#13: SOBER

186 3 0
                                    

Eli's.

Nadala ko na sa apartment ko si Vincent. Ang bigat bigat niya talaga. "Ano ba?! Maglakad ka nga ng maayos!", singhal ko sa kanya. "Ang daya mo! Inaalalayan kitang maglakad kung di ka makalakad, ako sisigawan mo lang.", lasing nasabi niya, nakanguso pa siya.

Nakahinga naman ako ng malalim ng matanaw ko na ang pinto ng kwarto ko. Hinulog ko na siya sa kama ko at hinayaang matulog muna. Iiwan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.

"A-Ang daya mo, Eli...", sambit niya. Sinilip ko siya at nakita kong umiiyak na pala siya. "M-Mahal na mahal k-kita... A-Akala ko rin mahal mo ako pero niloloko k-ko lang sarili ko.", umiiyak na sabi niya. Pinipigilan kong umiyak dahil magmumukha akong mahina.

"Let's talk again when you're sober already.", sabi ko at iniwan siya sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nagpunta sa living room ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Chelsea. "Beh... may favor ako.", sabi ko sa kanya. "Oh, ano ang chismis?", sabi naman niya sa kabilang linya. "Tanga, favor sabi ko hindi chismis!", singhal ko at narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Ay, sorry po. Sige ano nga?", sabi niya.

"Pwede magpunta ka sa bahay ko at bantayan mo muna si Mama? Hindi kasi ako makakauwi eh, nasa apartment ako.", pakiusap ko. "Hala bakit? Ano meron?", she asked me with her teasing voice. "Hay nako, mamaya na yang chismis mo. Mahabang kwento.", inis na sabi ko.

"Ay, hindi ako pupunta sa bahay niyo kung wala chismis.", sabi niya. "Mas lalong hindi ko ichichismis! Kung magpupunta ka nalang sa bahay ko, kinabukasan nito ikwekwento ko na tapos wala ng premium vip sa chismis ko. Libre na lahat.", sabi ko. "Shuta! Ito na nagbibihis na ako. Hanggang bukas ko ba babantayan si Tita?", nagmamadaling tanong niya.

"Oo, pwede ba?", tanong ko. "Oo naman, ano ka ba. Basta yung libreng chika ah.", panigurado niya. "Oo na nga ito na. Bye!", binaba ko na ang tawag namin.

Babalik na sana ako ng kwarto ko ngunit nagulat ako ng makitang nakatayo na pala si Vince sa likod ko. "K-Kanina ka pa dyan?", utal na tanong ko. "Bakit para kang nakakita ng multo?", he chuckled.

"I said, go to sleep and sober up bago tayo mag-usap diba? Hirap makipag-usap sa lasing.", mariin na sabi ko. "I am sober already.", sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ka ba uuwi? May plano ka noh?", pang-aasar niya habang nakangisi. "W-What? No... Uuwi ako noh!", palusot ko.

"Eh bakit mo pinakausap sa kaibigan mo na hanggang bukas siya magbantay kay Tita Eliza?", he smirked. Fuck, I'm screwed!

"Kasi kala ko bukas ka pa babalik sa sarili mo... mukhang okay ka naman na so uuwi na ako.", sabi ko habang kunwaring nililigpit ang mga gamit ko para umalis.

"No, no. Joke lang!", pagpigil niya sa akin. "Tsaka may sasabihin ka pa sa akin. You need to make things right, Eli.", dagdag pa niya.

Huminga muna ako ng malalim at pumasok sa kwarto ko kasama si Vince. Umupo ako sa gitna ng kama ko, umupo naman siya sa gilid nito.

"Listen, Gamboa...", panimula ko. "I-I'm sorry, Vince.", sabi ko habang pinipigilan ang pag-iyak. He is just beside me, listening as if I am discussing something.

"I don't have a boyfriend nor exes... NBSB ako.", I explained to him and I saw him smiled. "So ako ang firsts mo?", he smirked. "I said, listen!", inis na sabi ko kaya tumahimik nalang siya.

"Lahat ng ginawa ko simula nung pumasok ako sa kwarto mo, pati yung nagbrown out and even the exams... they are all planned.", nakayukong pag-amin ko.

"But... hindi kasama sa agreement yung feelings ko.", I assured him. Nagkatinginan ang aming mga mata at kitang kita ko ang pamumuo ng kanyang mga luha sa gilid ng mata niya.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now