Kabanata 03

50 3 1
                                    

Kabanata 03
Service

Umiiyak ako habang papasok sa bahay. It’s a good thing that my father isn’t here now because he has a meeting with an investor in the company. Kung hindi ay magkanda-ugaga ako sa pagpapaliwanag kung bakit ako umiiyak ngayon.

Naiinis ako kay Kheeno dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Pero alam ko rin sa sarili ko na isa sa mga rason kung bakit ganoʼn niya akong tratohin ay dahil sa hiniling ko kay Daddy.

Kahit naman siguro ako ay magagalit kung pipilitin akong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Napipilitan lang siya, kaya ganoon siya sa akin. He doesn't like me, and he doesn't like the idea of marrying me. That alone, is a valid reason for him to hate me that much.

Napabuntonghininga ako dahil sa naisip.

Ginawa ko na lang na abala ang sarili ko sa pag-aayos ng mga kakailanganin namin sa kasal next week. I’m excited. Kahit hindi iyon bongga ay masaya na ako. Kahit na sa huwis lang iyon. As long as si Kheeno ang pakakasalan ko ay okay lang sa akin kahit saan kami ikasal. Kahit na nga ba... hindi niya ako mahal, at napipilitan lang siya.

Maybe, through being together, along the way, matutunan niya rin akong mahalin. Kahit na ba isa iyong... napaka-imposible. I just don’t want to lose hope. Maybe there's a chance. And if ever I saw a thin line of chance—of him reciprocating my love for him—I’ll grab it and held it tightly.

"Dili ka mulaag ron, Ken?" Nagkibit ako ng balikat dahil sa tanong ni Joysie sa akin kung ayaw ko ba raw mamasyal ngayon.

"Dili, Joy, busy man gud ko ron. Sunod na lang ha,” saad ko. Sinabi ko na hindi ako makakasama sa kanyang mamasyal kasi busy ako, kaya kung maaari ay sa susunod na lang.

"Ano naman ang pinagkaka-abalahan mo? E, ‘di ba nasa bahay ka lang naman?"

“I’m busy for something,” saad ko.

Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin ng kaibigan ko before I heard her sighed on the other line, bago ito nagpaalam sa akin.

"O sige, alam ko na kung ano ‘yang pinagkaka-abalahan mo. Basta tawagan mo ako kung may problema." I nodded at Joysie, kahit na hindi naman ako nito nakikita.

I made myself busy again pagkatapos ng tawag ni Joysie. It took me an hour to think properly para sa mga gagawin ko dahil pumapasok talaga sa isip ko ang nangyari kanina. Masakit. I just love him too much to think about anyone else anymore. I know it’s a selfish act, pero mahal ko e. Mahal na mahal ko.

I’m still busy the next day, hanggang sa dumating na ang araw ng kasal namin ni Kheeno. Ako lang ang nag-aasikaso kasi alam kong busy naman si Kheeno sa hacienda. And I know he would never like the idea of helping me prepare the wedding that he hated.

Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, pero lamang doon ang saya. I’ve been dreaming of this since I was a kid. And here I am now, standing beside him, signing our marriage contract.

We have our pictorial after that, pero ni isa sa mga picture na ‘yon ay walang kuha na ngumiti si Kheeno. I feel a bit sad and hurt, kasi halata na hindi siya masaya.
Nakokonsensiya ako. Pero kasi mahal ko siya.

Kaunti lang ang bisita namin, and most of them ay mga relatives lang namin. Sa side naman ni Kheeno ay si Tito Jacob lang at ang nakababatang kapatid nitong si Rhomisor ang dumalo.

"Congratulations, Hija," salubong ni Tito Jacob sa akin at niyakap ako. I hugged him back at bumeso.

"Thank you so much, Tito," masayang saad ko. Tito Jacob laughs heartily.

"Ano ka ba naman, Hija, bakit tito pa rin ang tawag mo sa akin? Papa na, Hija." I nodded at Tito este Papa Jacob, dahil sa sinabi nito.

"Alagaan mo si Kheeno, Hija. Sana intindihin mo siya, kahit mahirap siyang intindihin..." I nodded at Papa Jacob while he stared at me with his teary eyes. "Mahal na mahal ko ang mga ‘yan. And I'm overjoyed. I am so happy na ikaw ang pinakasalan niya."

INTERNAL CRIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon