#28: WEDDING DAY

178 2 0
                                    

[ 2 weeks later ]

Vincent's.

Two weeks na nang maghiwalay kami ni Elizabeth. No calls, no chats, no update. Wala na akong update sa kanya at sa buhay niya, sa pamilya niya.

"Vincent! Huwag mo na paghintayin ang driver mo.", sigaw ni mom mula sa labas ng pinto ko. And yes... magpapasukat na kami ng suit ko for my wedding.

Ikakasal na ako kay Eunice. Itutuloy ang kasal namin this September 28...

Nagpabango lang ako at nag-ayos ng buhok bago ako lumabas. Nagpunta na ako sa kotse ko at napabuntong hininga nalang ako.

"Bro, sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Wala ng bawian?", tanong sa akin ni Samuel.

Well, naging friend ko na itong lalaking ito dahil nga pinsan niya si Eunice kaya palagi kami magkasama. Pati sa pagsusukat ko ngayon ng isusuot kasama ko siya.

"Yes. Sure na ako.", malamig na sagot ko. Ilang linggo na akong walang gana sa mga nangyayari sa buhay ko. Bihira nalang ako magsalita kung gusto ko.

"Manong, tara na po.", sabi ni Samuel sa driver namin. Natulog nalang ako sa biyahe dahil pagod na pagod na agad ang katawan ko.

.

.

.

"Mas bagay sayo yung unang suit na sinukat mo, bro.", sabi ni Samuel habang nagsusukat ako. "Sige.", malamig na sagot ko. "Miss, yung unang sinukat ko nalang po.", sabi ko sa nag-aassist sa akin.

"Bro, mukhang hindi ka naman masaya.", pagbibiro ni Samuel sa akin. "Masaya naman ako.", malamig na sabi ko. "Masaya ba yan? Sus.", napabuga pa siya sa hangin.

"Masaya ka ba o siya parin?", tanong niya kaya natigilan ako. "Hindi na... at ikakasal nako sa pinsan mo, tanggap ko na.", sagot ko pero kumikirot parin ang puso ko dahil sa tanong niya.

.

.

.

Tapos na kaming mamili ng mga kailangan para sa kasalan. Next week na rin pala ito.

Magkakaroon na akong ng asawa sa susunod na linggo at hindi siya iyun... hindi si Elizabeth...

Sinalubong ako nila Mom at Dad at niyakap ako ni Mom. "How's your day, son?", nakangiting bati sa akin ni Mom. This is the first fucking time na ginawa ito ni Mom sa akin.

"Fine.", walang ganang sagot ko. "Nakabili ka na ba ng suit for your wedding?", tanong ni Dad. "Yes.", tipid na sagot ko.

"So, sabay na tayong magdinner.", masayang prisinta ni Mom. "Kayo nalang, Mom. Busog na ako at pagod na ako.", sagot ko at dere-deretsong pumunta sa kwarto ko.

Pagod na pagod ako sa araw na ito. It is fucking hard to breathe without my home... my pahinga...

Napapikit nalang ako at siya parin ang nasa isip ko. "Umaasa parin ako, Eli... may isang linggo ka nalang... may isang linggo nalang tayong pag-asa...", kausap ko ang sarili ko sa kawalan.

"Ikaw parin... ikaw palagi...", huling sabi ko bago ako makatulog sa kama ko.

.

.

.

[ WEDDING DAY - SEPTEMBER 28 ]

Nasa dressing room na ako at naghahanda para sa kasal namin ni Eunice. Ilang oras nalang ang natitira bago kami ikasal kaya kinakabahan ako.

"Goodluck, bro! Kaya mo yan.", pagchecheer up sa akin ni Samuel bago ako iwan sa room ko. Alam kong bawal pa kami magkita ni Eunice dahil kami ang ikakasal. Hindi naman ganito ang pinangarap kong kasalan.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now