#7: AGREEMENT

318 5 0
                                    

Eli's.

Nakalipas na ang isang buwan ng aking patuturo. Maraming bonus ang binigay sa akin ni Doctora dahil nagawa kong tumagal ng isang buwan. Napapadalas narin ang pag-aano namin ni Vince dahil kailangan ko gawin yun.

"Is he enjoying it?", tanong ni Doctora. "Y-Yes po.", nahihiyang sagot ko. Naaawa na ako sa sarili ko at kay Vince. I am just playing around.

"Wala bang namamagitan sa inyong dalawa?", seryosong tanong ni Doctora. "W-Wala po, Dra.", kinakabahang sagot ko. "Good.", tipid na sagot niya.

Napapikit ako ng mariin dahil may gusto sana akong itanong. "D-Dra... Maaari po ba akong magtanong?", I nervously asked her while sipping her coffee. She just nod kaya nakaramdam ako ng kaba. 

"Papagalingin niyo na po ba si Mama?", deretsong tanong ko. Hindi makatingin si Doctora sa akin habang iniinom ang kape niya.

"I'm not sure yet. Hindi pa nakatapos ng first year si Vince, kailangan niya munang matuto.", malamig na sabi niya. Agad namang kumunot ang aking noo. "P-Po?", takang tanong ko.

"You need to teach him sa buong school year. After that, kung marami siyang natutunan sayo, we will help your mother.", she explained. Matagal pa ang school year na ito.

"Paano po kung lumala na ang sakit niya sa puso? Ang pamamaga nito?", naiiyak na tanong ko. "Wala kaming magagawa dyan, Eli. You need to prove us na maraming natutunan si Vince.", sagot niya.

"Kung gagamutin namin ng maaga ang nanay mo, baka hindi kana pumasok bilang tutor ng anak ko.", she said kaya bumagsak ang mga balikat ko.

"At tandaan mo na dapat walang namamagitan sa inyong dalawa. You already know our agreement, Eli.", dagdag pa niya bago tumayo at nagpunta sa kusina nila.

Palihim akong umiyak sa sala nila. Hindi na tumigil ang pagluha ng aking mga mata. Kailangan ko pang pagbutihin ang pagtuturo kay Vince.

.

.

.

Vincent's.

Masaya kong sinalubong si Eli ng pumasok na siya sa kwarto ko. "Good morning, my love!", nakangiting bati ko. Nagtaka naman ako kung bakit hindi niya ako pinansin at deretso lang umupo sa upuan. Nakita ko ring maga ang mga mata niya at nakasimangot.

"Hey, may problema ka ba?", nag-alalang tanong ko. Hindi parin siya nagsasalita at inaayos lang ang mga gamit niya for our lesson.

"Hey, wala ka bang sasabihin?", pangungulit ko pa dahil hindi talaga siya kumikubo. "Hoy, baby!", yugyog ko sa kanya."Shut the fuck up, Gamboa!", singhal niya. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya ganyan noong mga nakaraang linggo. Hindi ko pa siya ever nakitang nagalit.

"W-What's wrong?", nag-alalang tanong ko at umupo sa upuan ko para pantayan ang pagkakaupo niya.

"Nothing.", sabi niya. Pilit man niyang pigilan ang mga luha niya ngunit trinaydor siya ng mga mata niya.

"It's not nothing, Eli. Look, umiiyak ka.", sabi ko while cupping her face. "I'm not fucking crying, Gamboa!", singhal niya ulit. Marahas niyang inalis ang mga kamay ko at nagpunta sa loob ng banyo ko. May nasabi ba ako? May nagawa ba ako?

Ilang minuto lang ang tinagal niya sa loob ng banyo ko. Malungkot parin siyang lumabas sa banyo ko at nagpunta ulit sa upuan niya. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan, baka magalit ulit siya sa akin.

Hindi ako kumikibo dahil baka sumigaw nanaman siya. Hahayaan ko nalang muna siya. Hindi ko nalang muna siya pipilitin.

"Ang lesson natin ngayon ay Disease Prevention and Control.", walang ekspresyong sabi niya. Hindi naman siya ganito magturo noon.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now