32

1K 30 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 32

Unedited...
Dalawang buwan nang hindi nakakakita si
Jairah. Dalawang buwan na ring hindi
pumapasok sa opisina si Angelo. Kapag may
kailangan itong pirmahan, pinapadala lang
niya sa secretary niya sa bahay.
"Puwede mo na akong iwan, nandito naman
si Mommy," sabi ni Jairah. Nasa mansion
siya ng mga magulang ngayon dahil dito
muna sila matulog.
"Okay lang naman ang company ko," sagot
ni Angelo na inalalayan ang dalaga sa
pagtayo. "Huwag mo akong alalahanin. Ang
sabi ng doctor, malapit ka na raw makakita."
Naramdaman ni Jairah ang pagdikit ng
katawan ni Angelo sa balikat niya habang
nakahawak sa bewang niya para gabayan siya
sa paglalakad patungo sa banyo.
"Iihi ka ba?"
"Maliligo lang dahil nangangati ang katawan
ko," sagot ng dalaga. Hindi niya kabisado
ang kuwarto kahit na lumaki siya sa bahay
na ito. Unlike sa bahay ni Angelo, medyo
kabisado na niya ang bawat sulok.
"Kaya mo bang mag-isa?" nag-aalalang
tanong ng binata. Tumango si Jairah.
"Gelo? Salamat sa lahat ng tulong mo,"
pasalamat ni Jairah nang makapasok na sila
at marinig ang pagbukas ng shower.
"Masaya akong gabayan ka, Jai."
"Baka nagsasawa--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng
takpan ni Angelo ang bibig niya ng mga
daliri ng kanang kamay nito.
"Huwag mong isipin 'yan, hindi ako
magsasawa, okay?"
"B-Bakit? Bakit sa kabila ng lahat, ganito pa
rin ang turing mo sa akin, Gelo?" Alam
niyang paulit-ulit na niya itong tinatanong
sa binata pero gusto rin niyang paulit-ulit na
marinig ang sagot nito. Nakakagaan ng
kalooban.
"Dahil pamilya tayo. Ikaw ang ilaw ng
tahanan natin kaya hindi puwedeng iwanan
kita kasi mahal kita," sagot ni Angelo at
sinubukan ang tubig. Warm na. Ito ang
gusto ni Jairah kaya nilakasan niya ang
tubig.
"P-Pero napundi na ang ilaw ng tahanan
natin, wala na siyang liwanag dahil siya
mismo ay nasa madilim na mundo,"
malungkot na sagot ni Jairah. Sa tuwing
alam niyang natutulog na si Angelo, umiiyak
siya. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya
pinipilit ng binatang makipagtalik sa kaniya.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Angelo sa
balikat niya. "Subukan mong hanapin ang
liwanag, makakabalik ka rin sa mundo mo."
"Sana kapag mangyari iyon, magiging
kasingkulay na ng buhay ko ang paligid na
nakikita ng mga mata ko," ani Jairah at
hinubad ang damit.
"L-Labas lang ako," paalam ni Angelo kaya
napangiti ang dalaga.
Nang tuluyang nahubad ni Jairah ang damit,
nakapikit na lumapit siya sa shower at
hinayaang basain ng lumalagaslas na tubig
ang hubo't hubad niyang katawan. Nasa
malalim na pag-iisip siya. Sa loob ng
dalawang buwan, ipinaramdam sa kaniya ni
Angelo na may silbi siya sa mundo. Na kahit
bulag siya, may isang taong nagmamahal pa
rin sa kaniya at hindi siya nito tatalikuran
kahit na may kapansanan pa siya.
Ngayong nawalan siya ng paningin, marami
siyang nakikitang bagay. Mga bagay na hindi
naman talaga kailangan ng mga mata para
makita ang importansiya ng isang tao sa
buhay niya. Sana darating ang araw na
makakita na siya para mas maalagaan niya
ang mag-ama niya. Marami na siyang utang
kay Angelo.
Napangiti siya. Totoong ngiti mula nang
nagkaisip siya.
Pinatay niya ang shower at napahilamos saka
iminulat ang mga mata para kunin ang
sabon.
Napanganga siya nang makita si Angelo na
nasa likod lang ng pinto. Hindi niya kayang
kumilos. Nakatitig lang siya sa binatang
lumapit sa kaniya at inayos ang sabon para
mahawakan niya. Akala ba niya, lumabas na
ito.

