Elizabeth's.
"Ready ka na bang maging Mrs. Cruz?", tanong sa akin ni Chelsea. Ngayon ay nasa wardrobe room na ako at inaayusan na nila ako. "I am fucking ready.", sagot ko sa tanong niya kaya malawak siyang ngumiti.
"Sis, ibato mo sa akin yung bouquet mo ah. Para kami na susunod ikasal ni Samuel.", natatawang sabi niya kaya natawa narin ako. Ilang years narin sila kaya naman okay narin magpakasal yang dalawang yan. Tsaka nakagraduate na silang dalawa, pwede na yan!
Tapos na akong make up-an ni Chel kaya naman nagmamadali na siyang ipasuot sa akin yung white gown ko. "Bilisan mo!", nagmamadaling sabi ni Chel habang sinusuot ko na ang wedding gown ko. "Tangina mo! Ikaw ba yung ikakasal?!", sorry mainit na ulo ko HAHAHAHA.
Inalalayan naman ako ni Chel at isa ko pang hair stylist para sumakay na sa wedding car. Nang makapasok nako sa loob ng kotse ay kinawayan naman ako ni Chel and mouthed 'Kaya mo yan!'
.
.
.
Nang makapunta na ako sa bundok ay agad naman akong kinabahan. Hindi kami nagdecide na ikasala sa simbahan. Gusto namin sa open field at kami kami lang naman ang dadalo, wala namang iba pang iinvite eh.
Naglakad nako papunta sa may kurtina. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahang pumasok sa gitna nito.
Agad namang bumungad sa akin ang mga upuan na nakaayos sa gilid at ang nakaupo sa kaliwa ay sina Mama, Chelsea at Doctora. Sa kabila naman ay sina Samuel at Papa.
At ang naghihintay sa akin sa altar... si Vincent.
Dahan dahan akong naglakad sa gitna patungo sa pahinga ko. Nakita kong naluluha na sila dahil nga ikakasal na kami... I'm finally getting married!
Nang makapunta na ako sa harap ay nagngitian lang kami. "You look beautiful, my love.", he complimented and gave me butterflies... correction, he's giving me the whole damn zoo inside me.
.
.
.
"Vincent, do you take this woman to be your groom, to live together in matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?", tanong ni Father kay Vince at agad naman niya akong nginitian.
"I do.", he answered.
"Elizabeth, do you take this man to be your groom, to live together in matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?", tanong sa akin ni Father kaya tinitigan ko rin ang magiging asawa ko.
"I do.", nakangiting sagot ko.
Nakita kong binasbasan ni Father ang magkatabing singsing sa harapan namin. Pagkatapos nito ay kinuha na ni Vince ang isang singsing na sakto sa daliri ko at humaeap sa akin.
"Elizabeth, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the father, and the son, and the holy spirit.", sabi niya habang nakangiti at nakatitig sa aking mga mata. Napangiti nalang ako nang isinuot niya sa akin ang singsing.
Ako naman ang sumunod na kumuha ng singsing na sakto sa daliri niya. Nakangiti akong humarap sa kanya at nakatitig lang sa kanyang nangniningning na mga mata.
"Vincent, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the father, and the son, and the holy spirit.", nakangiting sabi ko habang pinipigilan na maiyak. Pero may mga namumuong luha na sa mga mata ko. Dahan dahan kong isinuot ang singsing sa kanyang daliri habang nakangiti.
YOU ARE READING
Listen, Gamboa! || 18+
Romance[ COMPLETED ] Vincent Gamboa, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang doctor na may-ari ng Gamboa Doctors (Ospital), ay isang med student na tamad mag-aral dahil hindi niya gusto ang kanyang kurso. Napilitan lamang siya dahil sa kanyang mga doktor na mg...