34

1K 33 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 34

Unedited...
Bumangon si Jairah pero agad na
napahawak sa ulo nang makaramdam ng
pagkahilo.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni
Angelo na nakatingin sa kaniya. Nagbibihis
na ito nang mapansing napahawak si Jairah
sa ulo.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ni Jairah.
Nagbibihis na ito ng panlakad.
"Oo, hindi na kita ginising dahil ang sarap
ng tulog mo," sagot ni Angelo. Sobrang
napagod ito sa pakikipag-away sa party
kagabi. Mabuti na lang dahil naawat pa niya
ang dalaga.
Tumayo si Jairah. Nagtataka siya nang
biglang lumapit si Angelo sa kaniya para
alalayan siya sa paglalakad patungo sa
banyo.
"Okay na ako, Gelo. Kaya ko nang pumasok
sa banyo," sabi ng dalaga nang maalalang
bulag pala siya.
"Sure ka?" tanong ng binata.
"Oo, umalis ka na. Isabay mo na rin si Gela
sa pagpasok," sagot niya.
"Sige, kumain ka mamaya, ipahanda ko kay
Manang ang gusto mong kainin." bilin ni
Angelo.
"Umalis ka na."
"Mamaya na. Patapusin na kita," sabi ni
Angelo kaya walang nagawa si Jairah kundi
pumasok na sa banyo. Binilisan lang niya.
Pagkatapos ng kinse minutos, lumabas na
siya sa banyo. Nasa labas pa rin si Angelo na
nakaupo sa kama.
"Hindi ka talaga aalis?"
"Baka madulas ka kaya hinintay na kita.
Kumain ka, nagpahatid ako kay Manang ng
pagkain para hindi ka na bababa. Mamaya,
puntahan ka niya kapag gusto mong
bumaba," sabi ni Angelo.
"Dito lang ako," sagot ni Jairah."salamat sa
pagkain kaya umalis ka na. Huwag mong
sabihin, bantayan mo rin ako habang
kumakain?"
"Baka mabulunan ka," ani Angelo kaya
natawa si Jairah.
"Matanda na ako, Gelo."
"Pero isip bata ka pa rin minsan, Jai," biro ni
Angelo kaya napailing na lang si Jairah.
Bumukas ang pinto matapos ng dalawang
katok. Pumasok si Manang kaya tumayo na
si Angelo.
"Manang? Ikaw na po muna ang bahala kay
Jairah. Kapag may mangyari sa kaniya, ikaw
ang sisihin ko," bilin ni Angelo.
"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa
kaniya," sagot ni Manang.
Nang makalabas na si Angelo, saka naman
inumpisahan ni Jairah ang pagkain. Nakaupo
lang si Manang sa sofa na binabantayan siya.
"Manang? Puwede na po kayong lumabas,
kaya ko na po," sabi ni Jairah.
"Naku, huwag na. Kilala mo naman si
Angelo, kapag may mangyari sa 'yo, ako pa
ang sisingilin niya. Kulang pa ang kaluluwa
ko para ibayad kung may masamang
mangyari sa 'yo."
Napailing si Jairah habang kumakain.
"Manang? Kumusta po ang buhay ni Angelo
nang nawala ako?" curious na tanong niya.
"Iyon ba? Kung nakita mo lang ang
kalagayan niya, maaawa ka sa kaniya. Sinisisi
niya ang sarili sa nangyari. Hindi ko nga
makausap nang matino iyon dahil panay at
ng laklak ng alak. Nagpapasalamat lang ako
dahil dito siya sa bahay umiinom. Umaasa
kasi siya na balang araw, uuwian mo siya."
"W-Wala ho ba siyang ibang babae?"
Ngumiti si Manang, "Ngayon lang siya na-
inlove ng ganito."
"Kilala mo na talaga si Angelo, ano?"
Proud na ngumiti si Manang, "Oo naman.
Mula pagkabata, alaga ko na siya kaya
kabisado ko na ang ugali niya. Mabait naman
si Angelo pero hindi siya ang tipo ng
lalaking mahilig sumeryoso. Ngayon ko lang
siya nakitang ganiyan."

Si Irene po? Hindi ba't childhood
sweetheart niya ito?"
"Ah, matagal na iyon at hindi naman siya
nagkukuwento tungkol kay Irene," sagot ni
Manang.
"Manang? Bumaba ka na po. Kaya ko na
pong mag-isa."
"Pero--"
"Nakakakita na po ako, Manang kaya huwag
kang mag-alala."
Nanlaki ang mga mata ng matanda at
pinagmasdan siya. Ngumiti si Jairah.
"Kulay asul po ang damit mo at itim naman
ang shorts mo kaya nakikita ko po kayo."
"Talaga? Kailan pa?" masayang tanong ni
Manang.
"Noong isang araw pa po. Pero manang?
Puwede bang secret muna natin ito? Huwag
mo pong ipaalam kay Angelo," pakiusap ni
Jairah.
"Pero bakit?"
"H-Hindi ko po alam kung paano ko aminin
kay Angelo," sagot ng dalaga.
"Sige," pagpayag ni Manang.
"Salamat po. Promise po 'yan, Manang ha.
Kapag malaman ni Angelo, lalayasan ko ulit
siya," biro ni Jairah.
"N-Naku, huwag ganiyan. Mababaliw na
talaga ang alaga ko. Sige, sarado ang bibig
ko. Ikaw na ang bahalang umamin sa kaniya.
Kunyari, wala akong alam," pagpayag ni
Manang kaya natawa si Jairah.
"Salamat po."
Nang makalabas si Manang bitbit ang tray
na pinagkainan niya, tinawagan niya si
Angelo sa opisina pero babae ang
nakasagot.
"Sino 'to?" tanong ng babae.
"Si Angelo? Nandiyan ba siya?"
"Bakit? Ano ang kailangan mo sa kaniya?"
pagtataray ng babae kaya umarko ang
kanang kilay ni Jairah. Pasalamat ito at wala
ito sa harapan niya.
"Gusto kong makausap ang mapapangasawa
ko kaya pakisabi sa kaniyang si Jairah ang
tumatawag!" pagtataray na rin ng dalaga
kaya natameme ang sa kabilang linya.
"S-Sige po, ma'am. Akala ko, nantri-trip na
naman," paumanhin nito na halatang natinag
ang katapangan.
"Pakitawag na kay Angelo dahil naiinip na
ako!"
"Sige po, pagkatapos ng meeting niya,
ipaalam ko pong tumawag ka," parang
maamong tuta na ang boses nito kaya
ibinaba ni Jairah ang telepono at binuksan
ang TV para manood.
Matapos ang kinse minutos, tumunog ang
cellphone ng dalaga.
"Jai?"
"Sino ang sumagot sa akin kanina?" bungad
ng dalaga.
"Secretary ko, bakit? Tumawag ka raw."
"Hindi ko gusto ang ugali niya!" prangkang
sagot ni Jairah. Boses pa lang, malandi na.
"Busy kami kaya baka na-misinterpret mo
lang siya, Jai," depensa ni Angelo. May
meeting sila whole day kaya lunch break lang
ang pahinga nila. Sumaglit lang siya nang
ipaalam ng secretary na tumawag si Jairah.
"Tinarayan niya ako. Hindi iyon ugali ng
secretary na kung makipag-usap, parang
siya ang boss ng kompanya. Paano kung
client ang tumawag?" nanggigigil na tanong
ni Jairah. Dinaig pa siya nito sa pagtataray
e.
"Pagpasensiyahan mo na siya," sabi ni
Angelo.
"Iyon lang 'yon, Angelo Rivera?"
"Jai? Ano ang gusto mong gawin sa kaniya?"
"Fire her!" diretsahang sagot ng dalaga.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni
Angelo sa kabilang linya. "Ayaw mo? O baka
naman may relasyon kayo?"

"Sir? Hinahanap ka na po sa meeting room."
Narinig na naman ni Jairah ang boses ng
malanding babae. Magkasama sila ni Angelo.
"Jai--"
Hindi na natapos ni Angelo nang tinapos ni
Jairah ang tawag.
"Ayaw niyang tanggalin ang secretary niya?"
Hindi nakapaniwalang sabi nu Jairah na para
bang may kinakausap. Kinuha niya ang
cellphone at pinatay nang tumunog at
tumatawag si Angelo. "Bahala siya sa buhay
niya!"
Maghapon siyang nagkulong sa kuwarto.
Alas kuwatro na nang maisipan niyang
bumaba para mamasyal sa hardin.
"Ma'am? Tumawag po si Sir Angelo kanina,
pinapakamusta kung okay ka lang ba," sabi
ng isang katulong nang makasalubong niya.
"Pakisabing lumabas ako," sagot ni Jairah at
dumiretso sa labas ng hardin para
lumanghap ng sariwang hangin.
Nakaka-miss sa probinsya. Ingay lang ng
mga hayop ang naririnig niya pero dito,
ingay na likha ng tao ang naririnig ng
kaniyang tainga. Mabuti na lang dahil
malawak ang bakuran nina Angelo kaya hindi
gaanong naririnig ang mga sasakyan sa
labas.
Ang ganda ng mga rosas sa hardin. May
tatlong linya. Ang isang hanay ay kulay puti
na napagitnaan ng dalawang hanay ng kulay
pula.
May mga paru-paro ding lumilipat-lipat sa
iba pang bulaklak.
Wala pa si Angela. Ang sabi ng Mommy Aira
niya, sinundo nina Sky at Taira kanina sa
school at pinalaro sa anim nitong anak na
puro lalaki.
"Mawawalan ako ng anak sa ginagawa ni
Sky!" bulong niya. Bago ito nagpaalam,
nakuha na ang anak niya. Sarap magsuplong
sa pulis para sa kidnapping.
"Jai!"
Napalingon siya kay Angelo na humahangos
palapit sa kaniya. "Thanks God at nandito
ka."
"Problema mo?"
"S-Sabi ng katulong, lumabas ka raw.
Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo
binubuksan ang cellphone mo," hinihingal na
sagot ng binata at naupo sa tabi niya. "H-
Hindi mo lang alam kung ano ang
nararamdaman ko kanina habang papunta
rito."
"Akala ko ba, may meeting ka pa!"
pagtataray ng dalaga.
"H-Hindi ko na pinatapos nang malaman
kong lumabas ka."
"Dito lang ako sa hardin lumabas," sagot ni
Jairah.
Napansin niyang titig na titig si Angelo sa
mukha niya pero hindi siya nagpahalatang
nakikita niya ito.
"N-Natatakot pa rin ako na baka pag-uwi
ko, wala ka na naman," mahinang sabi ni
Angelo at hinawakan ang kanang kamay
niya.
Dinukot nito ang cellphone sa bulsa na
tumutunog saka pinatay.
"Bakit hindi mo sagutin ang tawag?"
"Sa opisina lang naman iyon," sagot ni
Angelo na problemado ang mukha pero
guwapo pa rin naman.
"Gelo? Pabigat na ba ako sa 'yo?"
Napangiti si Angelo at pinisil ang kamay
niyang hawak nito.
"Huwag mong isipin ang bagay na iyan.
Kahit kailan, hindi ka nagiging pabigat sa
akin. Hanggat nasa tabi ko kayo ni Angela,
lahat ay gumagaan sa buhay ko."
"Ang secretary mo, ayaw ko sa kaniya!"
sumbong na naman ni Jairah. Babae siya
kaya alam niyang may gusto iyon kay Angelo
kahit na hindi pa niya nakikita.
"Pero pinagkakatiwalaan ko siya ng lahat.
Alanganing palitan ko siya sa ngayon," ani
Angelo.
"Siya o ako?"
Natigilan si Angelo at napatitig na naman sa
mukha ni Jairah. Wala naman itong pakialam
sa kaniya at sa mga taong nasa paligid niya
pero pinatri-tripan nito ang secretary niya
ngayon.
"Alam mong ikaw ang pipiliin ko pero bakit
ganoon na lang ba katinding galit mo sa
kaniya?" Usisa ni Angelo. Parang
unreasonable naman yatang paalisin na lang
niya ito na walang sapat na dahilan. Well, so
far, ito pa lang ang nakatagal sa kaniya.
Three weeks na ito sa kaniya at medyo
maayos naman magtrabaho.
"Dahil gusto ka niya at ayaw ko ng ideyang
gano'n! What is mine is mine!" prangkang
sagot ni Jairah kaya natigilan na naman ang
binata at nagtatanong ang mga matang
napatingin sa dalaga.
"J-Jai--"
"Nagseselos ako, Angelo!" sabi ni Jairah na
ikinagulat ng binata. "Nagseselos ako at
hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito!"
"W-Well--" Napalunok ng laway si Angelo
habang nasa mukha pa rin ng dalaga ang
mga mata niya. "M-Magselos ka lang, gusto
ko 'yan, Jai."

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon