Eli's.
Masama ang loob kong naglakad palabas ng venue. Magulo pa ang buhok ko at puro kalmot ang braso ko. May nalasahan pa akong dugo sa labi ko.
"Oh, my God. What happened to my girl?", nag-alalang tanong ni Vince nang makasalubong ko siya sa main entrance. "N-Nothing. Nadulas lang ako sa stairs.", I lied. Sinuklayan niya ang buhok ko para ayusin ang magulo kong buhok.
"Don't lie to me, Eli. I know something happened. Sorry, I wasn't there. I talked to some guests kasi eh...", malungkot na sabi niya.
"What happened, love?", he asked me once again. "Hmm... may hindi lang kami pagkakaunawaan ni Eunice-", panimula ko pero hindi ko na natapos ang sinabi ko nang marinig ang pagmumura niya.
"What the fuck did she do to you?! Sumosobra na yang babae na yan!", galit na sabi niya. "H-Hey... Stop, Vince. I'm fine. Okay lang ako. Wag na nating palakihin ang gulo, please.", pagmamakaawa ko.
"You're full of scratches on your arms, Elizabeth. Sa tingin mo okay ka lang?!", nag-alalang sabi niya. "I'm really fine. Galos lang ito and mabilis lang ito gumaling.", I smiled at him to make him calm.
"No. Gagamutin ko yan!", huling sabi niya bago ako hilain papasok ng kotse niya. You really set my standards so high, Vincent.
Dumaan muna kami sa convenient store para bumili ng gamot sa mga kalmot ko. Nagulat naman ako ng nagmaneho siya at hindi muna tumigil para gamutin ang mga sugat ko.
"Akala ko ba gagamutin mo ako?", takang tanong ko. "Yes.", tipid na sabi niya habang nakatuon ang mga titig sa kalsada. "Then why are you still driving?", tanong ko pa. "Sa condo ko. Doon kita gagamutin.", sagot niya. Wait what?!
Medyo kinabahan ako sa sagot niya. Bakit sa condo niya pa?... Focus, Elizabeth. Wag ka na mag-isip ng kung ano ano.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa condo niya. Ang laki laki ng kwarto niya dito, parang kasing laki na to ng buong sala, kwarto at cr namin HAHAHAHA.
"Wait here, Eli.", sabi niya. Dahan dahan akong umupo sa sofa niya dahil hirap na hirap na ako sa gown ko na to.
Ilang minuto lang ay nakabalik na ulit siya at nakahanda na ang mga gamit sa paggamot ng mga sugat ko.
Umupo siya sa tabi ko at ma-ingat na kinuha ang braso ko na may sugat. "Tell me if it hurts, okay?", sabi niya. Tumango nalang ako. "Kalmot lang naman yan hindi naman yan mahapdi.", I chuckled.
Napadaing nalang ako nang maramdaman ko ang alcohol na pumatak sa sugat ko. "Bakit mo naman ginawa yun?!", singhal ko dahil sa sakit. "Akala ko ba hindi masakit?", he smirked. Umirap nalang ako at pinipigilan ang sakit dahil nilalagyan na niya ng betadine.
Dahan dahan niyang inihipan ang ginamot niya bago nilagyan ng bandage. "Salamat.", I smiled at him. "Sa susunod, wag mo na papatulan ang babaeng iyun. Masasaktan ka lang.", paalala niya.
"Sus, baka siya ang hindi makapalag sa akin.", natatawang sabi ko. "Kahit na. Ayokong nasasaktan ang love ko.", sabi niya habang nagpapuppy eyes. Natawa nalang ako sa kilos niya.
"Ako lang dapat manakit sa baby ko.", dagdag pa niya.
Nawala agad ang ngiti sa labi ko. "What the-?", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad siya sumapaw.
"I'm not yet done, babe... Ako lang pwede manakit sayo.", he smirked. Nang marealize ko ang ibig niyang sabihin ay napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya.
[ This scene was inspired by the song ' VERSACE ON THE FLOOR ' by Bruno Mars. You can listen to that song while reading this scene. Thanks! ]
YOU ARE READING
Listen, Gamboa! || 18+
Romance[ COMPLETED ] Vincent Gamboa, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang doctor na may-ari ng Gamboa Doctors (Ospital), ay isang med student na tamad mag-aral dahil hindi niya gusto ang kanyang kurso. Napilitan lamang siya dahil sa kanyang mga doktor na mg...