14

1K 40 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 14

Unedited...
Pagdating sa reception, inihagis ni Mandy
ang bouquet at si Jairah ang nakasalo kaya
ang lakas ng kantiyawan ng lahat.
"Ihagis ko na. Mga boys, mag-agawan na!"
nakangiting sabi ni Aron at tumalikod sa
mga barkadang handang makipag-agawan.
Naghiyawan naman ang lahat at
nagtutulakan na.
Sa bilang ng tatlo, inihagis patalikod ni Aron
ang garter.
Sa madilim na lugar, nakaupo siya. Sigawan
ng kalalakihan ang naririnig ng binata nang
makaramdan ng malamig na bagay na
dumapo sa kaniyang kanang palad kasabay
ng pagtigil ng ingay sa kaniyang paligid.
Saka niya napagtanto na siya ang nakasalo
ng garter na ihinagis ng groom.
"Tumayo ka na riyan, ikaw na ang
pinakamasuwerteng binata sa araw na ito
maliban kay Aron!" sabi ng lalaking nasa
kanan niya. Ngumiti siya sa mga taong alam
niyang nakatingin sa kaniya.
"Paano ko siya malalapitan kung hindi ko
naman siya nakikita," halos pabulong na
sagot niya.
"Halika na," sabi ni Jairah nang lumapit kay
Angelo na hindi kayang tumayo. Humarap
siya sa nga bisita.
"Pasensiya na, kailangan na naming umalis
ng boyfriend ko, sa bahay ko na lang
ipasuot ang garter na nasalo niya,"
paumanhin ni Jairah at hinila na si Angelo
palabas ng reception. Walang imik na
sumunod ang binata hanggang sa
makarating sila sa kotse.
"Kailan ka pa makakita, Angelo?" tanong ni
Jairah habang nagmamaneho.
"Hindi ko alam," walang ganang sagot ng
binata. Gustuhin man niya, hindi niya
magagawa.
"Kapag makakita ka na, puwede na ba akong
umalis?" tanong ni Jairah at pinabilisan ang
pagpatakbo.
"Bakit? Saan ka pupunta?" Isang linggo na
ito sa pamamahay niya at nasa iisang
kuwarto lang sila natutulog pero hindi na
naulit ang nangyari sa kanila dahil todo iwas
si Jairah. Sapat na ang minsang pagkakamali
niya.
"Kahit saan. Basta malayo sa mga magulang
ko," sagot ni Jairah. Ne hindi man lang siya
sinuyo ng mga ito na pauwiin siya. Si Taira
lang ang tumatawag at nagte-text sa kaniya
pero wala siyang balak na pansinin ang
kakambal.
"Hindi mabuting magtanim ka ng sama ng
loob sa kanila dahil kahit banaliktarin man
natin ang mundo, magulang mo pa rin sila,
Jairah," sabi ni Angelo na hindi na alam
kung nasaan sila. Basta ang ingay ng paligid
dahil sa mga nagtitinda sa gilid ng kalsada
at malansa ang lansangan kaya isinara niya
ang bintana.
"Wala akong panahon para pag-usapan kaya
skip na natin sila," tinatamad na sabi ni
Jairah. May pera pa naman siya at bahala na
kung ipa-close ng mga ito ang bank
accounts niya. Wala na siyang pakialam dahil
hindi na siya Rodriguez.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" bulong ni
Angelo na sinisikap ang mga mata na
makakita pero kahit na anong dilat niya,
madilim talaga ang paligid niya.
"Wala ka na roon. Intindihin mo na lang ang
pagiging bulag mo!"sabi ni Jairah at
ipinaliko ang sasakyan. Wala siya sa mood
na makipagtalo kay Angelo. Badtrip siya
dahil nakita na naman niya ang buong
pamilya kanina sa kasal. Paano kaya
nagawang ngumiti ng mga ito sa harap ng
ibang tao?
"Alam mo bang may may biniling property
ang ama mo dahil gusto niyang magpatayo
ng negosyong pinipilit mo?" tanong ni
Angelo.
"Ano ang pinagsasabi mo riyan?"
"Ang ama mo ang bumili ng property na
pinaghirapan ng lolo ko, Jairah. Ginipit nila
si Lolo sa bangko para tuluyang mabenta sa
kanila ang ari-arian ng lolo ko," malungkot
na sagot ni Angelo.
"B-Bakit mo sinasabi ito, Angelo?"
"Dahil handang umapak ng ibang tao ng
ama mo para lang maibigay ang luho mo,
Jairah!" sagot ng binata kaya natigilan ang
dalaga. Flower shop ang hinihingi niya noon
sa ama na sobrang iniyakan niya at tinakot
pa na kapag hindi nito ibigay, makipagtanan
siya sa boyfriend niya kahit na wala naman
siyang boyfriend. Pero nang mabili ng ama
ang property na iyon, nawalan na siya ng
gana kaya hindi na niya alam kung ano ang
nangyari.

"Mahalaga sa mga ninuno ko ang lupaing
iyon dahil doon nagsimula ang lahat sa amin
pero hindi na naawa ang ama mo!" Nagtagis
ang bagang ni Angelo. Hindi na sumagot pa
si Jairah. Dapat ba siyang malungkot? O
matuwa?
"Hindi ko alam na iyon ang nangyari,"
mahinang saad ni Jairah.
"Tapos na iyon, wala nang pag-asang
maibalik pa," ani Angelo at naramdaman na
tumigil ang sasakyan.
Naunang bumaba si Jairah at pumasok sa
bahay ng binata nang makita si Oscar na
papasalubong sa kanila para gabayan si
Angelo sa paglalakad.
Dire-diretso si Jairah sa itaas ng kuwarto at
inihiga ang pagod na katawan sa kama.
"Ano na ang gagawin ko?" pabulong na
tanong niya sa sarili. Naging pariwara na ang
buhay niya. Hindi siya kagaya ng kakambal
na masaya na ito kasama si Sky. Kahit ang
Kuya Aron niya, masaya na rin kay Mandy.
"Salamat, Oscar," pasalamat ni Angelo kaya
umalis na ang lalaki. Isinara niya ang pinto
at lumapit sa kama na alam niyang nahihiga
si Jairah.
"Hindi ba't masyadong maaga ang pag-uwi
mo? Kasal ng kapatid mo pero kaagad na
iniwan mo sila," tanong ni Angelo at naupo
sa kama.
"Hindi nila ako kailangan! Ne hindi na nga
nila tinatanong kung humihinga pa ba ako!"
sagot ng dalaga kaya napailing si Angelo at
tumayo at naghubad ng damit sa harapan
ng dalaga.
"Ako ang mauna sa shower room, naiinitan
ako," sabi ni Jairah at tumayo kaya ibinalik ni
Angelo ang suit.
"Bilisan mo, nalalagkit na rin ako," sabi ng
binata kaya humarap si Jairah dito.
Napadako ang mga mata niya sa hubad na
katawan nito dahil hindi pa nakalagay ang
butones ng suit nito. Napabuntonghininga
siya. Aminin man niya o hindi, maganda ang
hubog ng katawan ng bulag na ito. Of
course, alam niyang matigas at mainit ang
abs nito.
Tumalikod na siya bago pa matuksong
hawakan ang katawan ng mokong. Malapit
na siya sa pintuan nang marinig ang mga
yabag ni Angelo na sumusunod sa kaniya.
"Ano--"
"Sabay na tayong maligo, Jairah. Hindi
naman kita masisilipan dahil wala akong
nakikita," sabi ni Angelo at bago pa siya
makapag-react, nahila na siya ng binata
papasok sa shower room.
"Hindi ako sanay na may kasamang maligo!"
sabi ni Jairah pero walang pakundangang
naghubad ng pantalon ang binata at
binuksan ang shower.
"Hindi rin ako sanay na nasisilipan pero para
sa 'yo, handa akong maghubad sa harapan
mo," sagot ni Angelo at napa-smirk. Alam
niyang nakapaskil na ang mga mata ni Jairah
sa katawan niya. "Handa rin akong
magpagamit sa oras na kailangan mo ako."
"Psh! Yabang mo!" naiinis na sabi ni Jairah
at ibinaba ang mga mata. Uminit bigla ang
pisngi niya nang makita ang halk-awake na
alaga nito. Napalunok siya ng laway.
Nababasa na siya ng shower pero
pakiramdam niya, pinagpapawisan pa rin
siya.
"May maipagmayabang naman, Jai, kita mo
naman, 'di ba?" pilyong sabi ni Angelo at
hinatak ang kamay ng dalaga at isinandal sa
malamig na dingding.
"A-Angelo, bitiwan mo ako," sabi ng dalaga
na biglang kinabahan sa hindi niya malamang
dahilan. Ang init ng katawan nitong nakadiin
sa katawan niya. Biglang namatay ang
shower.
"Kalimutan muna natin ang kasalukuyan, Jai.
Bigyan muna natin ng break ang sarili
natin," nang-aakit na sabi ni Angelo. Damn,
ang init ng hininga nitong dumdampi sa
pisngi nito.
"P-Paano?" nauutal na tanong ng dalaga
kahit na alam naman niya ang kasagutan.
"Hayaan nating maging malaya at maglibang
ang katawan natin sa isa't isa, okay ba?"
tanong ni Angelo at inangkin ang mga labi
ng dalaga. Bago pa man makapag-isip nang
matino, nahubad na ni Angelo ang damit ng
dalaga. Nasa tuktok na rin ng dibdib niya
ang bibig nito na umaangkin ng pasas sa
ibabaw ng siopao niya kaya napahawak siya
sa ulo ni Angelo at napasabunot sa buhok.
"Ooh!" ungol niya nang sipsipin nito ang
kanang nipple na para bang bubuyog na
nakadapo sa bulaklak na may pinakamatamis
na katas. "G-Gelo..."
"J-Jai.." bulong ng binata at umakyat ang
mukha palapit sa mga labi ni Jairah habang
itinaas ng kanang kamay ang kaliwang binti
ng dalaga.
"Uhmp!" ungol ni Jairah at ipinulupot ang
mga kamay sa leeg ni Angelo nang
maramdaman ang matigas na sandata nitong
pumasok sa kuweba niya habang
mapangahas na inaangkin ng binata ang mga
labi niya hanggang sa nakisabay ang ungol
nila sa paglagasgas ng tubig nang buksan ni
Angelo ang shower.
-----------------
Nahihiyang hinila ni Jairah ang kumot para
pagtakpan ang hubad na katawan nila ng
binata. Tulog na si Angelo na nakadantay
ang isang paa sa kaniya at nakayakap naman
ang isang kamay.
Paano na lang kapag mabuntis siya? Wala
silang proteksyon kanina.
"Hindi 'yan," bulong ni Jairah at
napabuntonghininga saka pinagmasdan ang
mukha ng natutulog na binata.
Guwapo ito, wala siyang masabi. Ipinikit niya
ang mga mata at sinubukang matulog
hanggang sa tuluyan na siyang hinila ng
antok.
Kinaumagahan, dumilat si Angelo. Walang
tao sa loob ng silid kaya tumayo siya at
kinuha ang tuwalya sa closet. Hindi na ito
inilagay ng katulong sa nilalagyan nito dahil
alam nitong kasama niya si Jairah
magdamag.
"That brat!" bulong niya at pumasok sa
shower room. Pagkatapos niyang maligo,
pambahay na shorts at gray tshirt ang
isinuot niya at lumabas ng kuwarto saka
bumaba sa sala.
Naupo siya sa harapan ni Jairah na
nagbabasa ng diyaryo. Napataas ang kilay
niya nang makitang maikling shorts ang suot
nito kaya litaw ang makinis at maputing mga
hita.
"Sir? Ano ho ang gusto ninyo?" tanong ng
katulong.
"Coffee. Matapang na kape, manang," sagot
ni Angelo at pinagmasdan si Jairah na
nakasimangot na nakatingin sa kaniya at
kung anu-ano pa ang ginagawa.
Natapos ang ilang minuto, bumalik ang
katulong na may dalang kape.
"Salamat, manang," pasalamat ni Angelo na
kay Jairah pa rin ang mga mata.
Napasulyap si Jairah sa mug na nasa harapan
niya. Napangiti siya saka maingat na binuhat
ang mug at inilapat sa kabilang side ng
table.
"Pakibalik ng kape ko," walang ganang sabi
ni Angelo nang makita ang kalokohang
ginawa ni Jairah.
"Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ni
Jairah at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Nararamdaman ko kaya ibalik mo!" Utos ni
Angelo kaya napilitan ang dalagang ibalik sa
tamang lugar ang mug.
"Salamat pala kagabi," pasalamat ng binata
at hinigop ang kapeng mainit. Pagod siya.
Nag-de-kuwatro siya habang
pinagmamasdan ang namumulang pisngi ni
Jairah.
"Nagpapasalamat ka pa talagang bulag ka?"
sabi ni Jairah at inirapan ang binatang
kaharap. Pinakaayaw pa naman niya ay ang
taong parang boss kung umasta sa harapan
niya.
"Ubusin mo na ang kape mo, baka
lumamig," sabi ni Angelo na napasulyap sa
legs ng dalaga. Marami pa siyang babalikan
sa buhay. Hindi habambuhay ay mananatili
siya sa madilim niyang mundo.
Tinitigan niya si Jairah, isa pa ito sa mga
dapat niyang asikasuhin ngayong nagkaroon
na ng kulay ang dating madilim niyang
mundo.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon