[ 1 WEEK LATER ]
Vincent's.
Isang linggo na ang makalipas noong huli naming magkita ni Eli. I didn't even miss her, I think I've moved on already. Too fast, Vincent... Very fast.
Napapadalas narin ang paglabas ko sa bahay dahil busy na kami sa pag-aayos ng kasal namin ni Eunice. Yes, tuloy ang arranged marriage namin. Sinusubukan ko na siyang mahalin for the sake of our hospital and company.
At para makalimutan ko na rin ng tuluyan si Elizabeth...
I am getting ready for another dinner together with my family and her family. "Anak, ano ang gusto mong tuxedo? Itong blue or black?", tanong ni Manang Vecky.
"Blue nalang po.", sagot ko at kinuha ang blue tuxedo. "Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko oh.", sabi ni Manang sa akin pagkatapos kong masuot ang tuxedo ko. Napangiti nalang ako dahil sa compliment niya.
"Thank you po. Una na po ako.", paalam ko sa kanya. Dumeretso na ako sa dining table namin at nakasalubong sila Mom.
"Umayos ka, Vincent. Mr. and Mrs. Valentino will arrive here soon.", bilin sa akin ni Mom habang inaalalayan siyang umupo. "Fine.", tipid na sagot ko.
"Respect your future wife, Vincent.", bilin pa ni Dad. Hindi ko na sila sinagot kasi baka kung ano pa ang masabi ko. Ilang oras rin kaming naghintay sa hapagkainan namin. Inip na inip na ako. "Where the fuck are they? I'm fucking hungry.", inis na sabi ko sa kanila.
"Just wait, Vincent. Be patient!", mahinang singhal ni Dad. Napabuntong hininga nalang ako dito sa upuan ko. Akala mo naman kasi kung sino ang darating. Hindi naman sila Reyna o Hari.
"Finally.", I murmured nang makarinig ng kotse sa labas ng bahay namin. "It must be them.", masayang sabi ni Mom. What a piece of plastic.
Sinalubong ni Mom ang mga bisita, as usual. She always use her plasticity to welcome my fiancé and her parents. I hate this nonsense.
Isang babae lang naman minahal ko buong buhay ko. Yet she didn't chose me...
I stood up to welcome my fiancé and her parents. Inalalayan ko siyang umupo sa upuan niya kahit kaya naman niyang gawin mag-isa. Sadyang tamad lang talaga siya.
"How's your day, Eunice?", nakangiting tanong ni Mom kay Eunice. "I'm totally fine, Mom.", nakangiting sagot ni Eunice. Mom? We're not even married yet.
"How about you, Baby?", nabaling naman sa akin ang tingin ni Eunice. What the fuck? Baby? "I am fine.", malamig na sagot ko. I just want to eat quietly, ang iingay niyo.
"By the way, we have a good news!", masayang panimula ni Tita Amelia, Eunice's mother. "What is it, Amelia?", naeexcite na tanong ni Mom while cutting the steak on her plate.
"Mas tumataas pa ang sales ng V's Corporation. Kung mas tumaas pa ito ay mas malaki ang magiging shares ng investments ninyo sa amin.", she said kaya napapalakpak sila Mom and Dad sa tuwa. See? Only power can make them happy. Wala silang pake kahit nakakasakit na sila ng tao, kahit anak pa nila ang masaktan nila.
"But we have a problem... Not that huge but will be our greatest problem soon.", sabat ni Tito Rio, Eunice's father.
"W-What is it?", kinakabahang tanong ni Mom. "May isang bar dito na mas malaki ang sales kesa sa V's Corporation and Gamboa Doctors. Mas marami silang investors and franchisees. Kapag bumaba ang investors and franchisees natin ay pwede tayong mabankrupt.", kwento ni Tito. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nila.
"Anong bar ba yan? Bakit masyadong maraming sales yan?", iritadong tanong ni Mom. She's triggered already.
"Reer Bar.", tipid na sagot ni Tita. Nabigla ako sa sinabi niya. That's the first bar... yung unang bar na napuntahan ko. "What a lame name. Paano naman sumikat ang bar na yan.", natatawang sabi ni Dad.
"Ang sabi ng CEO ng Bar na ito, Reer daw ang pangalan ng bar niya dahil sa Rare beer. In short, Reer. Plus, initials yan ng mga mahal niya sa buhay niya.", paliwanag ni Tita.
"Malapit lang kasi sa universities dito sa Pilipinas, many college students go here after classes. And as I've said, maraming nagfranchise itong bar na ito sa buong Pilipinas.", sabi naman ni Tito.
"But hindi siya originally from the Philippines... Nasa New York ang first branch ng Reer Bar dahil dito ginawa ng CEO ang kanyang bar pero pinoy ang may-ari nito.", dagdag pa ni Tito.
"I can't believe na isang bar pa ang makakaribal natin sa investors and franchisees natin.", nagagalit na si Mom pero tinatago niya parin.
"Don't worry Mom, Dad, Tito and Tita. Bar lang yan, mas malaki parin ang meron tayo.", pangkakalma ni Eunice na wala namang epekto.
"Mas malaki nga ang atin, pero mas lamang sila.", I smirked. "Remember, small but terrible.", I added bago umalis. Inip na inip na akong makinig sa mga kumpanya nila.
Pumasok na ako ng kwarto ko para magpahinga. Nakakapagod makipagplastikan sa labas. And I hate seeing my parents faking everything just for money. Ako nalang ang natitira nilang yaman.
Sorry, you have lost your last treasure.
Matutulog na sana ako ng may magtext sa akin. I immediately checked my phone. Baka siya ang nagtext sa akin. Nagmadali akong mag-ayos ng itsura at sarili pagkatapos kong makita ang text sa akin.
"Let's sott?"
.
.
.
○○○
To be continued.
YOU ARE READING
Listen, Gamboa! || 18+
Romance[ COMPLETED ] Vincent Gamboa, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang doctor na may-ari ng Gamboa Doctors (Ospital), ay isang med student na tamad mag-aral dahil hindi niya gusto ang kanyang kurso. Napilitan lamang siya dahil sa kanyang mga doktor na mg...