26

1K 23 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 26

Unedited...
"Next month na ang kasal natin," sabi ni
Angelo matapos tumabi kay Jairah na
nakatayo sa veranda at nakatingin sa
malawak na hardin ng bahay nila.
"Excited ka ba?" tanong ni Jairah at
napatingin sa binata.
"Yes," sagot ni Angelo. "At the same time,
nalulungkot ako dahil papakasalan ko ang
babaeng mahal ko pero hindi naman ako
mahal."
"Same here," tipid na sagot ni Jairah at
muling napatingin sa hardin. "But we should
try, para kay Gela."
"May iba ka bang mahal?" nahihirapang
tanong ni Angelo. He wants to be sure.
"Wala," sagot ni Jairah.
Isang malalim na buntonghinga ang
pinakawalan ng binata at hinawakan ang
kamay ng dalaga.
"Kailan mo balak magmahal? Sana kapag
dumating ang araw na iyon, ako na lang ang
mamahalin mo."
"I want to love you," pag-amin ni Jairah. "I
am trying to."
Lumiwanag ang mukha ni Angelo habang
nakatingin sa mga mata ng fianceè.
"But I really can't," malungkot na dagdag ni
Jairah. Pinisil ni Angelo ang mga kamay nito.
"At least sinubukan mo. Thank you, Jai."
"Gelo? Salamat din dahil kinuha mo ang mga
mananahi ko. Alam mong pangarap nilang
makapunta sa Maynila at makagawa ng mga
magagandang damit sa mga bata,"
pasalamat ni Jairah.
"Wala iyon. Hindi ba sabi ko noon, mas
gusto ko ang mga baguhan at hindi ganoon
kakilalang mananahi?"
"Salamat pa rin dahil pinagbigyan mo ako."
Pumasok na sila nang tawagin ng katulong
para sa tanghalian.
"Jai? Naalala mo pa ba ang lupang binili ng
dad mo sa lolo ko?" tanong ni Angelo at
hinila ang silya para makaupo ang dalaga.
"Ang lupang ginipit ng dad ko para lang sa
kaartehan ko," sabi ni Jairah.
"Ibinalik na niya sa akin 'yon," ani Angelo.
"Pinapatayuan ko siya ng shop para ituloy
mo ang pangarap mong nasimulan sa
Negros. Do waht you want. Be happy kahit
na mag-asawa na tayo, Jai. Hindi kita
pipigilan sa pangarap mo."
Natigilan si Jairah sa sinabi ng lalaking
kaharap. It was her dream. Pero nang
sabihin niya noon sa ama, pinagalitan siya
dahil magsasayang na naman daw siya ng
pera.
"H-Hindi ka galit?"
"Why should I? Nakaraan na iyon at
magiging asawa ko na ang anak ni Tyron.
Let's forget the past. Ang mahalaga, ay
matupad mo ang pangarap mo."
"W-Why? Bakit mo ginagawa ang lahat ng
ito sa akin, Gelo?"
"Because I believe in you," sagot ni Angelo
at nilagyan ng kanin ang plato ng dalaga.
"You have your dreams, Jai. Ayaw kong
manatiling panaginip ang mga pangarap mo.
Gusto ko pa ring matupad mo iyon kahit na
kasal na tayo. At gusto kong kasama mo
ako sa pagtupad ng mga pangarap mo.
Sinimulan ni Jairah ang pagkain dahil hindi
niya alam ang sasabihin. Somehow, sumaya
siya. There's a part of her na natuwa sa
nalaman pero nalungkot pa rin siya.
"Magbihis ka after nating kumain, isasama
kita sa opisina dahil may welcome party
kami sa 'yo," sabi ni Angelo kaya napakunot
ang noo ni Jairah.
"Bakit may pa-welcome?"
"You've been a part of my company, Jai. Isa
pa, gusto kong ipakilala sa new employees
ang magiging lady boss nila."
"Puwede bang tumanggi?" tanong ni Jairah.

