10

1.1K 29 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 10

Undited...
"Ate? Kaninong invitation ito?" tanong ni
Jairah. Baka nakalimutan niya ang wedding
invitation nina Kean at Irene? Pero sa
naalala niya, itinago na niya iyon sa drawer.
"Kay Sir Angelo po. Pinadala ng kababata
niya," sagot ng katulong.
"Invited din pala siya," sabi ni Jairah.
Malaking problema kapag pumunta si
Angelo. Paano kung gawin na naman siyang
yaya nito?
"Salamat po, manang," pasalamat ni Jairah
saka patakbong umakyat sa hagdan.
Dumiretso siya sa kuwarto ni Angelo pero
wala ito. Kahit sa library at sitting room ay
wala rin.
"Kuya Oscar? Nasaan ho si Angelo?" tanong
ni Jairah nang makasalubong ang lalaki na
pinagkakatiwalaan ni Angelo. Minsan ka lang
makakita ng tapat na lalaki sa amo at ang
swerte ni Angelp kay Oscar.
"Nasa mini bar. Ikaw na lang muna ang
bahala sa kaniya, uuwi na muna ako," bilin ni
Oscar at tinapik sa baliat si Jairah.
"Sige po," sabi ni Jairah at agad na
pinuntahan niya si Angelo. Kailangan niyang
makausap ito na huwag pumunta sa wedding
ng pinsan niya. Ayaw talaga niya dahil baka
kung ano pa ang gawin ni Angelo.
Panigurado, alam nitong nandoon din siya
dahil pinsan niya si Kean.
"Angelo? Puwede ba tayong mag-usap?"
tanong ni Jairah nang makapasok ngunit
natigilan siya nang makita niyang umiinom
ito ng alak sa mahabang sofa at mugto ang
mga matang tila kakatapos lang umiyak.
"Hindi pa kita kailangan, Jairah," sabi ni
Angelo at nilagok ang natitirang laman ng
bote na hawak.
"May problema ka ba?" hindi na niya
napigilang tanungin si Angelo.
"Wala. Gusto ko lang magpakalasing," sagot
ng binata at kinuha ang isa pang can na
nasa ibabaw ng mesang kaharap. Mapait ang
alak pero wala nang mas papait pa kaysa sa
nararamdaman niya ngayon.
"Ano ba ang problema mo? Tumigil ka na
nga!" saway ni Jairah at walang ingay na
kinuha niya ang mga bote saka ipinatong sa
kabilang sofa hanggang sa wala nang
makapa si Angelo.
"Ibalik mo ang alak, Jairah!" galit na utos ni
Angelo.
"Hindi puwede! Paano kung habambuhay ka
nang hindi makakita dahil sa pagpakalasing
mo? Ayaw kong maging katulong mo
habambuhay. Kailangan mong makakita
muli!" depensa ni Jairah. Hindi puwedeng
hindi makakita si Angelo dahil may buhay rin
naman siyang inaatupag. Isa pa, graduate na
sila kaya kailangan na niyang maghanap ng
trabaho.
"Puwede bang iwan mo muna ako?"
pakiusap ni Angelo. Wala siya sa mood na
makipagtalo kay Jairah.
"Basta huwag kang dumalo sa kasal nina
Kean at Irene!" diretsahang sabi ng dalaga
at pinagmasdan ang mukha ni Angelo na
walang kaayusan. Naka-shorts lang ito at
puting tshirt na halatang pambahay.
"Kung puwede nga lang," mahinang saad ni
Angelo at inubos ang laman ng boteng
hawak. Kailangan pa niya ng alak para
maibsan ang sakit na nararamdaman.

"May problema ka ba, Angelo?" tanong ni
Jairah at maingat na naupo sa tabi nito para
hindi maramdaman ng binata. Napapagod na
ang mga paa niya sa kakalakad kanina.
"Bakit? Tutulungan mo ba ako, Jairah?"
tanong ni Angelo at humarap sa dalagang
nasa kanan niya.
Agad na tumayo si Jairah pero napigilan ni
Angelo ang kanang kamay niya. "Do you
think, hindi ko alam kung nasaan ka? As
what I have told you, hanggat nasa
pamamahay kita, alam ko ang bawat kilos
mo, Jairah!" Kabisado na niya ang amoy ng
dalaga at hindi siya nito malinlang. Kahit
magbago man ang pabango nito, malalaman
pa rin niya dahil sa magaslaw na kilos nito.
Kapalit yata ng pagkabulag niya ay ang
pagka-active naman ng lahat ng senses niya.
"Angelo, bitiwan mo nga ako!"
"What if ayaw ko? May magagawa ka ba?"
tanong ni Angelo at umusod sa tabi ni Jairah
hanggang sa maramdaman ang balat ng
balikat nito sa balat ng balikat niya. "May
magagawa ka ba? Hmm?"
"A-Angelo, lasing ka na," nauutal na sabi ni
Jairah at napatingin sa mukha ng binata. Oh
God, ang pula ng pouty lips nito tapos
namumungay pa ang bulag na mga mata.
Bakit ganoon? Hindi naman ito makakakita
pero parang nahipnotismo siya sa mga mata
nito. Hindi niya kayang tumanggi.
"Bakit ganoon? Maaakit kita na maldita pero
ang babaeng mabait na gustong-gusto ko,
hindi?" malungkot na saad ng binata kaya
naningkit ang mga mata ni Jairah at agad na
tinulak si Angelo.
"Kapal ng mukha mong bulag ka! Ako?
Naaakit sa 'yo? Managinip kang bulag ka!"
singhal ni Jairah. Kung hindi lang masamang
manakit ng may kapansanan, matagal na
niyang sinampal si Angelo.
Lumayo si Angelo saka ngumisi kay Jairah,
"Sa susunod na araw, maaamin mo rin sa
sarili mong gusto mo ako, Jai."
"In your dreams!" pagtataray ni Keana saka
tumayo. "Basta, huwag kang pumunta sa
kasal ng pinsan ko! Ayaw kitang makita
roon!"
"Pupunta ako, Jairah. Whether you like it or
not, pupunta ako," napipilitang sagot ni
Angelo.
"Bahala ka! Huwag ka lang magpahalata na
magkakilala tayo!" naiinis na sabi ni Jairah at
padabog na lumabas.
------------------------
Lahat ng nasa paligid ni Angelo ay
nagtatawanan, nagkukuwentuhan at obvious
na masaya. Kanina pa mula sa simbahan, ito
na ang naririnig at nararamdaman niya--
kasiyahan ng mga tao pero habang
tumatawa at humahalakhak sila, para naman
siyang sinasaksak nang paulit-ulit. Ang
hapdi. Ang sakit.
Wala nang sasakit pa sa ganitong sitwasyon.
Na ang kaisa-isang babaeng minahal mo
nang labis ay ikinakasal sa ibang lalaki.
Thanks God at nabulag siya kaya hindi na
niya nakita ng dalawang mga mata ang
kasiyahan sa mukha ng kababata niyang si
Irene.
"Hi," narinig niya ang boses ni Irene na nasa
harapan niya. Hindi niya namalayang lumapit
ito sa kaniya. Or baka masyado na siyang
napalayo sa dalaga kaya hindi na niya nare-
recognize ang presensiya nito.
"Pasensiya ka na kung hindi kita napuntahan
noong naaksidente ka." Noong araw na
nagpaalam ito sa kaniya sa Westbridge, ay
naaksidente raw ito kaya hindi natuloy ang
pag-alis nito patungo sa ibang bansa.
Ngumiti si Angelo na naka-shades. Ayaw
niyang ipahalata kay Irene na hindi na siya
nakakakita. God knows kung gaano niya
kagusto na makita ang maamong mukha nito
pero mas mainam na nga siguro na huwag
na lang para hindi na siya masaktan pa.
"Wala iyon, Irene. Congrats pala, may asawa
ka na," ani Angelo na masaya para sa
dalaga. Masaya pero deep inside, hiniling
niya na sana siya na lang. Siya na lang ang
lalaking nagdala kay Irene sa altar kanina.
Pero ayaw ng kapalaran e.
"Salamat po, Kuya Gelo. Sabi ng mommy
mo, busy ka pero nakapunta ka pa rin,"
masayang sabi ni Irene at hinawakan ang
kamay nito na nasa ibabaw ng mesa.
Ngumiti ang binata at pinisil ang kamay ni
Irene.
"Oo naman, basta ikaw. Nangako ako noon
na kapag kasal mo, dadalo ako," ani Angelo.
Sana ay hindi na lang siya nangako kung
alam lang niyang ganito pala kasakit na
dumalo sa kasal ng babaeng pinangarap mo
ring papakasalan.
"Salamat po at nasaksihan mo ang kasal ko,
Kuya Gelo. Ikaw naman ang susunod," ani
Irene saka tumayo. "Maiwan na po muna
kita, aasikasuhin ko pa ang ibang bisita."
"Sige lang," sagot ni Angelo at ngumiti sa
dalagang sa pakiramdam niya ay nakatayo sa
harapan niya. Gusto sana niyang sabihin kay
Irene na hindi na siya makakasal pa dahil ang
bride niya naagaaw na ng iba.
"Sir?" tawag ng lalaking bodyguard niyang
trenta 'y dos na ang edad at naupo sa tabi
ni Angelo. Wala si Oscar dahil isinugod muli
ang anak sa hospital kaya ito muna ang
pumalit.
"Aalis na po ba tayo? O patatapusin mo pa
po ang party?"
"Aalis na tayo," sagot ni Angelo at tumayo.
Agad na umalalay sa kaniya ang bodyguard
na nagsisilbing mga mata niya sa madilim
niyang mundo.
"Wait lang," pagpigil ni Angelo nang
maramdamang may pares ng mga matang
nakatingin sa kaniya.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si
Jairah. "Alam kong nakatingin ka sa akin
kaya ihatid mo na ako sa pag-uwi."
"Wala akong pakialam sa 'yo! Lemme enjoy
this wedding!" pagsisinuplada nito.
"Ayaw mo naman sigurong malaman ng lahat
na bulag ako at kung paano ako nabulag, 'di
ba?"
"I hate you!" bulong ni Jairah kaya napangiti
si Angelo nang maramdamang palapit na ito
sa kaniya. Pinauna na niya ang bodyguard sa
labas.
"Ano ang kailangan mo, bulag?" galit na
bulong ni Jairah.
"Ihatid mo na ako sa bahay ko, Jairah."
"Busy pa ako--"
"Wala ako sa mood kaya umuwi na tayo!"
"Oh yeah, pinakasalan na ni Kean ang
babaeng mahal mo kaya manghatak ka na
lang ng babae sa wedding na ito!" maarteng
sabi ni Jairah. Napangiti siya nang mapansin
ang pagtagis ng bagang ni Angelo at
pagkuyom nito ng kamao. Kanina pa niya ito
binabantayan mula pa sa simbahan kaya
napupuna rin niya ang lungkot sa mga mata
nito. Madali lang mag-conclude lalo na nang
lumapit si Irene sa puwesto nito. Hindi man
niya nakikita ang mga mata dahil sa shades,
ramdam naman niya ang sakit sa mga
ikinikilos nito.
"Uuwi na tayo at dahil makulit ka, ikaw ang
pumalit kay Irene sa buhay ko!" sabi ni
Angelo at kumapit sa braso ni Jairah.
"Ayaw kong sumama!" tanggi ni Jairah.
"Mas ayaw ko nang eksena, Jairah!"
Naiinis na naglakad si Jairah. Wala siyang
nagawa nang hindi pinakawalan ni Angelo
ang mga kamay niya.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Angelo?"
naiinis na tanong ni Jairah.
"Dahil gusto kita, Jairah," sagot ni Angelo.
"Gusto?" ulit na pagtataray ng dalaga.
"Gustong ikama," nakangising sagot ni
Angelo kaya malakas na hinampas siya ni
Jairah pero kahit anong mangyari, hindi niya
pinakawalan ang mga kamay ni Jairah. Kung
hindi niya makuha ang gusto, puwes, si
Jairah ang maging kapalit bilang kabayaran.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon