#20: SULKING ELI

203 3 0
                                    

Vincent's.

"Cent, gising na. May lakad daw kayo ni Doctora ngayon.", yugyog sa akin ni Manang Vecky. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nagstretch. Kinusot ko naman ang mata ko bago magsalita. "Manang, please tell them to wait po. Kagigising ko palang eh.", inaatok na sabi ko.

"Sige, basta mag-ayos ka na agad, anak.", huling sabi ni Manang bago lumabas. Nakakailang hikab na ako ngayong umaga. Kulang na kulang pa ang tulog ko dahil ilang oras akong nagmuni muni kagabi.

Kinuha ko agad ang cellphone ko nang makarinig ako ng notification... baka kasi si Eli ito. Binasa ko ang message na nakuha ko ngayon at nawala ang mga ngiti sa labi ko.

"Good morning, my future husband! 🥰😘"

What a bad morning today. Siya pa unang naggood morning, akala mo naman magiging good pa ang morning mo kung babati siya. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nireplyan ang message niya. Nakarinig ako ulit ng message kaya agad ko itong tiningnan.

"Are you ignoring me? 🥺"

"By the way, eat your breakfast already. Don't skip meals!!! ☺😚"

What the fuck is wrong with her. I told her not to use that fucking emoji!

"K.", I coldly replied. I muted my contacts to her para hindi na ako makareceive ng mga kaartehan niya.

Nagulat ako nang makarinig ulit ako ng notification. "What the fuck? I muted the messages?!", I murmured.

"Don't fucking bother my morning, Eunice. Please. Fucking stop.", I replied.

Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang makita ko ang reply.

"Eunice? Vince, baka nakakalimutan mong Elizabeth pangalan ko? Wake up sucker!"

Nagpanic ako dahil sa nabasa ko. Hindi pala si  Eunice yung nagmessage. Ang bebeloves ko pala. Hay, Vince. Fucking stupid!

"Sorry, Love. Kanina pa kasi siya message nang message sa akin. Sorry na bebe koo. 🥺", I replied immediately.

"Whatever! 🙄"

Yun ang last message niya sa akin and the rest of my messages were seened only. Fuck, Vince. Kabobohan mo yan!

Napabuntong hininga nalang ako dahil ang sama ng umaga ko ngayon, nagtatampo pa ang baby ko. Hays!

.

.

.

"Vince, you're so slow! Bilisan mo nga mag-ayos at marami pa tayong pupuntahan.", inip na sabi ni Mom. Nawalan na ako ng gana dahil nga nagtatampo si Eli. Hindi parin siya nagrereply sa akin.

Aalis na sana ako pero may nagnotif bigla sa cellphone ko. Fuck, this is fucking hell! I saw Eli's myday on Facey Gram.

"Mom! Hindi nalang po ako sasama sa inyo. Marami pa po akong mga tuxedong hindi pa gamit dito! Ito nalang gagamitin ko!", sigaw ko. "Are you sure?", tanong ni Mom. "Yes!", sagot ko at nagmamadaling mag-ayos para magpunta kay Eli. "Fine! Aalis na kami.", sabi ni Mom bago umalis.

Nang makaalis na sila Mom ay nagpunta ako agad kay Manang Vecky. "Manang, please tell them na nagpunta ako sa kaibigan ko kasi birthday niya, so I need to celebrate with him. Aalis po kasi ako ngayon!", bilin ko kay Manang. "Sige, anak. Enjoy kayo ah.", nakangiting sabi niya.

Nagpaalam na ako at nagpunta sa apartment ni Eli.

You'll regret this, Eli. For fucking ignoring me for 2 hours!
.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now