Simula
ScareI saw a man standing in the airport's lobby, holding a placard with my name written on it, kaya nakangiti akong lumapit dito habang hila-hila ko ang luggage sa magkabilang kamay.
Alam kong hindi pa ako nito nakita dahil panay ang lingon nito sa paligid at tingin sa relong suot nito. Kaya naman ako na mismo ang lumapit para makita ako nito.
"You must be my dad's..." Ibinitin ko ang tanong at mas lalong nilawakan pa ang ngiti. "I'm sorry po, Kuya, kung kailangan ko pang magpasundo, ah. It’s a bit of a hassle for me kasi kapag nag-taxi ako. By the way, are you our driver?" dagdag ko at hindi pa rin napapawi ang ngiting iginawad ko rito. Pero hindi ito sumagot kaya napatitig ako sa kanya dahil sa gulat nitong reaksyon pero hindi naman nagsasalita.
"Uh... aren't you our driver? Or aren't you my sundo?" gulat kong tanong nang ma-realize kong baka mali ako ng nilapitan!
My eyes flew again at the placard he's holding and saw that it was really my name written on it. Hindi pa rin ito nagsasalita kaya nakaramdam ako ng hiya.
"Uh... I'm sorry. I thought you were the one to fetch me. I have a name on the placard you're holding, eh," nahihiya kong saad. Hindi pa rin ito sumagot.
Am I wrong? May iba bang Arden McKenna rito na susunduin din ngayon? Dalawa bang Arden McKenna ang meron dito sa airport ngayon?
Oh, shit! Nakakahiya!
"Uh... excuse me po, I'm sorry—" kagat-labi kong ulit dahil sa hindi nito pagsasalita. May pagtataka lang itong nakatitig sa akin, na para bang isa akong imposibling bagay na nasa harapan niya.
I flushed in so much embarrassment. Nagkamali pa yata ako nang nilapitan!
I look around to search for anyone that is possible for one of my father's men, but there's no one.
Maybe daddy forgot that I'll go home today, huh.
I blew a loud breath bago humarap ulit sa kaharap ko. Naasiwa tuloy ako sa paraan nang pagtitig nito, kaya yumuko ako bahagya at muling nag-angat ng tingin para magpaalam.
"Uh... I'm sorry. I got it all wrong. I just thought you were my sundo. I’m sorry again for the delay. I'll go ahead,” hingi ko ulit ng paumanhin.
I turned my back and walked past the man. Magta-taxi na lang ako. Maybe my father is really busy, kaya nakalimutan niyang ipasundo ako. Nakakatampo naman! It's been three years since hindi ako naka-uwi tapos hindi pa ako nasundo.
Akma na akong papara ng taxi nang may humawak sa luggage ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yon. Ang akala ko snatcher! Seryoso ang mukha nitong hinila ang luggage ko at hinawakan din ako nito sa kamay at naglakad palapit sa isang itim na Raptor.
He put my luggage on the backseat at binuksan nito ang passengers seat para sa akin. I looked at him curiously, pero nanatiling seryoso ang mukha nito at nakatiim-bagang pa. I don't know what to feel now. I'm... afraid?
"Uhm..."
I bit my tongue to stop myself from talking at yumuko na lang nang naupo ito ng maayos sa driver's seat. I flinch when he comes near me at hindi halos makahinga dahil sa lapit nito.
"Your seatbelt," tanging sambit nito. Realization dawn on me.
For the first time I heard his voice. It was cold and raspy. He sounded like he was having a hard time.
Nakahinga lang ako ng maayos nang lumayo na ito at pinaandar na ang sasakyan.
I remained silent, takot akong magsalita baka magalit ito. He doesn't look friendly at all. At parang hindi naman yata ito driver namin, baka ito lang ang nautusan ni Daddy na sumundo sa akin. Baka isa ito sa mga nagtatrabaho sa plantation namin?
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES
RomansPlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...