Sinikap niyang iiwas ang mga mata at inabot
ang sabon. Gusto niyang takpan ang sarili
pero huli na at baka makahalata pa si
Angelo. Tumalikod siya at muling binuksan
ang shower saka sinimulang sabunin ang
katawan. Ilang beses siyang kumurap pero
ganoon pa rin, may nakikita na siya.
Nang matapos siyang magsabon at
magbanlaw, humarap siya sa lagayan ng
towel. Agad na inayos ni Inilapit ni Angelo
ang towel palapit para mahawakan niya.
Tinuyo niya ang sarili at ipinulupot ang
malapad na tuwalya sa katawan.
Dahan-dahang lumabas si Angelo pero
inayos muna nito ang rubbermat para hindi
siya madulas.
"Tapos ka na?" tanong ni Angelo nang
makalabas siya.
"Oo," sagot ni Jairah at lumapit sa kama.
"Suklay," sabi ni Angelo at inilagay sa kamay
niya ang hairbrush.
"Salamat."
"Gusto mong kumain? Magpapadala ako ng
pagkain kay Manang," tanong ng binata.
"Sige. Sabayan mo akong kumain," ani
Jairah kaya tumawag si Angelo sa baba at
nagpadala ng pagkain.
Lumapit ito sa closet at pumili ng damit
niya. Nakatitig lang si Jairah sa binatang
nakatalikod sa kaniya. Gusto niyang ipaalam
na nakakakita na siya pero hindi niya alam
kung paano.
"Pajama o shorts?" tanong ni Angelo.
"White shorts na lang," sagot ni Jairah nang
makita ang shorts niya.
"Jai? Masyadong maiksi ang shorts. Itong
itim na lang," sabi ni Angelo na hindi sang-
ayon ang mukha.
"Bahala ka," sabi ni Jairah.
Black shorts and white tshirt ang ibinigay ni
Angelo sa kaniya.
"May bra at panty ka bang kinuha?" tanong
ni Jairah nang mapansing nakalimutan ni
Angelo pero sa pinto siya nakatingin.
Bumalik ang binata at kumuha ng undies
niya.
"Salamat," sagot ni Jairah at sinimulang
magbihis. Tumalikod naman si Angelo. Nang
matapos na siyang magsuklay, saktong
inihatid ni Manang ang pagkain nila.
"Nasaan na si Gela?"
"Nasa baba, nakipaglaro kina Clouds at
Star," sagot ni Angelo.
"Silang dalawa lang?"
"Oo, dala ni Sky ang apat sa factory nila,"
sagot ni Angelo kaya tumango si Jairah.
Habang kumakain siya, tinatanggal naman ni
Angelo ang tinik sa isda.
"Kumain ka na," sabi ni Jairah.
Inayos ni Angelo ang orange juice sa tabi ng
plato niya para mahawakan niya.
Lihim na napangiti siya. Naalala niya noong
ito pa ang bulag at siya pa ang nakakakita.
Palagi niyang pinagtritripan ang baso ng
inumin nito at ilagay sa ibang lugar kaya
palaging naiinis si Angelo sa kaniya.
"Maayos na pala ang trabaho ng mananahi
mo, magaling sila," pagkukuwento ni
Angelo. Ipinasok niya ang mga ito sa
company niya.
"Mana sila sa akin," nakangiting sabi ni
Jairah. Alam niyang may potential ang mga
ito.
"Oo naman, magaling ka kaya," puri ni
Angelo. Actually, mga disenyo ni Jairah ang
pinapagawa niya sa dating tauhan. Nakita
niya ang iginuhit nito sa loob ng maleta.
"Salamat, matagal na akong magaling,"
sagot ni Jairah at tinapos ang kinakain.
Nakiusap siya na bababa sila matapos
kumain. Todo alalay naman si Angelo sa
kaniya sa pagbaba sa hagdan.
"Mabuti naman at bumaba kayo," masayang
sabi ni Aira na lumapit sa dalawa. Nakita ni
Jairah kung paano gumuhit ang tuwa sa mga
mata ng ina nang makita siya. Na-miss niya
ito at aminado siyang marami siyang
nagawang mali sa ina noon.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon