27

928 26 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 27

Unedited...
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni
Krista nang pumasok sa elevator.
Pinindot ni Jairah sa ground floor at sumara
na ang pinto.
"May dapat ba tayong pag-usapan?"
"Mahal ko pa rin si Angelo," pag-amin ni
Krista.
"Okay?" ani Jairah at hinintay ang susunod
na sasabihin nito.
"Alam kong iniwan mo na siya at naging
wasak ang buhay niya nang mawala ka. Okay
na siya e. Naka-move on siya pero bakit
bumalik ka pa?"
Bumukas ang pinto kaya lumabas na si
Jairah. Naramdaman niyang sumusunod si
Krista sa kaniya kaya dumaan siya sa
cafeteria dahil napansin niyang malakas pa
ang ulan sa labas.
Sa tabi ng pintong table sila naupo para
makita ang mga dumaraang tao. Isa pa, wala
silang balak na mag-order.
"Bumalik ako dahil pinabalik niya ako," sagot
ni Jairah sa tanong nito kanina sa elevator.
Maarteng inilagay ni Krista ang bag sa table
at hinarap si Jairah.
"Kung hindi mo mahal si Angelo, huwag mo
siyang pakasalan, Jairah."
"Sino ka para sabihin sa akin ang bagay na
iyan, Krista?" mataray na tanong ni Jairah.
Wala siyang panahon para patulan ito pero
dahil nandito na lang din naman sila, i-
entertain na lang niya.
"Mas sasaya siya sa akin. Maaalagaan ko siya
higit pa sa magagawa ko. Higit sa lahat, mas
mamahalin ko pa siya bilang asawa."
"Bakit hindi si Angelo ang kausapin mo?"
"Mahal ka niya at nabubulag siya sa
pagmamahal niya sa 'yo. Maawa ka naman sa
kaniya. Hanggat ipinaparamdam mo sa
kaniya na wala siyang halaga sa 'yo, mas lalo
lang siyang masasaktan," pangungumbinse
pa ni Krista. Pangarap niyang maikasal kay
Angelo. Mula nang makilala niya ito, umasa
siyang sana ay siya ang makapagpabago sa
binata. Na sana siya na ang babaeng
seseryosohin nito pero kagaya ng iba,
itinapon lang siya matapos makuha ang
gusto nito.
"Si Angelo ang kumbinsihin mo at hindi ako,
Krista. To be honest, siya ang may
kagustuhang makasal sa akin. Kung sakaling
matuloy man ang kasal namin, malaya
kayong dalawa na magkita sa likod man o sa
harapan ko. Hindi ko kayo pipigilan. Angelo
is Angelo," nakangiting sabi ni Jairah saka
muling inayos ang sarili saka tumayo.
"Hanggang kailan mo pahirapan si Angelo?"
malungkot na tanong ni Krista.
Humarap si Jairah sa dalaga. "Hindi ko siya
sinasaktan at kung nahirapam man siya,
hindi ko na iyon sinasadya. Pero bilang
pagtatapos sa usapang ito, pasensiya ka na,
hindi ako uurong sa kasal namin."
Lumabas na si Jairah sa cafeteria at
dumiretso sa parking lot. Naayos na ang
lahat at hindi siya aatras sa kasal. Hindi siya
urong-sulong. Kung gusto nilang hindi
matuloy ang kasa, si Angelo ang magiging
dahilan at hindi siya. Mas pabor pa nga sa
kaniya kapag umurong si Angelo.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan at
paminsan-minsan ay kumikidlat pa.
Sumakay siya sa kotse ni Angelo at
nagmaneho palabas.
Traffic sa daan at sobrang dilim dahil
nawalan ng kuryente sa ibang kalye. Baha
pa.
"Ba't ba ang bagal nila?" naiinis na sabi ng
dalaga at bumusina nang sunod-sunod. Ang
ingay na rin ng iba pang sasakyan sa likuran
niya.
"Thank you God!" bulalas niya nang
makausad sa traffic.
Maingat na nagmaneho siya habang
tinatahak ang maluwag na kalsada. Kailangan
niyang mag-ingat sa pagmaneho dahil ayaw
na niyang maulit pa ulit ang aksidente na
nangyari noon. Dahil sa pagiging taklesa
niya ang nagkantaleche-leche ang buhay
niya.

"Manang? Nandiyan na ba si Jairah?" tanong
ni Angelo na napatingin sa relo. Kalahating
oras na mula nang magkahiwalay sila ni
Jairah.
"Wala pa e. Baka na-traffic dahil balita ko,
baha ang isang kalye papunta rito," sagot
ng katulong sa kabilang linya kaya mas
lalong kinabahan ang binata at pinabilisan
ang pagmaneho.
"Pakitawagan na lang po ako kapag nandiyan
na siya," pakiusap ng binata at tinapos na
ang tawag.
Ayaw niyang tawagan si Jairah dahil baka
maistorbo niya ito. Biglang namatay ang
headlight ng kotse ni Paul kaya napamura
siya.
"Ngayon ka pa talaga nawalan ng ilaw na
ang kapal ng ulan!" reklamo niya at
bumusina na lang para marinig siya ng mga
makakasalubong na sasakyan.
"Shit!" sambit niya at napapreno nang
biglang may sumulpot na motorsiklo sa
unahan niya. Mabuti na lang dahil mabilis
siya.
"What?" bulalas niya nang mapansing traffic
na ang nasa unahan niya. Ito ang kalsadang
hindi masyadong traffic.
"Kuya? Ano po ang nangyari?" tanong niya
sa naka-motorsiklong basang-basa nang
buksan niya ang bintana ng sasakyan.
"May banggaan sa dulo," sagot nito kaya
muli niyang isinara ang pinto dahil
pumapasok na ang tubig-ulan.
Nang makausad na siya, napatingin siya sa
patrol car na nag-iimbestiga sa dalawang
kotse.
"Shit!" Napapreno siya at agad na tinanggal
ang seatbelt at mabilis na bumaba nang
makita ang plate number ng isang kotse.
"K-Kuya? Nasaan na po ang driver nito?"
nanginginig ang katawang tanong niya.
Lutang siya. Ne hindi na nga niya
naramdaman ang pagpatak ng malakas na
ulan sa katawan niya.
"Dinala na ng ambulansiya sa hospital,"
sagot ng isang pulis.
"Patay na raw ang isang babae. DOA," sabi
ng isang kasamahan kaya mabilis na bumalik
si Angelo sa sasakyan at tumungo sa
pinakamalapit na hospital habang naginginig
ang katawan at tumutulo ang mga luha.
Pagdating niya sa hospital, dumiretso siya sa
labas ng operating room nang sabihin ng
nasa emergency department na nasa OR si
Jairah at ino-operahan. Si Aron ang unang
dumating dahil kilala ito ng pulis kaya ito
ang una nilang nakontak.
"Wala kang kasalanan," malumanay na sabi
ng ina ni Angelo at pinapatahan ang anak.
Napahilamos ang binata sa mukha.
"K-Kung hindi sana ako pumayag na umuwi
siyang mag-isa," sabi ni Angelo. "It's all my
fault, Ma."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Gelo,"
sabi ni Aron na kanina pa pabalik-balik dahil
hindi mapakali.
"K-Kung sumama lang sana ako sa kaniya sa
pag-uwi, sana wala siya sa bingit ng
kamatayan ngayon. P-Puwede bang ako na
lang? A-Ako na lang ang nasa fifty-fifty?"
Napatayo sila nang humahangos na
dumating sina Tyron at Aira.
"A-Ano ang--" Tyron.
"K-Kumusta si Jairah?" Umiiyak na tanong ni
Aira.
"N-Nasa loob pa po siya ng operating
room," sagot ni Angelo dahil may malaking
bubog na bumaon sa ulo ni Jairah.
Patay raw ang isa pang babaeng dinala rito
na nakabangga kay Jairah.
Lahat sila ay lumapit sa dalawang doctor
nang lumabas ang mga ito sa operating
room.
"D-Doc? Kumusta ang anak ko?" naiiyak na
tanong ni Tyron.
"Ligtas na siya," sagot ng surgeon. "As of
now, under observation pa ang vital status
niya sa PACU. Kapag okay na siya at stable
na ang vital signs, ililipat na namin siya sa
surgery ICU."

Nakahinga sila nang maluwag sa sinabi ng
doctor. Mabuti na lang dahil mabait ang
nurse na nakatalaga kaya pinayagan nitong
makapasok sina Tyron at Aira.
---------------
Binuksan ni Angelo ang isa pang ilaw at
hinawi ang kurtina para makapasok ang
liwanag ng araw.
"Hindi ka pa ba uuwi? Magpahinga ka na
muna," sabi ni Aira sa binata. Mula nang
lumabas si Jairah sa operating room, hindi
na ito umalis sa tabi ng dalaga.
"Huwag po kayong mag-alala sa akin, Tita.
Dito lang ako sa tabi ni Jairah," sagot ni
Angelo. Stable ang lahat pero two days
nang hindi pa nagigising ang dalaga.
Gumagalaw naman ang mga kamay nito at
minsan ay dumidilat pero hindi pa
sumasagot. Ang sabi ay tumaas ang carbon
dioxide kaya drowsy pa ang dalaga.
Pumasok ang isang nurse para sa
positioning.
"Kumusta na siya?" tanong ni Angelo habang
nakatingin kay Jairah na mahimbing ang
pagkakatulog.
"Okay naman po ang lahat ng electrolytes
niya at ang latest na CO2 ay 50. Medyo
mababa na po kaya inaasahan na nating
magigising na siya," sagot ng nurse at ni-
regulate ang IV fluid na nakakonekta sa
kanang kamay ni Jairah saka lumabas. Naupo
si Angelo at malungkot ba tinitigan ang
dalaga. Hindi ito ang gusto niyang mangyari.
Ito ba ang kapalit ng pagpilit niyang iuwi si
Jairah?
"Tatay?" tawag ni Angela nang pumasok
kasama si Taira. Sa ngayon, sila muna ang
nag-aalaga sa bata dahil gustong-gusto
naman ni Sky.
"Baby," ani Angelo at tumayo saka binuhat
ang anak na may bitbit na manikang
unggoy. "Kumain ka na ba?"
"Opo. Sa bahay po," sagot ng bata at
hinalikan siya sa pisngi kaya napangiti si
Angelo at niyakap ang anak.
"Kumusta na si Jairah?" tanong ni Taira.
"Okay na. Bumaba na raw ang CO2 niya,"
sagot ni Aira sa anak.
"G-Gela?"
Lahat sila ay napalingon kay Jairah na
nagsalita.
"J-Jai?" tawag ni Angelo at hinawakan ang
kanang kamay ni Jairah. "Mabuti at gising ka
na."
Muling ipinikit ni Jairah ang mga mabigat na
mga mata. Masakit ang ulo at katawan niya.
Pilit na inalala niya ang nangyari.
Maingat na nagmamaneho siya dahil sobrang
lakas ng ulan at madulas pa ang kalsada
after ng party sa opisina ni Angelo. Paliko na
siya noon nang biglang sumulpot ang isang
kotse at binangga siya. Oo, hindi siya
maaaring magkamali, sinadya nitong
banggain ang minamaneho niya. Basta
sobrang lakas ng impak kaya nabasag ang
salamin ng sasakyan at nakaramdam na lang
siya ng pagkangilo at agad na nanlabo ang
mga mata.
"G-Gusto niya akong patayin," bulong ni
Jairah na hindi pa rin dumidilat.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Buhay pa
siya at naririnig niya ang pamilya.
"Si Krista," bulong ni Angelo at naikuyom
ang kamao. "Siya ang bumangga sa 'yo pero
wala na siya. Dead on arrival siya kaya hindi
na niya mapagbayaran ang ginawa sa 'yo!"
Hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang
galit ni Krista sa pagtanggi niya sa
pagpakasal. Sana siya na lang ang tinangga
nitong patayin. Bakit si Jairah pa na wala
naman itong kinalaman?
Idinilat ni Jairah ang mga mata.
Masuyong hianaplos ni Angelo ang pisngi
nitong puno na ng peklat dahil sa basag na
salamin. Pero para sa kaniya, si Jairah pa rin
ang pinakamagandang babae sa balat ng
lupa sa ngayon.
"Nanay? Look oh, binigyan po ako ni Tito
Sky ng unggoy na toy," tuwang-tuwang sabi
ni Angela matapos at itinaas ang stuff toy
para makita ng ina. "Naglalaro din po kami
nina Kuya Galaxy." Na ang tinutukoy nito ay
ang anim na pinsan kina Sky at Taira.
Ngumiti si Jairah. Nasa boses kasi ng anak
ang kasiyahan dahil nakakapag-bonding na
ito sa mga pinsan. Unlike sa Negros na wala
itong kalaro.
"Jai? Anak? Mabuti at ligtas ka na," sabi ni
Aira at niyakap ang anak.
"Angelo?" tawag ni Jairah kaya lumapit ang
binata.
"May kailangan ka, Jai?" malumanay na
tanong ng binata at hindi pa rin maialis ang
mga mata sa mukha ng dalaga.
"Puwede bang pabukas ako ng ilaw?"
pakiusap ni Jairah. Kanina pa niya
sinusubukang maaninag ang mga kaharap.
"Ang dilim, hindi ko kayo makita."

A/n;
Ikot-ikot lang 🎶
Ikot-ikot lang 🎶
Ikot 🎶

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon