13

1K 34 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 13

Unedited...
"Dapat mong pagbayaran ang ginawa mo sa
kaniya dahil kung hindi, ako mismo ang
magpaparusa sa 'yo!" sabi ni Tyron.
"Bayad na ako! Ginahasa niya ako at
pagkababae ko ang kabayaran! Daddy
naman! Anak mo ako! Hindi po bang ako
muna ang kampihan mo?" matapang na sabi
ni Jairah. "Anong klaseng ama ka kung
ipagkanulo mo ako sa lalaking 'yon?"
Kanina pa nakauwi si Angelo at nakapag-
usap na sila nang mabuti ng kaniyang ama
kaya ngayon, siya naman ang kinakausap
nito.
"May relasyon kayo, Jairah!"
"Wala kaming relasyon!" tanggi ng dalaga.
"Ilang beses ko bang sinasabing bina-
blackmail niya ako!"
"Paano nangyaring umabot kayo sa puntong
ipinagkanulo mo ang sarili mo sa kaniya?"
galit na tanong ni Tyron. Si Aira ay hindi
makasingit sa mag-ama dahil nagsisigawan
ang mga ito sa loob ng guest room.
"Ginahasa niya ako!" sumbong ni Jairah na
nandidiri sa nangyari. Hanggang ngayon,
parang nasa katawan pa rin niya ang mga
palad ni Angelo.
"Paano?" walang emosyong tanong ni Tyron.
"Anong paano? Pinilit niya ako! Hindi ka ba
nakikinig?" bulalas ni Jairah.
"Paanong ginahasa ka ng isang bulag?"
"Fuck! Pinuwersa niya ako! Hindi pa rin ba
malinaw? Kailangan ko pa rin bang i-demo?"
bulalas ni Jairah. Sabi na nga ba e, wala
ngang maniniwalang ginahasa siya ng isang
bulag.
"Huwag kang sumigaw! Ako pa rin ang ama
sa pamamahay na ito!" singhal ni Tyron na
para bang lunukin nang buo ang anak.
"S-Sorry, Dad," paumahin ni Jairah. "Pero
ginahasa talaga ako ni Angelo."
"Paanong naulit ang nangyari? Itinali ka ba
niya?" nanggigigil na tanong ni Tyron kaya
umiwas ng mga mata si Jairah. Ang una,
kaya pa niyang panindigan na pinilit siya ni
Angelo e.
"P-Pinilit pa rin niya ako," nakalabing sagot
ni Jairah pero kaagad na napasigaw nang
sipain ng ama ang table.
"Babe," wika ni Aira at hinawakan ang braso
ng asawa na susugod sana kay Jairah. "Tama
na, unawain na lang muna natin si Jairah."
"Bitiwan mo ako, babe! Sumusobra na
talaga siya e!" Nagpupumiglas si Tyron pero
mahigpit ang pagkakayakap ng dalaga sa
kaniya.
"B-Bakit ba ayaw ninyo akong p-
paniwalaan?" umiiyak na tanong ni Jairah.
"A-Ako na nga ang ginahasa, a-ako pa ang
sisihin ninyo!"
"Huwag lang umiyak sa harapan ko! Kung
hindi ka naging pasaway, hindi sana
mangyari ang lahat ng ito sa 'yo! Binulag mo
ang tao!" galit na sabi ni Tyron na nandilim
na ang paningin. "Ano ba ang gagawin ko sa
'yo para tumino ka na? Bakit hindi ka na
lang gumaya sa Kuya Aron at sa kakambap
mo?"
"W-Wala na akong nagawang tama para sa
inyo! P-Puro na lang kayo si Kuya Aron at
Taira! P-Palagi na lang mali ang mga p-
pinaggagawa ko sa 'yo!" sumbat ni Jairah at
pinahidan ang mga luha.
"Kung iyon ang mapakapantag sa kalooban
ninyo, s-sige! A-Aalis ako. L-Lalayas ako sa
p-pamamahay na ito! Magpaalila ako sa
bulag na i-iyon! P-Pero kapag patayin niya
ako, huwag kayong pumunta sa lamay ko!"
galit na sabi ni Jairah na sobrang sama ng
loob sa ama. Humarap siya kay Aira na hindi
makapagsalita pero naaawa ang mga matang
nakatingin sa kaniya.
"H-Hindi mo ako mahal, mommy! M-Mas
matimbang pa rin si Taira sa 'yo!"
"H-Hindi 'yan totoo. Mahal ko kayong mga
anak ko," naiiyak na depensa ni Tiara.
"Hindi! Mas mahal mo pa si Kuya Aron kaysa
sa akin kahit na ampon mo lang siya! Ang
masama, anak pa siya ni Daddy sa kerida
niya!" galit na sumbat ni Jairah. Bakit
ganoon? Kapag si Aron, puring-puri ito ng
mga magulang nila? Pero bakit siya, parang
pabigat lang siya sa pamilya.

Pak!
Napahawak si Jairah sa kanang pisngi nang
sampalin siya ng ina.
"M-Mahal ko kayong tatlo at kahit kailan,
hindi ko naisip na mas matimbang silang
dalawa kaysa sa 'yo! H-Hindi ko man tunay
na anak si Aron, p-pero anak ko pa rin siya!
A-Ako ang ina niya at magkapatid kayo!"
umiiyak na sabi ni Aira kaya inakbayan siya ni
Tyron at hinimas sa likod para guminhawa
ang pakiramdam.
"Umalis ka na, Jairah," mahinang sabi ni
Tyron.
"Lalayas ako at huwag mo na akong hanapin
pa dahil mula ngayon, wala na kayong anak
na si Jairah!" puno ng hinanakit na sabi ni
Jairah at tinalikuran ang mga magulang.
Napatigil siya nang makita niyang nakatayo
si Aron sa pinto at malungkot na nakatingin
sa kaniya.
Napa-smirk siya saka nilagpasan ang
kapatid. Mabilis na nag-empake siya ng mga
gamit. Niligpit niya lang ang mahahalagang
gamit niya pati mga alahas. Kahit sapatos,
hindi na niya dinala. Ang dami kasi kaya mga
paborito lang niyang isuot.
Pagbaba niya ng hagdan, wala ang mga ito
kaya nagpatulong siya sa katulong at
nagpahatid sa labas ng gate at sumakay sa
taxi.
-------------------------------
"Ano ho ang balak ninyo kay Jairah?" tanong
ni Oscar habang kumakain sila ng hapunan.
"Nagawa ko na ang nais ko kaya nasa kay
Tyron na lang ang pasya," sagot ni Angelo.
Kahit na hindi niya nakikita si Tyron kanina,
alam niyang nagpipigil lang ito ng galit.
"Gusto mo na ba siya?" tanong ni Oscar
kaya ipinagpatuloy ni Angelo ang pagkain.
"Gusto ko siyang maikama," sagot ni Angelo.
Kilala siya ni Oscar dahil ito ang naging saksi
ng halos lahat ng kalokohan niya noon.
"Maikama nga lang ba?" makahulugang
tanong ni Oscar.
"Wala pa akong sineryoso," wika ni Angelo.
"Maliban kay Irene."
Napatingin si Oscar sa pinto nang pumasok
ang katulong na may bitbit na malaking
maleta at nakasunod si Jairah sa likuran nito
na may maleta ring dala.
"Sir? Si Jairah," bulong niya kay Angelo.
"Sino ang kasama niya?" tanong ng binata.
"Wala. May bitbit na maleta," sagot ni
Oscar.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni
Angelo nang maramdaman ang presensiya
ng dalaga sa harapan nila.
"Can we talk? Iyong tayong dalawa lang?"
seryosong tanong ni Jairah at napatingin kay
Oscar.
"Tapos na po ako. Labas muna ako sa hardin
para magpahangin," paalam ni Oscar at
kinuha ang mga maleta ni Jairah saka
sumenyas sa katulong na iwan na ang
dalawa.
"Bakit ka nandito, Jairah?" tanong bi Angelo
na tinatamad humarap sa dalaga dahil baka
sa ibang direksiyon siya makatingin.
"Gusto mo akong alilain, 'di ba? Gusto
mong parusahan sa mga kasalanan ko sa 'yo
kaya gawin mo na ang lahat ng gusto mo sa
akin, Angelo!" sagot ni Jairah ay naupo sa
tabi ng binata. Wala na rin namang silbi ang
buhay niya dahil parang tinakwil na siya ng
mga magulang. "Ito naman ang gusto mo at
ni Tyron, 'di ba? Patayin na ninyo ako!"
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Angelo.
"Ganoon ka pala pinalaki ni Tyron? Walang
galang sa mga magulang."
"Tinuruan nila ako kung paano sila hindi
igalang!" sabi ni Jairah at naikuyom ang
kamao.
"Tinuruan? Paano?" seryosong tanong ni
Angelo.
"Hindi nila ako mahal at wala silang ibang
anak kundi si Taira at Aron lang. Never nag-
i-exist si Jairah sa buhay nila. Si Jairah na
walang ginawa kundi ang maging pasaway
lang sa kanila! Na palaging mali ang mga
ginagawa!" galit na sabi ni Jairah. Kung ito
ang gusto ng mga magulang, sige, magpa-
alila siya sa bulag na ito.
"Bakit?" kalmadong tanong ni Angelo at
ipinagpatuloy ang pagkain. "Ano ba ang mga
mabuting ginawa mo bilang anak at kapatid
nila?"
Napataas ang kanang kilay ni Jairah. Hindi
niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni
Angelo.
"Sino ka para alamin ang buhay ko?" galit na
tabong ng dalaga kaya tumawa si Angelo.
"Kumain ka muna, sweetheart. Mahirap
kapag wala na ngang laman ang puso't utak
mo, wala pang laman ang sikmura mo."
"Huwag mo akong tawaging sweetheart!"
naiinis na sabi ni Jairah saka naupo sa tabi ni
Angelo at kumuha ng plato dahil nagugutom
na siya.
"Tatawagin kita sa anumang gusto kong
itawag sa 'yo, sweetheart."
"Oo na, bulag!"
"Kahit na lumayas ka sa inyo, mataray ka pa
rin, Jairah! Kung ako ang mga magulang mo,
itatakwil na talaga kita!" sabi ni Angelo.
"Mabuti at hindi ikaw ang ama ko! Wala
kang alam sa nararamdaman ko, Angelo!"
sagot ni Jairah at nanggigigil na tinusok ang
isda.
"Tama, hindi nga ako ang ama mo kaya
magagawa ko ang gusto kong gawin sa 'yo,"
wika ni Angelo. Ngayon pa ba na nasa
pamamahay na niya ito?
"Patayin mo na ako!" sabi ni Jairah.
"Huwag kang mag-alala, sweetheart.
Puputulin natin 'yang sungay mo at ipalo sa
puwet mo," sabi ni Angelo at ipinagpatuloy
ang pagkain. Oras na makakita siya,
humanda lang talaga itong si Jairah.
"Fuck you!" wika ni Jairah.
"Later, excited?" natatawang sagot ni
Angelo. "Kumain ka muna para may lakas ka.
Panigurado, aabutin na naman tayo ng
umaga."
Hindi umimik si Jairah at ipinagpatuloy ang
pagkain. Pakiramdam niya, wala nang
direksiyon pa ang buhay niya. Wala na rin
namang nagmamahal sa kaniya.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon