[ FRIDAY ]
Vincent's.
"Naready mo na ba lahat ng mga gamit mo for tomorrow's event?", tanong ni Mom habang hinihiwa ang steak niya sa plato. "Yes.", tipid na sagit ko dahil ngayon ay ngumunguya ako ng steak.
"Pupunta rin sila Mr. and Mrs. Valentino sa event bukas... and kadate mo dapat si Eunice, okay?", bilin ni Mom. Tumango nalang ako biglang sagot.
We continue eating our lunch quietly. Patapos na sana akong kumain pero nagsalita ulit si Mom. Natigilan naman ako sa tinanong niya.
"By the way, where have you been yesterday?", tanong niya habang umiinom ng orange juice. "Hindi ba nasabi ni Manang Vecky sa inyo?", I answered.
"I told her to tell you na pumunta ako sa kaibigan ko. I want to support his small business.", dagdag ko pa. "Saan mo ba nakilala yang kaibigan mo?", sabat ni Dad while wiping his lips using the table napkin.
"I met him at the bar. Siya lang kasi nakausap ko nun eh and you know, it's my first time.", sagot ko. Nilapag ni Mom ang kanyang table napkin sa table bago magsalita.
"Okay... as long as you're not meeting with Elizabeth.", kalmadong sabi ni Mom. "Why would I? We broke up. Hindi ko na din siya mahal, Mom. Pumayag na ako sa arrangement, right?", I said.
"Good.", tipid na sabi ni Mom. Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko and messaged my one and only.
"See you tomorrow, my Queen."
.
.
.
[ Saturday - D-Day ]
Vincent's.
This is the day...
Maaga akong nagising at naligo. Maaga akong nag-ayos kahit na 5pm pa ang Grand Party sa JaeLee Hotel. Early bird naman kasi lagi ang mga Gamboa sa mga ganitong event. You know, my parents want to be on top.
"What the hell are you doing, Vincent? Ang bagal mong kumilos. Malayo pa ang byahe natin!", sigaw ni Mom sa labas ng pinto ko.
"Coming!", pasigaw na sagot ko.
I wore a black tuxedo with navy blue neck tie. I also wore black pants and black shoes. My theme tonight is Black. Black is beautiful.
.
.
.
"Good afternoon, Doc and Dra. Gamboa.", bati ng mga rich guests sa amin. I mean, sa kanila Mom and Dad.
"You look so elegant, Doctora.", sabi pa nung isang mayamang negosyante kay Mom. "You look handsome too.", nakangiting sabi ni Mom. Plastik mode activated ba?
Napabuntong hininga nalang ako at naghintay sa upuan na nakareserve sa amin. Ang tagal naman magsimula ng event na ito.
"What are you doing here? Interact with the guests.", mariin na sabi ni Mom. "Mom, kayo lang ang kilala nila. They didn't greet me. Parang invisible lang ako dito. Sana hindi nalang ako sumama.", naiinis na sabi ko.
"Basta wala kang gagawing ikakahiya ng pangalan natin.", huling sabi niya bago umalis at nakihalubilo sa mga mayayamang pamilya.
Lagi naman ganito eh. Hindi talaga nila ako pinapansin every event. Para akong invisible na sila Mom and Dad lang nakakapansin sa akin. Nakakalimutan talaga nila ang anak nila kung mga bigating mga tao ang nakakasalumunga nila.
Am I even their real son?
.
.
.
"Good evening dear guests, ladies and gentlemen.", Masayang panimula ng EmCee. Naghiyawan lahat ng mga tao dito sa event. I can't stand loud noises, I am an introvert.
"I'm glad to see you all tonight with your beautiful and colorful gowns, dresses and suits. Tonight, we can enjoy and gossip about our businesses, lifestyle and more. As long as you are enjoying this night.", dagdag pa ng EmCee.
Katabi ko si Mom ngayon and si Eunice. Parang kanina pa siya ngiting ngiti na halos mapunit na yung bunganga niya.
"But before we start the party, let me introduce you the leading CEO of the Philippines this year. Let us welcome...", the EmCee paused and looked at our direction.
"I didn't expect na magspespeech ako ngayon. Hindi pa naman ako masyadong nakapag-ayos.", kinakabahang sabi ni Mom. "Expect the unexpected, Mom.", I smirked.
Tatayo na sana si Mom pero natigilan siya nang tawagin na ng EmCee ang leading CEO this year. "Mr. Robert Ramirez, the owner of Reer Bar.", masayang anunsyo ng Emcee at nagpalakpakan lahat ng tao. Kita ko ang inis, gulat at pagkagalit sa mukha nila Mom and Dad. Ayaw talaga nilang nalalamangan sila.
"I didn't expect this.", gulat na bulong sa akin ni Eunice. "Just listen to his speech. I know na deserve niya rin yan.", malamig na sabi ko kay Eunice.
"Good evening to all of you. I am so grateful to take an opportunity to speech in front of the famous and rich families in the Philippines. I am Robert Ramirez, the CEO of the Reer Bar.", panimula ni Tito.
Nakinig lang kami at ang mga guests sa mahabang speech ni Tito. I can't wait to see her...
"I only started last year. Pero lumago ito nang lumago hanggang sa makatungtong na ako sa tutok. Pero hindi ko tinalikuran ang mga mahal ko sa buhay. I still came back where I belong.", sabi pa ni Tito sa kanyang speech na nakapagpalambot ng mga puso sa mga guests.
"I want to be your role model. Gusto ko lang sabihin sa inyo na giving up is not the solution to achieve your dreams. Determination is your one and only weapon. Hope and faith is your best friend. Giving up is your enemy. So choose to follow your best friend and use it as your weapon.", he don't know this but he inspired a lot of people because of what he just said right now. His words touched our hearts.
.
.
.
"And tonight, let me introduce you my one and only daughter.", nakangiting saad niya at nakita kong nag-usap usap lahat ang mga tao na parang nagchichismisan dahil sa sinabi ni Tito.
"May anak pala siya.", gulat na sabi ni Mom. "I think she's beautiful.", I said. "Please welcome my dearest daughter...", Tito paused and faced the long stairs beside our table.
"Elizabeth Ramirez.", He added.
I heard the gasp of my parents and also Eunice's. I just smirked secretly as Tito Robert announced his daughter. I saw my girl going down carefully while holding the golden railings of the stairs. Her face is so beautiful and glowing. Natulala lang ako sa kanya habang bumababa siya papuntang stage.
My love is so beautiful. She looks perfect, tonight...
.
.
.
○○○
To be continued.
[ Vincent's Suit ]
YOU ARE READING
Listen, Gamboa! || 18+
Romance[ COMPLETED ] Vincent Gamboa, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang doctor na may-ari ng Gamboa Doctors (Ospital), ay isang med student na tamad mag-aral dahil hindi niya gusto ang kanyang kurso. Napilitan lamang siya dahil sa kanyang mga doktor na mg...