2

1.9K 51 2
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...
Nagpapahinga siya sa sala nang marinig niya
ang mga yabag na palapit mula sa likuran
niya.
"Sino ka?" tanong ni Angelo.
"Anak? Okay ka lang? Are you sure na hindi
ka sasama sa amin sa US?" tanong ni Ara.
"Hindi na po, mommy. Dito na ako
magpapagaling," sagot ni Angelo na
tumingin sa ina ayon sa naririnig niya.
"M-Mas magaling ang manggagamot doon,"
malungkot na wika ni Ara.
"Nandito ang rason kung bakit nangyari ito
sa akin kaya dapat lang na pagbayaran niya
ang kasalanan," seryosong sagot ni Angelo.
Nagkaroon na ang transient ischaemic attack
nang mabangga siya. Nagkaroon ng
bleeding at blood clot sa utak niya dahil sa
pagkatama ng matigas na bagay sa kaniyang
ulo. Naayos na ito pero hanggang ngayon,
hindi pa rin gumagaling ang temporary
cortical blindness niya.
"Isang taon na 'yan," malungkot na sabi ng
ina niya.
"Okay lang, 'wag kayong malungkot,
gagaling din ako," sabi ni Angelo at
naikuyom ang kamao. Nakausap na niya
kahapon ang babaeng rason kung bakit
nabulag siya.
"Mag-ingat ka," sabi ng ina at niyakap siya
mula sa likuran. Nagtataka siya kung bakit
hindi pa gumagaling ang anak.
"Magiging okay rin ako, mommy. Don't
worry," ani Angelo at pinisil ang kamay ng
ina na nakahawak sa balikat niya.
"Dito ka na muna, bibili lang ako ng
pasalubong," paalam ng ina saka hinalikan
siya sa kanang pisngi.
Napabuntonghininga si Angelo. Ilang beses
niyang idilat ang mga mata pero wala siyang
nakikita. Lahat ay madilim sa kaniya.
Masyado na siyanf desperado. Ang sabi ng
doctor, hindi na kailangan pa nilang
operahan dahul kusa na lang itong babalik
with proper treatment and eye exercise.
Napapikit siya at ilang sandali pa'y dumilat
pero wala pa rin.
"Sir? Nandito na ho siya," bulong ng
personal bodyguard niya. Ito ang madalas
na umaalalay sa kaniya. Lahat ng bagay,
pinagkakatiwala niya rito.
"Sino?" tanong niya.
"Ang bumangga sa 'yo," bulong ng lalaki
nang makita ang babaeng papasok.
"Morning!" bati ni Jairah na halatang
napipilitan lang.
"Morning," bati rin ni Oscar pero hindi
kumibo si Angelo.
"Ano ang kailangan kong gawin o
trabahuhin?" tanong ni Jairah. Wala siyang
choice kundi sundin ang gusto nito dahil
kung hindi, makukulong siya. Nakita na niya
ang CCTV na malapit sa insidente at kitang-
kita ang plate number ng sasakyan ng ama
niyang ipinuslit lang niya ng araw na iyon.
"Puwede mo na kaming iwan, Oscar," sabi ni
Angelo.
"Yes, sir," sagot ng lalaking mas matanda
lang sa kaniya ng tatlong taon. Kabisado na
niya ang tunog ng mga yapak nito kaya alam
niyang iniwan na siya ng bodyguard.
Katahimikan ang namayani sa kanila. Maingat
na naupo si Jairah sa harapan nito at
pinagmasdan ang lalaki. Mukhang bagong
paligo lang ito at ang linis pa tingnan.
"Nagugutom na ako, kailangan ko ng
makakain," sabi ni Angelo kaya napataas ang
kilay ni Jairah.
"E di kumain ka," sabi niya saka tumirik ang
mga mata. Sa kaniya ba ang bunganga nito?
"Kailangan ko ng pagkain kaya kuhanan mo
ako at dalhan dito," sagot ni Angelo kaya
nanlaki ang mga mata ni Jairah.
"Excuse me? Wala ba kayong katulong at
kailangang ako pa ang kukuha ng pagkain
mo? Ang yaman-yaman ninyo pero katulong
lang, wala? Pathetic!" Bago siya bumalik
dito, nag-imbetiga siya tungkol kay Angelo
Rivera at nalaman niyang papasikat ito na
batang businessman. May oil company at
nag-i-import ng sasakyan.
"Kumuha ka ng makakain ko dahil off ng
katulong namin ngayon."
"Ayaw ko nga!" tanggi ni Jairah.
"Kukunan mo ako ng pagkain? O didiretso
ako sa pulis? Madali lang naman sa amin ang
tumawag ng pulis at magsumbong, Jairah
Rodriguez. Tingnan natin kung ano ang
sasabihin ng mga magulang mo lalo na kung
sa kaniya pa naka-rehistro ang sasakyan?"
"Tama na! Nang-blackmail ka pa? Great!"
"Hindi ko ugaling mang-blackmail, Miss
Rodriguez! Dahil kapag tinopak ako,
gagawin ko talaga ang sinasabi ko!" sagot ni
Angelo kaya sumimangot ang dalaga.
"Psh! Oo na!" napilitang sabi ni Jairah saka
nagmarcha palapit sa kusina.
"Huwag kang gumawa ng katarantaduhan,
may CCTV kami kaya oras na may gagawin
kang masama, malalaman ko rin kahit na
hindi kita nakikita!" pagbibigay-alam ni
Angelo kaya iginala ni Jairah ang mga mata.
Shit lang! May CCTV nga sa paligid.
"Stupid!" bulong niya saka nagtanong kay
Oscar kung saan ang pagkain ni Angelo.
Ilang sandali pa'y bitbit na niya ang tray na
may lamang kape at sandwich. Inilapag niya
ito sa center table.
"Kumain ka na, kamahalan!" sabi ni Jairah
saka inilapag ang pagkain sa pinakadulo ng
mesa.
Kinapa ni Angelo ang pagkain pero napasipa
siya sa mesa nang hindi makapa.
"Are you kidding me?" galit na tanong niya.
"Hindi a!" sagot ni Jairah. "Kakapa lang,
hindi mo pa magawa?"
"Halika rito, Jairah!" seryoso ang mukhang
tawag ni Angelo.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jairah.
"Lapit ka lang," sagot ng binata kaya
nakakunot ang noong lumapit si Jairah sa
binata.
"Maupo ka rito," sabi ni Angelo at pinagpag
ang nasa kanan niya nang maramdamang
nasa harapan na niya ito.
"Nakaupo na ako!" pagsisinuplada ni Jairah.
"Subuan mo ako kung ayaw mong ilapit sa
akin ang pagkain!"
"Whaaaat?" mahabang sigaw ng dalaga at
agad na napatayo saka namewang.
"Ikaw Jairah, ang gaspang ng ugali mo. Ikaw
na nga itong may kasalanan, ikaw pa ang
magmatapang-tapangan! Subuan mo ako o
ilapit mo ang pagkain?"
Inilapit ni Jairah ang pagkain sa harapan ni
Angelo. "Ayan na! Nasa harapan mo na!"
"Gagawin mo rin pala!" ani Angelo saka
kinuha ang sandwich. "Nextime, damihan mo
ang palaman, wala akong nalalasahan."
"Ganiyan ako maghanda ng strawberry
sandwich ko!" sagot ni Jairah at kinuha ang
cellphone.
"Hindi ikaw ang kakain kundi ako," sagot ni
Angelo at kinapa ang kape para uminom.
Okay lang naman ang lasa, mapagtiyagaan
naman at alam niyang si Oscar ang
nagtimpla. Kabisado na niya ang lasa ng
timpla ng bodyguard.
Habang kumakain si Angelo, nag-Facebook
muna si Jairah.
"May bago na naman pala silang design,"
sabi niya habang iniisa-isa ang bagong labas
ng sapatos ng kaniyang kaibigang lalaki.
Napasulyap siya kay Angelo na umiinom ng
kape. Naisip niyang silipin ang Facebook
nito pero wala siyang makita kaya sinubukan
niya sa Instagram. Napangiti siya nang
makita ito. In fairness, may 550k followers
ang mokong.
Inisa-isa niyang pinagmasdan ang mga
litrato nito na nasa ibang bansa. Mahilig pa
lang mag-travel ang mokong lalo na sa
bansang Europa.
Nang mabagot ay tumigil siya at ibinalik ang
cellphone sa sling bag.
Nang matapos kumain, tumayo si Angelo at
humarap kay Jairah na para bang nakikita
niya ang dalaga.
"Bakit?" nakataas ang kilay na tanong ng
dalaga habang nakatingala sa lalaking nasa
harapan niya. Matangkad ito, sakto lang ang
katawan. Sa tingin niya, mas kasingtangkad
lang ng Kuya Aron niyang 6'1" ang height.
Mas payat lang nang kaunti ang kapatid
niya.
"Gusto kong pumunta sa kuwarto ko, hatid
mo na ako," sabi ni Angelo.
"Hala! May tungkod ka naman," sabi ni
Jairah pero nang mapasulyap ulit sa binata,
nakasalubong na ang kilay nito. "Biro lang,
Angelo. Halika na, gabayan kita."
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni
Angelo at hinila ito paakyat sa hagdan.
"Dahan-dahan lang! Makalakad ka, parang
hindi bulag ang kasama mo ah!" sabi ni
Angelo. Naramdaman niyang bumagal ang
paglalakad nito.
"Ako nang mag-isa ang aakyat, dito ka sa
likuran ko," sabi niya at humawak sa gilid
saka nagsimulang umakyat habang
nagbibilang ng baitang. Kabisado niya ang
hagdan kaya wala siyang problema.
Lumiko siya sa patungo sa kuwarto niya.
"Naiwan ko ang tungkod ko sa baba,
pakikuha," sabi niya kay Jairah nang malapit
na sila sa kuwarto. Kahit nakapikit siya,
walang problema kapag nandito siya sa loob
ng bahay dahil kabisado niya ang lahat ng
sulok. Maliban na lang sa kung iibahin ang
ayos ng furniture.
"Bakit hindi mo sinabi kanina?" galit na
tanong ni Jairah.
"Nakalimutan ko," sagot ni Angelo. "Pero
huwag na pala, may tungkod naman pala
ako sa kuwarto ko."
Nang pumasok sila, iginala ni Jairah ang
mga mata. Malawak ang silid at malinis.
Walang nakakalat sa sahig na kahit ano.
Siguro araw-araw nililinisan ng katulong.
Naupo si Angelo sa sofa at kinapkap ang
remote control sa center table pero hindi
niya makapa.
"Puwede bang pakibuksan ng TV?" pakiusap
niya sa kasamang alam niyang nasa kanan
lang niya.
"Manonood ka ng TV? Paano ka
makapanood? E, bulag ka?" tanong ni
Jairah. Nakakainis din ito e. May maipagawa
lang sa kaniya.
"Hindi naman siguro mga pipi ang mga
artista sa TV para hindi ko marinig?" naiinis
na sabi ni Angelo.
"Fine!" Padabog na lumapit si Jairah sa TV
at kinuha ang remote sa ibabaw nito.
Naupo siya sa tabi ni Angelo at nakipanood
din.
Ilang minuto pa ay ang TV na ang
pinapakinggan ni Angelo. Hindi na
nagsasalita o gumagalaw si Jairah.
Nakikinig lang siya ng balita. "Pakilipat
naman ng channel," pakiusap niya sa
dalagang hindi niya alam kung nasaan niya.
Walang sumasagot sa kaniya. Kahit kaluskos,
wala rin siyang naririnig.
"Psh!" Kinapkap niya ang TV sa center table
pero wala. Nasa kay Jairah yata iyon.
Kinapkap niya ang nasa tabi niya dahil baka
iniwan ni Jairah.
"Kyaaah!" tili ni Jairah saka mabilis na
umayos sa pagkakaupo.
Pak!
Isang malakas na sampal ang pinadapi niya
sa kanang pisngi ni Angelo.
"Shit! Ba't ka mananampal?" reklamo ni
Angelo na namumula ang mukhsa dahil sa
sampal ni Jairah at inis na rin.
"Ba't ka nanghihipo? Ang bastos mo!"
singhal ni Jairah. Natutulog siya nang
maramdamang may pumisil sa gitna ng hita
niya. Nakapalda pa naman siya.
"Malay ko ba na nandiyan ka pala! Nakikita
ba kita?" depensa ni Angelo. Kaya pala ang
lambot ng nakapa niya.
"Dapat alam mo dahil katabi lang kita
kanina!" galit na sabi ni Jairah. Hinipuan
talaga siya dahil ramdam pa niya ang
pagpisil ng mga kamay ni Angelo.
"Hindi ka na sumasagot! Malay ko ba kung
tinakasan mo na pala ako!" depensa ni
Angelo.
"Bahala ka sa buhay mo!" singal ni Jairah at
tumayo.
"Subukan mong iwan akong mag-isa rito at
malalaman mo kung ano ang kaya kong
gawin sa 'yo kahit na bulag ako!"
pagbabanta ng binata.
"Urgh! I hate you!" sigaw ni Jairah at
padabog na bumalik kay Angelo pero sa
sahig na siya naupo dahil baka manyakin na
naman siya ng bulag na 'to.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon