#25: PROTECT

188 1 0
                                    

[ TW:// mention of bl00d, h0spit@l and gunsh0ts. ]

Vincent's.

"Love, wake up. It's breakfast time!", malambing kong ginising si Eli. Onti onti siyang gumalaw at dahan dahang binuka ang kanyang magagandang mata.

"Good morning, beautiful.", sabi ko sa sabay halik sa kanyang noo. "Good morning, love.", nakangiting bati niya sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap kaya naman tumawa siya. Marahan niya akong tinutulak para makawala siya sa yakap ko.

"Stop it, hindi pa ako nakapagtoothbrush. Mabaho pa hininga ko.", nahihiyang sabi niya. "I don't care, baby. Kahit mag-amoy malansa ka pa o mag-amoy basura ka pa, mamahalin parin kita.", nakangising sabi ko. Inis niya akong hinampas sa braso ko. "Grabe ka naman. Ang bastos mo!", irap niya at tumayo pa punta sa banyo. Natawa nalang ako sa kilos niya.

.

.

.

"Eli! Halika na. Wag mo na isipin yung sinabi ko! Kumain na tayo.", sigaw ko mula sa kitchen. Kanina pa kasi siya sa banyo at hindi pa lumalabas. Nagiguilty na tuloy ako sa sinabi ko.

Hindi ko na natiis kaya pumunta na ako sa banyo at kinatok siya. "Hey, baby. What are you doing there? Let's eat na po.", malambing na sabi ko. "Maghintay ka!", iritadong sigaw niya. Palihim naman akong natawa dahil sa sigaw niya. "Parang buntis na ang mahal ko.", I murmured.

Ilang segundo pa ang makalipas ay lumabas na siya, with her angry face. Natawa nalang ako sa itsura niya. Sumilip rin ako sa loob ng banyo at nakita ko yung lababo ko na puno ng mouth wash.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?!", iritadong tanong niya. I quickly carried her in a bridal style kaya nagulat siya.

"Huy, ano ba?! Ibaba mo nga ako!", singhal niya. "Hindi pa tayo bati!", dagdag pa niya. "Kaya nga. Hindi kita ibababa kung hindi pa tayo bati.", I smirked.

"Isa... Ibaba mo ako!", angal niya pa. Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na pinaikot ikot siya habang mahigpit na kinakarga. "Listen, Gamboa!", singhal niya pa. "Sorry po tutor pero no.", I smirked.

"Alam ko na kung ano ang makakapagbati sa ating dalawa.", pang-aasar ko sa kanya at alam kong naiintindihan niya kasi pumula ang kanyang pisngi.

"Tumigil ka nga! Ang aga aga pa, Gamboa!", kinakabahang sabi niya. Natawa nalang ako nang bigla niya akong iheadbutt. Nabitawan ko siya kaya nakawala siya sa pagkakakarga ko.

"Nakakailan ka na dun ah!", singhal ko habang nakahawak sa noo ko. "Sabi ko sayo eh, wala kang laban sa akin.", she smirked.

"Malamang. Under ako eh.", sabi ko kaya natawa nalang siya.

.

.

.

It's already 5 in the afternoon kaya naghanda na kaming dalawa. Para sa date namin, ang SOTT mode namin.

"Tapos ka na ba?", sigaw ko mula sa labas ng kwarto. "Wala akong maisuot eh! Wala akong mga damit dito sa condo mo!", sigaw niya pabalik. Oo nga pala wala siyang dalang damit.

"Hayaan mo nalang yan. Magsuot ka nalang ng damit ko katulad ng ginawa mo kagabi!", sigaw ko pa.

Wala na akong narinig na sagot kaya naghintay nalang ako sa sala. Ilang minuto pa ay lumabas na siya at nakita ko kung gaano kalaki sa kanya ang tshirt ko at ang shorts ko. Nahihiya pa siyang lumabas ng kwarto.

"Hey, don't worry. Hindi naman tayo kakain sa labas o magpapasyal sa labas.", I assured her. Nagtagpo naman ang kanyang mga kilay. "Huh? Akala ko ba magSOTT mode tayo ngayon?", takang tanong niya.

"Yes, pero dapat tayong dalawa lang. Tayo lang, walang iba.", I smiled. "Where?", tanong niya. I grabbed her wrist and said before running,

"Rooftop. Let's watch the sunset."

.

.

.

"Ang ganda niya talagang matulog.", she is referring to the sun that is about to set down. "Yes, really beautiful.", nakangiting sabi ko habang nakatitig sa kalangitan.

Naramdaman kong sinilayan niya ako habang nakangiti. "Alam mo ba? Noong bata pa ako, lagi akong nagpupunta sa river malapit sa amin para pagmanuod ng sunset.", natutuwang kwento niya.

"Talaga? Mahilig rin akong manuod ng sunset eh. Siya lang kasi ang kasama ko palagi kung malungkot ako at mag-isa sa kwarto.", sabi ko.

"Kaya gusto kong manuod ng paglubog ng araw kasama ka dahil parehas kayong maganda.", pagbibiro ko sabay pisil ng ilong niya. Nagtawanan nalang kami dahil sa ginawa ko. But never expected na parehas kaming gusto manuod ng sunsets.

I really found my woman. The one.

.

.

.

Hinintay lang namin tuluyang lumubog ang araw at hinintay na bumati sa amin ang nagliliwanag na buwan.

"Do you wanna go inside na, love?", I asked her. Sumulyap naman ako sa kanya at nakita ang kanyang nagniningning niyang mga mata habang nakatitig sa maliwanag na buwan.

"Wait... Sasamahan ko muna siya. Nag-iisa na naman kasi siya eh.", she's referring to the moon.

"The moon is beautiful, isn't it?", I said. Siguro naiintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil ngumiti siya sa akin sabay yumakap ng mahigpit.

"She really is.", sagot niya. Tinugunan ko naman ang kanyang mainit na yakap.

Magkayakap lang kaming pinagmamasdan ang nagliliwanag na buwan nang biglang may narinig akong putok ng baril. Sigurado akong sniper iyun.

"V-Vince...", rinig kong nahihirapang sabi ni Eli. I held her left shoulder... and it's bleeding.

"E-Eli? F-Fuck...", naiiyak na sabi ko dahil may tama siya ng baril and she's bleeding a lot.

Naramdaman kong kumakalas na ang kanyang mahigpit na yakap niya kaya agad akong kinabahan. "H-Hey, Eli. Listen! Don't close your eyes. Hang in there!", I told her while keeping her awake.

Onti onti na siyang pumipikit kaya naman kinarga ko na siya sa likod ko para makapunta ng ospital.

Sakto dahil mayroong ambulansya sa labas ng condo ko. "Please help my girlfriend. Please...", naiiyak na sabi ko sa doktor. Agad nilang nilabas ang stretcher at dahan dahan kong hiniga si Eli doon.

Sumakay na ako sa loob ng ambulansya at nagpunta sa ospital.

Habang nasa byahe kami papuntang ospital ay mahigpit kong hinahawakan ang malamig na kamay ni Eli.

I... I failed to protect my love...



And it's killing me...



To see her dying...


Hang in there, Eli. I am still here beside you.

○○○

To be continued.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now