Kabanata 23

35 4 7
                                    

Kabanata 23
Waited

Nayayamot kong tiningnan si Kheeno na seryoso habang may online meeting ito at nakaharap sa laptop. Alas sais na ng gabi at kanina pa kami nandito sa opisina niya, dahil nga sabi ni Daddy ay may pag-uusapan daw kami. Kaso, may mga inatupag naman ito nang dumating kami rito. May mga papeles na penermahan at ngayon ay may online meeting. Hindi ko naman magawang sumingit dahil nakakahiya. Syempre, alam niyang wala pa naman akong ginagawa. I wasn’t officially working on the plantation yet, kaya wala naman akong dahilan para magmadali.

Panay ang tingin ko sa oras dahil ang usapan namin ay alas sais trenta ay magkikita kami nina Rhom at Joysie sa bar para makapag-catch up kami. Pero alas sais na ay nandito pa ako. At ang mas nakakayamot pa ay hindi ko pa dala ang sasakyan ko dahil nagpahatid lang ako kanina sa driver.

I glanced at my wristwatch a hundred times.

Tang ina naman, oh. Ang oras tumatakbo, pero ako, nandito lang sa upuan at naghihintay sa grumpy old man na ito na matapos sa ginagawa niya. Kanina pa siya. Sana sinabi niya na may mga gagawin pa pala siya, para mas inuna ko nang makipag-usap kina Joysie at Rhom kanina! Hindi iyong malapit na akong tubuan ng ugat kauupo rito sa sofa.

I glanced again at my wristwatch and saw the time hit 6:30 p.m.

Ngumuso ako at napabuntonghininga. Anak ng kagang! Ano na, Kheeno? Magkaka-ugat na ako rito, oh.

Hindi pa rin tapos si Kheeno sa meeting, kaya naman tumayo ako at nagmasid-masid sa loob ng opisina niya. Agaran naman ang pag-angat nito ng tingin sa akin, kaya umirap na lang ako at pinagpatuloy ko ang ginagawa. 

Lumapit ako sa console table at hinahawakan ang kung anoman ang mga nandoon. Kahit na nga mga vase ay nahawakan ko na.

Lumapit naman ako sa bookshelves niya at pinagmamasdan ang mga librong nakasalansan doon.

I am not interested in books, kaya tiningnan ko lang iyon at nilipat na agad ang atensiyon sa ibang bagay.

I sighed when I heard Kheeno clear his throat.

Lumingon ako sa gawi niya, and I saw him adjust his necktie.

Umirap ako at ibinalik ang atensiyon sa bookshelves. May nakita ako sa gilid na nakasalansan na maliit na picture frame. Out of curiosity, I tried to get it, pero narinig kong tumikhim ulit si Kheeno, kaya bumaling ulit ako sa kanya.

“Arden, are you hungry?” tanong niya. Gusto ko siyang barahin, pero hindi ko na lang ginawa.

“Yeah,” maikling sagot ko, kahit na hindi naman ako nagugutom. I just wanted to go already, ‘no.

“Okay, we’ll leave as soon as I finish this, okay? I will adjourn the meeting now,” he said calmly, and then his attention went back to his laptop again.

Nagkibit ako ng balikat at naglakad na pabalik sa sofa.

Pinulot ko ang cellphone ko at binasa ang mga mensahe ni Rhom at Joysie sa akin. Nagtatanong kung nasaan na ako.

Joysie:
Hala siya. Ano na, Ante? Hindi pa kayo tapos mag-usap?

Grabeng usap ‘yan, pang 3 years. 🙄

Anong oras na, oh. Quarter to 7 na, ‘Te.

‘Te, inuugatan na ang pwet ko rito kauupo. Tapos ang pangit pa ni Rhomisor. Ano bang klaseng parusa ‘to?😭

Sabihan mo nga ‘yang si Papa Kheeno na paalisin ka na. Sino-solo ka na naman. 

Napanguso ako dahil sa sunod-sunod na mensahe ni Joysie.

INTERNAL CRIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon