#9: BMW

252 2 0
                                    

Eli's.

"Shuta sis... Ready kana?", naeexcite na tanong ni Chelsea sa kabilang linya. Nagcacall kami ngayon bago ako magpunta ng blind date ko.

"Hmm, medyo?", alinlangang sagot ko habang nag-aayos ng itsura. "Tsk, deny mo pa.", sabi niya sa kabilang linya. "O, sige na. Balitaan mo nalang ako kung may paro paro kang naramdaman sa tiyan mo. Wag papalasing masyado ah?", bilin niya.

"Opo, nay. Salamat sa pag-aalala. Last mo na yan!", huling sabi ko bago ko ibaba ang tawag namin. Lumabas na ako at nagpaalam kay Mama.

"Mama, aalis po muna ako. Wag na wag po kayong aalis ng bahay ah.", bilin ko kay Mama na ngayon ay nanunuod ng Power Puff Girls habang pumapalakpak pa sa tuwa.

"O-O, sige anak. Pakasaya ka sa lakad mo. Yehey! Yehey!", natutuwang sabi niya. Hinalikan ko na siya sa noo niya at umalis na.

Hay kapagod umalis ng Linggo. Shuta ka talaga, Chelsea.

.

.

.

Hinanap ko ang bar na pagmemeetingan namin ni lalaki. Sabi niya ay REER Bar raw ito at malapit lang din sa university namin.

Pagpasok ko palang ng entrance ay may sumabong na agad na lalaki sa akin. "Ms. Elizabeth Ramirez?", nakangiting tanong niya at umakbay sa akin. Sus, minus ka na agad sa akin. You're making the girl uncomfortable dude.

"Yes, and you are Samuel Santos?", sabi ko habang inaayos ang sarili sa pagkakaakbay. Tanginang braso ito, sobrang bigat. Buti pa yung kay Vince masyadong magaan. Wait! Bakit ko ba siya iniisip?! Blind date ko ito!

"Yes yes yes, Miss. Ako nga. Sam nalang pala.", sabi niya at umupo na kami sa counter kung saan maraming mga alak na nakadisplay sa harapan mo.

"What do you want, Elizabeth?", tanong niya at nilabas ang wallet niyang napakaraming pera. Parang pilit niya pa itong ipinapakita sa akin eh. Hay, minus ka nanaman dude. Ang yabang mo naman.

"Eli nalang. And champagne nalang sa akin.", sagot ko. Napapakamot nalang ako sa batok ko kasi nakakainis itong Samuel Santos na to. Akala mo naman ay gwapo.

"So, tell me about yourself, Binibini.", nakangising sabi niya at laking gulat ko ng hinahawakan na niya ang mga hita ko. Marahan ko nalang itong hinawi and I awkwardly laughed.

"Ipapaalala ko lang ah... Blind date palang ito.", mariin na sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. "That's what I want. Yung pakipot pero gusto na siyang ikama.", he smirked at tumayo papunta sa akin. Ang susunod niyang ginawa ay inikot niya ang kanyang braso sa bewang ko.

"Wanna have some fun, Baby?", nakangising tanong niya habang tinatangkang ipasok ang kamay sa loob ng damit ko. Okay, I'm fucking done with this guy. Napakabastos, ponyeta!

"Bastos!", singhal ko at hineadbutt siya. Medyo napalakas ang pagkakaheadbutt ko kaya dumugo ito. Napahawak naman siya sa ulo niyang duguan. May hairclip kasi akong suot kaya dumugo ang noo niya.

Aalis na sana ako kaso hinila niya ako. "I'm not done yet. Hindi pa tayo nagsisimula, Eli.", nakangising sabi niya na parang gusto niyang pumatay. Hindi na ako nakalaban pa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Eli...!!!", narinig kong may tumawag sa aking pangalan. Ang susunod nalang na nangyari ay lumagapak ako sa sahig dahil nabitawan ako ni Sam. May sumuntok kasi sa kanya. Hindi ko masyadong maaninag kung sino ang sumuntok sa kanya.

"E-Eli, are you okay?", tanong ng tumulong sa akin. Nang makita ko na ang kanyang mukha ay nagulat ako. Nakaramdam ako ng mga paro paro sa loob ng tiyan ko, at naramdaman ko ang lakas ng tibok ng aking puso.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now