#10: GAMBOA

269 3 0
                                    

Vincent's.

"Eli, we're here na.", yugyog ko sa kanya nang makarating na kami sa bahay niya. Ang ganda ng disenyo niya bahay niya. Masyadong moderno at sakto lang ang laki niya. Dito ako titira kung ikakasal na kami ni Eli.

Nang magising na si Eli ay tinulungan ko siyang lumabas at tumayo kasi hindi nanaman siya makalakad. "Sinagad mo nanaman ako.", irap niya habang inaalalayan ko siya. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Hindi ko naman kasalanang magpapatugtog ka pala ng BMW sa kotse ko.", I smirked kaya inirapan niya ako at hinampas sa balikat ko dahilan para tumawa ako nang mahina.

Malambing kong piningot ang ilong niya dahil sa gigil. "Na-knock down ko ang isang black belter.", pang-aasar ko pa at marahan niya akong hinampas sa dibdib ko. Nagpanggap naman akong nasaktan sa ginawa niya.

"Ma?", sigaw ni Eli nang makapasok na kami ng bahay niya. May masayang babae ang sumalubong sa amin. It must be her mom.

"A-Anak, b-bakit may tao kang k-kasama?", natatakot niyang tinanong si Eli kaya ika-ikang lumapit si Eli sa kanya at ikinakalma ang mama niya. I guess may cognitive disorder siya base sa kanyang kinikilos.

"Ma, kaibigan ko po siya. Kalma lang po kayo.", paliwanag niya sa mama niya. Medyo kumirot ang aking dibdib nang marinig ang sinabi niya. Kaibigan, kaibigan lang tingin niya sa akin...

"Kaibigan? May Chelsea ka na anak.", sabi ng mama ni Eli. Narinig ko ang malambing na tawa ni Eli. "Mama, hindi lang po nag-iisa ang kaibigan.", paliwanag ni Eli. Pumalakpak ang mama niya at may tuwa sa kanyang mukha. "Kung ganun, pwede rin ako gumawa ng maraming kaibigan?", natutuwang tanong niya.

"Opo.", nakangiting sabi ni Eli. Nakangiting tumayo ang mama niya papunta sa akin at hinila ako paupo sa sofa nila. Ngayon ay magkatabi na kami. "Masaya akong may bagong kaibigan nanaman ang Elizabeth ko.", natutuwang saad niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa akin.

"Dyan muna kayo ah. Maghahanda lang ako ng makakain.", paalam ni Eli. Ilang minuto pa ay bumalik na si Eli at may dalang mga biscuit at inumin.

"Anak, bakit ka ika-ika kang maglakad? May masakit ba sa iyo?", nag-alalang tanong niya kay Eli. Nagkatinginan naman kami ni Eli na ngayon ay pulang pula na ang mga pisngi. Nagpipigil nalang ako ng tawa at kilig.

"Hmm... nadulas lang po ako, ma.", alam kong palusot niya. Syempre, alam ko naman ang ginawa namin sa loob ng BMW ko. "Dapat nag-iingat ka, anak.", kitang kita ko ang pag-aalala ni Tita sa kanyang anak.

"Anak, wala namang lamok sa bahay natin.", pagsasalita ulit ni Tita. "Ano po meron, ma?", takang tanong ni Eli.

"Bakit may mga pulang pula ang leeg mo?", tanong ni Tita. Nasamid pa ako sa ininom kong orange juice. Nakita ko namang kabadong lumunok si Eli. "Huh? Ahh... nakalmot ko po kasi kaya ganito.", she nervously laughed. Ang cute mo talaga, Eli.

Nabalot ng katahimikan ang living room ni Eli. Tanging ang telebisyon lang na pinapanuod ni Tita ang naririnig naming ingay. "Hijo, Hijo!", pagbasag ni Tita sa katahimikan. "Po?", tanong ko.

"Ano pala ang pangalan mo?", natutuwang tanong niya. "Vincent po. Vince nalang po ang itawag niyo sa akin.", nakangiting sagot ko. "Eh... Vincent ang itatawag ko dahil iyun ang pangalan mo!", angal niya kaya natawa nalang kami ni Eli.

"Kayo po, Tita? Ano po ang pangalan niyo?", tanong ko. "Eliza ako. Eliza!", pumapalakpak pa soya ng sagutin ang tanong ko. Natutuwa ako sa kilos ni Tita Eliza.

"At ang tatay ko naman ay Robert. Bebet ang palayaw niya kaya ako nabuo ang pangalan ko, Elizabeth.", sabat ni Eli. Kaya pala Elizabeth ang ngalan niya.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now