Umiling si Angelo. "Ngayon lang."
"Okay," pagpayag ni Jairah at tinapos na
ang pagkain para makapag-ayos.
Simpleng white dress ang isinuot niya na
hanggang tuhod ang haba. Hinayaan din
niyang nakalugay ang mahabang buhok at
naglagay ng simpleng makeup.
"Ready?" tanong ni Angelo nang bumukas
ang pinto.
"Okay, I'm ready," sagot ng dalaga at
lumabas na.
"You're beautiful, Jai," puri ni Angelo
habang pababa na sila sa hagdan.
"Magpapakasal na ako kaya hindi mo na ako
dapat na bolahin pa," sabi ni Jairah.
"Daanan na lang natin si Gela mamaya sa
parents mo," ani Angelo. Hiniram kasi nina
Tyron ang bata dahil nandoon daw sina Taira
at Sky.
"Baka kung ano na ang ginawa ni Sky sa
anak ko," nakasimangot na sabi ni Jairah
kaya natawa si Angelo.
"Huwag kang mag-alala, magaling mag-
alaga si Sky lalo na't pangarap nito ang
magkaroon ng anak na babae."
"Kawawa lang si Taira sa kaniya. Panigurado,
sumasakit na ang ulo ng kakambal ko sa
mga anak nila. Kilala mo naman kung gaano
kakulit ang mga Villafuerte. Parang nag
times six si Sky."
"Hindi naman nagbabantay ang kakambal mo
kaya wala kang dapat na ipag-alala, si Sky
naman ang nag-aalaga ng mga anak nila."
Nang makasakay na sila sa kotse, ang
daming pinagsasabi ni Angelo pero tumigil
naman nang mapansing hindi interesado ang
dalaga.
Pagdating sa party room ng gusali, sa kanila
nakatingin ang mga empleyado. Ang iba ay
masayang binata si Jairah.
"Congrats, Jai," bati ni France nang lapitan
sila.
"Thanks," ani Jairah na medyo nahihiya dahil
pinagtitinginan siya ng mga ito. May ibang
curious ang mga mata habang nakatitig sa
kaniya. May iilang familiar ang mukha sa
kaniya pero mas marami ang hindi.
Contractual naman kasi sila kaya ang iba ay
baka hindi na nag-renew o nangibang bansa
na.
Iginiya siya ni Angelo sa table na para sa
kanila at sumenyas sa waiter na bigyan sila
ng pagkain.
"Kakatapos lang natin kumain sa bahay,"
sabi ni Jairah.
"Merienda lang," bulong ni Angelo. "Maiwan
muna kita, magsasalita lang ako."
Tinatawag na kasi siya ng emcee para
magbigay ng kaunting salita sa mga
empleyado.
Ipinakilala niya si Jairah at ipinaalam kung
kailan ang kasal nila. Naghiyawan naman ang
mga ito sabay hingi ng kiss sa kanila kaya
napilitang mag-kiss ang dalawa.
"Sorry," paumahin ni Angelo nang muli
silang maupo.
"Okay lang," sagot ni Jairah at napatingin sa
babaeng palapit sa kanila.
"Gelo? Can we talk?" maarteng sabi nito.
"Krista? Ano ang ginagawa mo rito?"
"Am I not invited?" nakataas ang kilay na
tanong nito.
"Kausapin mo na siya," sabi ni Jairah kaya
napilitang tumayo si Angelo at sumama kay
Krista sa loob ng opisina nito.
Ang tagal ni Angelo kaya tumayo si Jairah at
pinuntahan ang dalawa. Pagbukas niya ng
pinto, nagtatalo ang dalawa pero natigil
nang mapansing nasa loob siya.
"Did I disturb you?" tanong ni Jairah na kay
Angelo ang mga mata.
"Bakit ka pa bumalik?" mataray na tanong ni
Krista.
"Hindi ba dapat?" tanong ni Jairah na
sinalubong ang mga mata ni Krista.
"Kami ang dapat na ikasal ni Angelo!"

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon