9

1K 32 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Jairah.
"Ano 'tong lugar na 'to?" tanong ni Angelo.
"Flower shop," sagot ng dalaga.
Tumigil si Angelo sa paglalakad at hinarap
ang dalagang nakahawak sa braso niya para
gabayan siya.
"See? Ikaw ang nakakakita kaya you tell me
if where we are right now," sabi ni Angelo
kaya naitaas ni Jairah ang mga kamay na
para bang sapakin ang binata pero dahil may
awa pa naman siya sa mga bulag, ikinuyom
na lang niya ang kamao para mailabas ang
galit.
"Good morning, Miss," bati ni Jairah.
"Morning," nakangiting bati ng babaeng
nagtitinda at napatingin kay Angelo,
"Morning, Sir Gelo."
"Morning, Sherly," bati ni Angelo kaya
napakunot ang noo ni Jairah.
"Magkakilala kayo?" bulong ni Jairah.
"Si Kristal pala. Kristal, si Jairah, girlfriend
ko." Pagpakilala ni Angelo.
"Actually, suki ko na siya," nakangiting sabi
ni Kristal at napatingin kay Angelo. "Ang
tagal na nating hindi nagkita, Gelo."
"Yupz, ilang taon na," sabi ni Angelo. Nasa
ibang bansa siya pero sa tuwing
magbabakasyon ay rito siya bumibili ng
bulaklak. "Can I have the very special design
for pink roses?
"Sure!" nakangiting sabi ni Kristal. "She must
be special."
"Hmmm? I think so," nakangiting sagot ni
Angelo.
"Ang suwerte ng babaeng iyon," nakangiting
sabi ni Kristal kaya tumaas ang mga kilay ni
Jairah. Babae siya kaya sigurado siyang may
gusto ito kay Angelo.
Hindi na umimik si Jairah pero pinag-aralan
niya ang kilos ni Kristal. Panay ang sulyap
nito habang nag-aayos ng mga bulaklak.
"Siya pala ang may-ari ng shop na 'to,"
bulong ni Angelo kay Jairah.
"Hindi ko tinatanong!" pagsisinuplada ng
dalaga. Gusto na talaga niyang umalis sa
lugar na ito.
"Baka sakaling magtanong ka," sagot ni
Angelo at pinisil ang balikat niya.
"Hindi ako magtatanong! Hindi ako
interesado sa buhay ng iba!"
"But you just did. You asked me if who she
was," sabi ni Angelo kaya tumahimik na si
Jairah.
"She was my ex, two days lang," bulong ni
Angelo kaya siniko na siya ni Jairah sa
sobrang inis.
"Lahat na lang ba ng babae, sino-syota
mo?" galit na bulong ng dalaga.
"Oo, pero titigil na ako dahil nasyota na
kita," pilyong sagot ni Angelo at pinisil ang
kamay ng dalaga na nasa braso niya.
"Yabang mo!" napipikon na sabi ni Jairah.
Sana pala nasa dila ang deperensiya ng
mokong na 'to para hindi na makapagsalita.
Naupo ang dalawa at ilang minuto pa ay
lumapit na sa kanila si Kristal. "Here, sana
magustuhan mo."
"Of course naman, ikaw pa," sagot ni Angelo
at siniko si Jairah para kunin ang bulaklak
kaya napilitan ang dalaga na abutin.
Matapos magbayad ay lumabas na sila
habang nakahawak pa rin si Jairah sa braso
ng binata. Wala lang sanang makakita sa
kanila para iwas isyu.
Nang makasakay na sila sa kotse nito, si
Jairah ang nagmaneho dahil wala si Oscar.
"Ako na lang kaya ang mag-drive?" sabi ni
Angelo. Hindi siya kampante kapag si Jairah
ang may dala ng kotse.
"Huwag ka ngang ambisyoso!" sabi ni Jairah
at pinabilisan ang pagpatakbo.
"Puwede namang turuan mo ako ng
direksyon. Magaling ka namang guide," sabi
ni Angelo.
"Is that a compliment?" pagtataray niya.
"It's up to you kung tatanggapin mo," sabi
ni Angelo.
Hindi na umimik ang dalaga para wala nang
pagtatalo. Di na baleng matuyuan siya ng
laway kaysa sa dugo ang matuyo kapag
kausap niya si Angelo.
"Jai? I think, this is the perfect time na
ipaalam natin sa parents mo ang tungkol sa
relasyon natin?" sabi ni Angelo nang hindi
makaya ang katahimikan.
"What do you mean?"
"About us. Na boyfriend mo na ako--shit!
Will you drive slowly?" singhal niya. "Ba't ka
biglang nagpreno?"
"May tumawid na pusa!" sagot ni Jairah at
napahigpit ang hawak sa manibela. "What
again? A-Anong boyfriend na kita?"
"Ayaw mo? Big catch na ako," nakangising
sabi ni Angelo.
"Kapal ng mukha mo!" naiinis na sabi ni
Jairah. Ang hangin din ng lalaking 'to e.
"Nag-kiss na nga tayo, ayaw mo pa?"
"Shut up, Angelo!"
"Ow, baka kapag mag-sex tayo, papayag ka
na," sabi ni Angelo at binigyan si Jairah ng
isang nakakalokong ngiti
"Baka gusto mo, sumpain kita?" tanong ng
dalaga. Nadagdagan ang inis niya nang
tumawa si Angelo.
Nang makarating sila sa bahay, agad na
bumaba siya at iniwan ang lalaki sa sasakyan
at dumiretso sa loob ng bahay para kunin
ang naiwang bag kanina sa living room.
"Ate? Saan na ho ba ang bag ko?" tanong ni
Jairah sa katulong. Dalawa ang housemaid
nito na kaedad niya ang isa at ang isa naman
ay nasa kuwarenta anyos na.
"Sa kuwarto ho ni Sir Angelo," sagot ni
Pema.
"What? Bakit mo dinala roon?" bulalas niya
at napasulyap kay Angelo na papasok at
ginagabayan ni Manang Esperanza.
"Sabi ho kasi ni Sir Angelo, kapag gamit
mo, sa kuwarto niya ilagay."
"Psh! Sige na lang," salubong ang kilay na
sabi ni Jairah at padabog na iniwan na ang
mga ito para kunin ang bag sa kuwarto ni
Angelo.
Pagpasok niya, agad na hinanap niya ang
bag.
"Isinusumpa ko na talaga ang lalaking 'yon!"
bulong niya at nilapitan ang bag na nasa
dresser ni Angelo.
Nasagi ng mga mata niya ang maliit na
picture frame sa tapat ng salamin kaya
pinagmasdan niyang maigi ang litrato.
"I think, I saw her," bulong niya sa sarili at
pilit na inaalala kung saan niya nakita ang
babaeng kasama ni Angelo. Nakaakbay ang
batang si Angelo sa batang babae na alam
niyang nakita na niya. Maganda ito, may
kapayatan na hanggang balikat lang ng
binata kaya sigurado siyang mas matanda ng
ilang taon si Angelo kaysa sa babae.
Ipinikit niya ang mga mata. Sobrang curious
siya dahil sigurado niyang kilala niya ang
batang babae.
"Shit! I knew her!" bulalas niya. Sigurado
siyang ang fianceé ito ng pinsan niyang si
Kean.
"Puwede mo na ho akong iwan, Manang
Esperanza," sabi ni Angelo kaya napaharap
so Jairah sa dalawa.
"Sige," sabi ni Manang at umalis naman kaya
silang dalawa na lang ang naiwan.
Naglakad si Angelo palapit sa kama at naupo
nang masiguradong nasa kama na siya.
"Magkakilala pala kayo ni Irene?" tanong ni
Jairah. Nakita niya ang pagtagis ng bagang
ni Angelo nang sambitin niya ang pangalan
ng kababata nito.
"Paano mo siya nakilala?" mahinang tanong
ni Angelo.
"Nakita ko ang litrato ninyo rito sa dresser,"
sagot ni Jairah.
"Wala ka na roon!" pagsisinuplado ni
Angelo.
"Ba't ka galit? May masama bang
magtanong?" pangungulit ni Jairah.
"Bakit mo kilala si Irene?" tanong ni Angelo.
"Duh? Pinsan ko ang fiancè niya.
Magkapatid ang ama ko at ina ni Kean,"
sagot ng dalaga.
"Kababata ko si Irene," sagot ni Angelo.
"Ow? I see. Kaya pala," ani Jairah. Naalala
niya nang una nilang pagkikita. Nasa
Westbridge ito kaya baka pinuntahan nito si
Irene.
"Kung pinsan ka ni Kean, ikaw ba ang
nabangga ko sa Westbridge bago ako
naaksindente?" tanong ni Angelo nang
maalala ang babaeng nakabangga sa
Westbridge. Tandang-tanda pa niya ang
mukha ng malditang babaeng iyon.
"H-Hindi a." Tanggi ng dalaga.
"Bakit nabubulol ka? Aminin mo sa akin ang
totoo, ikaw ba iyon, Jairah Rodriguez?"
seryosong tanong ng binata na tumaas na
ang boses. Tandang-tanda pa niya ang
matinis na boses nito. "Aminin mo, ikaw
iyon, 'di ba?"
"Oo! Ako nga! Pakialam mo?" galit na pag-
amin ni Jairah. Akala nito, ito lang ang may
karapatang magalit?
"Kaya pala hindi na ako nagtataka na
mapatay mo ako sa sobrang sama ng ugali
mo!" sabi ni Angelo. Shit, ngayon na talaga
gumuhit ang mukha ni Jairah sa isipan niya.
Kung noong isang araw, panay ang
imahinasyon niya kung ano ang mukha ng
dalaga, pero ngayon, sobrang linaw na sa
isip niya.
"Kapal mo! Ikaw nga ang may kasalanan
noon e!" naiinis na paninisi ni Jairah.
Sinikap ni Angelo na pakalmahin ang sarili.
"Okay, sorry na sa nangyari kung ako man
ang may kasalanan ng araw na iyon but it
doesn't change the fact na muntik mo na
ako mapatay."
Si Jairah naman ang natahimik sa kasalanan.
Aminado naman siyang naging reckless siya
ng araw na iyon.
"Kaya nga binabayaran na kita e. Kung gusto
mo, sagot ko na ang pagpa-opera mo!"
pagsuko ni Jairah.
"I don't need a surgical operation, Jairah."
"Eh, ano ang kailangan mo?" tanong ni
Jairah. Ito ang bulag na sa halip na maawa
siya, mas lalo pa siyang nainis dito.
"Ikaw," nakangiting sagot ni Angelo. "Ikaw
ang kailangan ko."
Tumayo ang binata at lumabas sa kuwarto
kaya sinundan siya ng dalaga.
"Bakit ako? Pagod na ako, Angelo.
Graduation ko na nextweek at magiging
busy na ako dahil ikakasal na ang Kuya Aron
ko at sina Kean!" sabi ni Jairah kaya tumigil
si Angelo s pagbaba sa hagdan pero
matapos nag ilang segundo ay ipinagpatuloy
nito amg pagbaba habang nakahawak ang
isang kamay sa gilid para hindi mahulog.
"Dahil ikaw ang may kasalanan kaya ikaw ang
magbabayad," sagot ni Angelo.
"Kainis ka!" bulong ni Jairah. Excited pa nan
siya sa graduation nila pero ngayon, nawalan
na ng saysay.
Nang makababa na sila, dumiretso si Angelo
sa sala at naupo sa sofa.
"Uuwi na ako," paalam ni Jairah at
pinandilatan si Angelo saka inambahan ng
suntok. Well, hindi naman siya nito nakikita.
"Mamaya na," sagot ng binata.
"Please, busy ako sa kakabantay at sunod sa
'yo kaya bigyan mo naman ako ng pahinga.
Graduation ko na pero hindi ko ma-enjoy
nang dahil sa 'yo!"
"Okay, after ng graduation mo na ikaw
pumunta," sabi ni Angelo kaya nagdududang
pinagmasdan siya ni Jairah.
"Sure ka?" nakataas ang kilay ni Jairah saka
dahan-dahang lumapit kay Angelo at
maingat na kinuha ang remote control sa
harapan ni Angelo.
"Oo," sagot ni Angelo at nagsimula nang
uminit ang ulo nang hindi niya makapa ang
remote control.
"Kinuha mo ang remote?" tanong ni Angelo.
Si Jairah lang naman ang nandito at
imposibleng ilipat ng katulong ang gamit
dahil alam nilang mahalaga ito sa kaniya
kapag nandito siya sa sala.
"Wala ah," tanggi ni Keana at maingat na
ibinalik ang remote ng TV sa harapan ni
Angelo.
"Alam kong kinuha mo!" galit na sabi ni
Angelo nang sa wakas ay nahawakan na ang
remote. Sigurado siyang nandito siya
kumakapa kanina.
"Ang hilig mong magparatang!"
madamdaming sabi ni Jairah. "Aalis na ako."
"Wait," pagpigil ni Angelo nang marinig ang
mga yabag ng dalaga na palayo sa kaniya.
"Bakit?" tanong ni Jairah.
"Here, take this," sabi ni Angelo at kinuha
ang bulaklak na binili nila kanina ni Jairah.
Mahigpit na binilin niya kay Manang
Esperanza na rito sa ibabaw ng center table
ilagay ang dalang bulaklak.
"Kanino ko 'yan ibibigay?" tanong ng dalaga.
Kinuha niya ang bulaklak para makaalis na
siya. So? Magiging delivery girl ba siya?
"Bigay ko 'yan sa 'yo," sagot ni Angelo kaya
napakunot ang noo ni Jairah.
"Akala ko ba, sa special someone mo 'to
ibibigay?" nagtatakang tanong ni Jairah.
"Wala namang ibang special someone ako
kundi ikaw lang, Jai," sagot ni Angelo kaya
natigilan si Jairah.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
naguguluhang tanong ni Jairah.
"I wanna take you seriously. Bulag man ako
pero hayaan mong mahalin ka ng puso kong
hindi nabubulag sa pagmamahal sa 'yo,"
sagot ni Angelo kaya napalunok mg laway si
Jairah habang nakatitig sa mukha ng
binatang may red and pouty lips na alam
niyang magaling humalik.
Naiinis talaga siya kay Angelo pero aminado
siyang ang pogi ng mokong.
"Corny mo! Uuwi na nga ako! Salamat sa
flowers!" sabi ni Jairah saka ginala ang mga
mata sa paligid. Wala ang mga katulong
kaya pasimpleng inamoy niya ang
mabangong bulaklak sa harapan ng bulag.
"Walang anuman, ingat ka," bilin ni Angelo
at narinig niya ang mga yabag ni Jairah na
papalayo sa kaniya.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon