
Oscar dahil siyam na oras daw ang biyahe
nito patungo sa Bicol.
"Manang? Okay na po ba ang isusuot ko
mamayang hapon?" tanong ni Angelo sa
pumasok na katulong.
"Opo, naplantsa ko na," sagot ng
matandang babae. Yaya niya ito mula pa
noong bata siya kaya lahat ng gusto niyang
isusuot at pangangailangan ay kabisado na
nito.
"Salamat po," pasalamat ni Angelo na
nakikinig ng balita habang nagkakape.
"May iuutos ka pa?" tanong ni Karol sa
kaniya.
"Wala na po, salamat."
"Sige, lalabas na ako. Maglilinis lang ako sa
labas," paalam nito. Narinig ni Angelo ang
pagsara ng pinto.
Tinawagan niya si Jairah pero hindi nito
sinasagot kaya inulit niya ang pagtawag.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Jairah.
"Nakausap ka na ni Oscar, 'di ba? Ipaalala ko
lang," sagot ni Angelo.
"Oo na! Hindi ko nakalimutan! Ano ang akala
mo sa akin? Ulyanin?"
"Hindi ka ba talaga makausap nang matino?"
tanong ni Angelo na mauubusan yata ng
dugo rito.
"Busy ako! May pasok pa ako!" sagot ni
Jairah sa kabilang linya.
"Nakakaistorbo pa pala ako? Tamad na rin
naman ako, Jairah! Kung ipapakulong na
lang kaya kita?" sabi ni Angelo. Hindi ito
pananakot kundi parang pagbigay na rin ng
payo niya sa sarili. Madali lang naman siyang
kausap. Babae lang kasi ito kaya nagbibigay
siya ng konsiderasyon.

"Pupunta ako, huwag kang mag-alala, may
pasok lang talaga ako. Alam mo namang
graduating ko na," sagot ni Jairah na
malumanay na ang boses.
"Madali ka lang palang kausap. Huwag mong
painitin ang ulo ko para wala tayong
problema, bye!" sabi ni Angelo at tinapos na
ang tawag.
"Buwesit!" naiinis na sabi niya nang matabig
ang remote. Tinatamad na siyang kapkapin
sa sahig kaya hinayaan na niya at nahiga sa
couch.
--------------
"Shall we?" tanong ni Jairah nang pagpasok
niya ay nasa punong-hagdan na ito at
nakabihis na at nakapamulsa. Sino ang mag-
aakalang bulag ito?
Agad na lumipat siya sa kaliwang bahagi ni
Angelo kaya napangiti siya nang sa kabilang
side ito humarap. Akala siguro nito, hindi
siya lumipat ng puwesto.
"Akala ko ba, malapit ka na nang tumawag
ako? What takes you so long?" Kanina pa
siya naghihintay pero wala pa rin ito kaya
bumaba na lang siya.
"Traffic pala," pagdadahilan ni Jairah.
Actually, nasa bahay pa siya nang tumawag
ito.
"Ba't hindi mo amining nasa bahay ka pa
ninyo nang makausap kita?" naiinis na sabi ni
Angelo. Alas kuwatro na sa relo niya at
4:30PM ang usapan nila.
"Oo na!" sagot ni Jairah.
"Here!" sabi ni Angelo na humarap kay
Jairah at inabot ang earpiece.
"Para saan 'to?"
"Para gabayan mo ako ng mga gamit sa
harapan ko," sagot ni Angelo.
"What?"
"Client ang kausapin ko at kailangan ko ang
guide mo sa mga gamit," sagot ni Angelo.
"Maiintindihan nila dahil bulag ka."
"Hindi nila alam na bulag ako," giit ni Angelo
kaya natigilan ang dalaga.
"Magpre-pretend kang nakakakita sa
harapan ng client mo?" bulalas ni Jairah
nang makuha ang ipinupunto ng binata.
"Why not? I told you, be my eyes, Jairah.
Kailangan ko ng lupain sa Ormoc para sa
bagong gasolinahan and I need their
property," sagot ni Angelo.
"Malalaman nilang bulag ka dahil nasa tabi
mo lang ako!" giit ni Jairah. Fuck his
business.
Ngumiti si Angelo pero sa ibang direksyon
nakatingin dahil lumipat na naman si Jairah.
Trip lang niya.
"Huwag ka ngang lumipat ng puwesto!
Nahihilo ako!" reklamo ni Angelo.
Nararamdaman niya ang ginagawa ni Jairah.
Sa tagal na panahon pa naman ba siyang
bulag.
"Psh! Ano na? Malalaman niya kasi nga, nasa
tabi lang ako. Aalalay ako sa pagtayo at
paglalakad mo. Alangan naman puro sabihin
ko lang!" ani Jairah.
"Kaya nga ikaw ang isasama ko."
"Ba't pa kasi ako?"
"Act as my girlfriend, Jairah!"

"Whaaaat?" mahabang tanong ni Jairah na
kulang na lang ay lalabas na siya sa balat
niya.
"Halika na, ngayon lang naman!" sabi ni
Angelo at naglakad na palabas gamit ang
tungkod.
"Ayaw ko! Angelo naman, ibang babae na
lang!" pagtutol ni Jairah habang
nagdadabog na nakasunod sa binata.
"Ikaw ang driver ng sasakyan iyon kaya ikaw
ang magbayad!"
"Ang sama mo!"
"Ang masama, iyong nanghahamak ng kapwa
dahil sa pansariling kaligayahan, Jairah. Kaya
sa ating dalawa, ikaw ang masama!"
Tumahimik si Jairah at wala sa sariling
sumakay sa kotse.
"Nasaan ang driver?" tanong ni Jairah.
"Ikaw ang magmaneho, para kapag
maaksidente ulit ako, kasama ka na!" sabi ni
Angelo at kinuha sa bulsa ang susi.
"Fine!" wika ni Jairah saka muling lumabas sa
kotse at kinuha ang susi saka lumipat sa
driver's seat.
Sa mamahaling hotel sila tumigil. Late na
nga sila ng 15 minutes.
Nang bumaba, lumapit si Angelo sa dalaga
at ipinulupot ang mga kamay.
"Bitiwan mo ako!" reklamo ni Jairah.
"Kapag madapa ako, malilintikan ka sa akin!"
pagbabanta ni Angelo at pinisil ang braso ni
Jairah. "Ikaw ang humawak sa braso ko para
i-guide ako sa daan!"
Inayos ni Jairah ang kamay sa braso nito
para guide-an si Angelo sa paglalakad.
Mukhang sweet na magkasintahan lang sila.
Nang makapasok na sila sa restaurant na
pina-reserve nila, agad na nakita ni Jairah
ang tinutukoy nitong table ng client.
"Nasa dulo sila," bulong ni Jairah at iginiya
ang binata.
"May upuan sa tabi mo," bulong ni Jairah
kaya hinila iyon ni Angelo.
"Maupo ka na, baby," sweet na wika ni
Angelo kaya naupo na si Jairah.
"Saan ang isa pang silya?" mahinang bulong
niya dahil sigurado naman siyang naririnig
nito ang sinasabi niya dahil sa earpiece.
"Wala na, iikot ka sa kabila para makaupo,"
sagot ni Jairah at napasulyap sa binatang
nakatayo sa tabi niya. Wala na talagang
upuan dahil sa kabila ang tatlo pa.
"Putang ina ka!" sobrang hinang pagmumura
ni Angelo. Saan siya uupo kung walang
upuan? Alangan naman magpapa-guide pa
siya kay Jairah.
"Kuya? Pahingi kami ng extra na upuan,"
sabi ni Jairah sa dumaang waiter. Hindi niya
naisip na wala pala itong uupuan. Kasalanan
naman kasi nito. Sa halip na maupo, in-offer
pa sa kaniya. Nawala rin sa isip niya na bulag
pala ito. Excited lang talaga siyang maupo
kaya hindi na siya tumanggi. Pa-gentleman
effect pa e.
"Okay, ma'am," magalang na sagot ng
waiter at kumuha ng extra silya.
"Maupo ka na, Gelo," malambing na sabi ni
Jairah nang maipuwesto ng waiter ang
upuan sa tabi ni Angelo.
"Salamat," sabi ni Angelo at naupo na.
Malilintikan talaga itong si Jairah kapag
silang dalawa na lang.
"Pasensiya ka na, Mister Chua, traffic lang,"
nakangiting paumanhin ni Angelo.
Napasulyap si Jairah sa katabi. Ang galing
magdrama. Parang hindi lang bulag e.
Nakipagtitigan pa talaga sa kaharap kapag
makipag-usap.
"Maganda ang kasintahan mo," sabi ni Mr.
Chua nang napasulyap kay Jairah.
"Naku, salamat po. Napaka-honest mo,"
nakangiting pasalamat ni Jairah kaya tumawa
ang matanda.
"Maganda naman talaga siya, kaya nga po
mas lalo kong minahal," sabi ni Angelo at
hinawakan ang kamay ni Jairah na nasa lap
nito.
Matapos ang pakipagnegosasyon, naunang
nagpaalam si Mr.Chua.
"Galing umarte a," puri ni Jairah pero ang
totoo, kanina pa siya nababagot. Wala
siyang naintindihan sa pag-uusap ng dalawa.
"Umuwi na tayo, alas siyete na," sabi ni
Angelo.
"Oo na! Mabuti at naisipan mo!"
nakasimangot na sabi ni Jairah at tumayo rin
nang tumayo ang binata saka ipinulupot ang
mga kamay sa braso nito. Ang bango pa rin
ng mokong kahit na anong oras na.
"Saan tayo papunta?" tanong ni Angelo.
"Sa elevator," napapagod na sagot ni Jairah.
Pagdating nila sa bahay, hinatid nang niya si
Angelo sa kuwarto para makauwi na.
"Aalis na ako. Kailan ba matatapos ang
pagiging alila ko?" naiinis na tanong ni
Jairah.
"Hanggang sa makakita ako," sagot ni
Angelo na sinimulan nang hubarin ang
damit.
"Nandito pa ako, huwag ka munang
maghubad!" sabi ni Jairah at napasulyap sa
nakahandang damit sa ibabaw ng kama ng
binata.
"Bukas, bumalik ka," sabi ni Angelo.
"Ayaw ko! May pasok ako-- kyaaaah! Ano
ba!" tili ng dalaga nang hatakin ni Angelo
ang kanang kamay niya at isinandal siya sa
likod ng pintuan.
"Angelo!" tili niya at tinutulak ito pero ang
lakas ng mokong.
"Hindi ka ba titigil sa pagiging maldita mo,
Jairah?" tanong ni Angelo na masama ang
ipinukol niya rito. Kahit na hindi niya ito
nakikita, naramdaman niya ang
pakipagtitigan din sa kaniya ng dalaga.
"Uuwi na ako! Kung nabulag ka man, sana
magpa-opera ka na!" sabi ni Jairah at
napalunok nang laway nang salubungin ang
mga mata nito. Sigurado naman siyang hindi
ito nakakakita pero bakit kinakabahan siya?
Iniwas niya ang mga mata dahil naiilang siya.
Ngayon lang niya napatunayan na ang hirap
pa lang makipagtitigan sa bulag. Shit lang!
Dahan-dahang inilapit ni Angelo ang mukha
nito sa kaniya kaya nataranta siya.
"A-Ano ang--"
Tsup!
Tila napako siya sa kinatatayuan nang
maramdaman ang init ng mga labi nitong
dumampi sa mga labi niya pero smack lang.
Lumayo si Angelo at nginitian siya.
"Sa susunod na magdadaldal ka pa, hindi
lang 'yan ang matitikman mo sa akin,
Jairah!" sabi ni Angelo at lumapit sa kama.
Wala sa sariling binuksan ni Jairah ang pinto
saka walang paalam na umalis. What the
fuck! Paano nanakaw ng bulag ang first kiss
niya?

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon