#14: BETTER

194 3 0
                                    

Eli's.

"Vince, uuwi na ako ah.", paalam ko sa kanya. "Huh? Bakit? Maaga pa ah.", takang tanong niya. "May classes kami ngayong umaga kaya aalis na si Chelsea.", sabi ko. "O-Okay... ingat ka!", huling sabi niya bago ako umalis.

.

.

.

"So, what's the chika?", naeexcite na sabi ni Chelsea. "Tangina mo talaga, Chel. Gusto mo bang malate tayo?", sabi ko. "Ay papasok ka pala ngayon?", takang tanong niya. "Oo, ngayon nalang ako ulit nagkaroon ng schedule sa umaga. Sa hapon lagi ang schedule ko, right?", pagpapaalala ko sa kanya. "Fine!", sabi niya.

.

.

.

"So, ano na nga nangyari? Bakit hindi ka umuwi kagabi?", naeexcite na tanong niya. "Nalaman na kasi ni Vince yung about sa agreement namin ni Dra.", mahinang bulong ko sa kanya.

"Shuta! Seryoso?", mahinang sigaw niya, tila gulat na gulat. "Oo, sis. Nagalit pa siya sa akin nun kasi pinalalaruan ko daw siya, ginagamit ko raw siya for money. Pero may sinabi siya sa akin...", pabitin na sinabi ko.

"Shuta, ano?! Ikwento mo na.", naiinip na sabi niya kaya natawa ako. "Sabi niya lahat ng pinaramdam niya sa akin ay totoo. Lahat ng feelings niya for me ay totoo!", sabi ko at nagulat ako ng tumayo siya sa pagkagulat. "Pota! Seryoso?!", sigaw niya. "Tangina mo, Chelsea! Andami na nakatingin sa akin. Umupo ka nga!", hila ko sa kanya para umupo siya.

"Pero seryoso talaga siya dun?!", mahinang sabi niya. "Oo nga ang kulit mo!", naiiritang sabi ko. Maraming beses niyang hinampas ang braso ko dahil sa sobrang kilig. "Pota! Bakit ba ganyan ka kiligin?!", inis na sabi ko.

"Hala, hala! ang init ng ulo ah. Buntis na ba?", pang-aasar niya. "Gago ka talaga! Bahala ka dyan di ko na itutuloy yung chismis.", irap ko. "Huy, joke lang naman eh.", sabi niya.

"Fine!", irap ko at tumawa siya. "So ayun. After nung pag-amin niya sa akin, nagwalk out ako kasi naguiguilty ako. Nagpunta lang ako sa bar kung saan kami nagmeet up ni Sam. Tapos what a coincidence... nagpunta rin si Vince doon, pero di niya ako nakita. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa malasing na siya, dinala ko na siya sa apartment ko.", kwento ko.

"Taray naman. Parang admiring you from a far ang peg.", nakangiting sabi niya. "Andami mong alam, beh.", irap ko.

"So, ano nangyari sa apartment?", she smirked. "Shuta!", mahinang singhal ko.

"So ayun na nga...", panimula ko. "Umamin narin ako na may nararamdaman na rin ako sa kanya, na totoo itong feelings ko for him. Walang contract, walang agreement. Just my pure feelings for him. Tapos next nun...", bitin na sabi ko.

"Shuta, ano?!", naiinip na sabi niya. "Nakadalawang rounds kami.", mahinang bulong ko. "Ay ang landi mo talaga pota.", nababaliw na sabi niya habang hinahampas ang braso ko.

"Beh, isa pang palo sa braso ko, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad!", naiinis na sabi ko. "Beh, ikaw nga 'tong hindi makalakad. Hindi mo ako magagamitan ng taekwondo mo!", nakangising sabi niya.

"By the way, ano na kayo pagkatapos niyo umamin sa isa't isa?", tanong niya. "Huh? Malamang tao parin.", pilosopong sagot ko. "Tanga ka! What I mean may label na ba kayo or what. Dapat meron na beh. Meron bang naikama na tapos wala paring label?", natatawang sabi niya. "Yup, kami yun.", nagtawanan kami. To be honest, I didn't bother to ask him kung kami na ba. I just can't, I'm scared.

Naghaharutan lang kami ng biglang may pumuntang grupo ng mga babae sa harap namin. Nakita kong si Eunice pala ito at ang mga kaibigan niya.

"Shut the fuck up, dirts!", pagtataray ni Eunice sa amin. "Anong shut the fuck up? Eh ikaw nga tong nagpunta sa amin at nag-iingay. So, dirts ka rin?", sabat ni Chelsea. Hinawakan ko si Chelsea bilang sign na wag na patulan.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now