Kabanata 14
Promise
Naghanda ako ng hapunan kahit na alam ko namang hindi kakain si Kheeno rito. Pumunta naman ang tagaluto kanina, pero sinabihan ko na ako na ang maghahanda kaya umuwi na rin ito. Kaya ngayon ay busy ako sa kusina dahil maya-maya lang ay bababa na si Kheeno.
Saktong alas sais y medya ay bumaba si Kheeno at naka-casual lang ito ng suot. He looks fresh too, kaya alam ko na agad na aalis ito.
I walked towards the living room, wearing a smile on my face. I held my hands behind me and smiled at him when he was on the last step of the stairs.
"I prepared our dinner," nakangiti kong saad at pinakita sa kanya ang maayos na pagkakahanda ng mesa. Binalingan din iyon ni Kheeno, pero nanatiling blangko ang hitsura nito.
"We’re going to eat outside." Sumikdo ang dibdib ko sa saya dahil sa sinabi ni Kheeno kaya lumawak pa lalo ang ngiti ko.We’re going to eat outside. This will be the first time that we’re going to eat outside together.
"S-Sige! Magbibihis lang ako!" masaya kong saad at nagmadaling umakyat sa hagdan upang makapagbihis. Ayaw kong paghintayin si Kheeno ng matagal dahil baka magbago ang isip niya at magsisi na inaya niya akong kumain sa lab—
"Hindi tayo," narinig kong saad ni Kheeno. "Kami ni Dalia ang kakain sa labas," dagdag niya kaya natigil ako sa gitna ng hagdan at hindi na nakahakbang.
Hindi ako lumingon o mas mabuting sabihin na hindi ko na nagawang lumingon pa nang marinig ang sinabi niya. Lahat ng excitement at sayang naramdaman ko kani-kanina lang ay naglaho na parang bula.
I held my breath. I’m trying to stop my tears from falling, pero hindi ko kayang pigilan iyon nang dahan-dahang lumandas ang butil ng luha sa pisngi ko.
Nanginig ang mga labi ko dahil sa pagpipigil kong humikbi. My chest rose and fell with rapid breaths before I uttered some words.
"O-Okay," mahinang usal ko, pigil na pigil ang hikbi. "M-Mag-ingat ka," dagdag ko at tuluyang umakyat at pumasok sa guest room kung saan ako namamalagi. Saka lang ako humikbi nang tuluyang lumapat ang likod ko sa pintuan nang maisara ko iyon.
Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Kheeno kaya mas lalo akong humagulhol nang iyak. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang umasa. Umasa ako na sa wakas ay pagbibigyan niya na ako. Umasa ako na sa wakas ay ipapakita na niya na may halaga naman ako. Kaya ang sakit-sakit para sa akin na maling hinala pala ako. Hindi pala ako ang tinutukoy niya sa ‘we’re’ na sinabi niya. Si Dalia pala at siya ang tinutukoy niya.
I feel so damn stupid for assuming something.
I raked my fingers through my hair and slowly walked towards my bed. Naupo ako roon, umiiyak pa rin. Dahan-dahan akong humiga sa kama at hinayaan ang sariling lunurin sa pag-iyak hanggang sa nakatulugan ko iyon.Nang magising ako kinabukasan ay masakit ang ulo ko at kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Hindi na ako nakapaghapunan kagabi dahil nakatulogan ko ang pag-iyak. Hindi ko na nga rin alam kung anong oras akong nakatulog. Nagising na lang ako na may kumot at maayos na nakahiga sa kama.
Bumaba ako para maghanda ng pagkain. Hindi ako sigurado kung nandito pa ba si Kheeno o umalis na habang tulog pa ako. Pero nang makita ko ang sasakyan niya na naka-park pa sa parking lot ay agad kong napagtantong nasa kwarto pa siguro ito.
I got myself a glass of water, bago ako naglakad palapit sa island counter at nakitang may mga nilutong pagkain na roon. Malinis na rin ang mesa kung saan iniwan ko lang kagabi na nakalatag ang mga pagkain at hindi ko na iyon pinagkaabalahang ligpitin. I was too preoccupied with my pain last night to think about it.
I sighed and sat down at the island counter with the food in front of me. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain upang maiwasang isipin ang mga nangyari kahapon.
"Good morning!" Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Dalia sa loob ng bahay.
I slowly turn around to see if I was just hallucinating or what. Pero nang makita ko ang nakangising mukha nito habang pababa ng hagdan, doon lang tuluyang nag-sink sa akin na nandito siya sa bahay. Dito siya natulog, at base sa kanyang suot ngayon, she slept with Kheeno. She slept with my... husband.
Parang nalaglag ang puso ko sa nakitang ayos ni Dalia. She’s only wearing Kheeno’s white button-down shirt and underwear for her down. Magulo rin ang buhok nito at halatang kagigising lang, na mas lalong nagpadagdag sa gandang taglay nito.
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...