Kabanata 22
VisitorKatulad nang napag-usapan namin ni Andrew ay maaga kaming pumunta sa kuwadra para ipagpatuloy ko ang paglilibot sa hacienda kasama ito. Nang makarating ako sa kuwadra ay nandoon na silang tatlo; Andrew, Antonio, and Anton, na kagaya kahapon ay nag-aasaran ang mga ito nang maabutan ko.
“So, kapag naging kayo na no’ng nililigawan mo, ano ang tawagan niyo?” Narinig kong kyuryosong tanong ni Antonio sa kakambal nito. Nagpapakain ang mga ito ng mga kabayo, samantalang si Andrew ay hinahanda na si Thunder at Voltaire.
“Meow ang tawagan nila.” Si Andrew ang sumagot at natatawa pa ito.
Katulad ng kambal, nakakunot din ang noo ko dahil sa sinabi ni Andrew.
“Meow? Tang ina mo, Andrew, ginawa mo naman kaming kuting!” inis na singhal ni Anton sa kaibigan.
Bahagya akong natawa dahil sa naiinis na hitsura ni Anton.
“Gago! Meow para cute. Magtatagal kayo kasi may siyam na buhay ang pusa!” Tumawa ng malakas si Antonio dahil sa sinabi ni Andrew. Pati tuloy ako ay mas lalong natawa.
“Putang ina mo talaga, Andrew. Dami mong alam sa buhay,” tawang-tawa na saad ni Antonio, samantalang ang kakambal nito ay nayayamot na nakatingin sa kaibigan at sa kakambal.
“Sinusumpa talaga kita, Andrew.”
Mas lalong lumakas ang tawanan ni Andrew at Antonio dahil sa sinabi ni Anton. Ang saya nilang tingnan. Napaka-simple lang ng buhay nila at puno ng kasiyahan. I can see the solid friendship they had for a long years. The way Andrew just laughed heartily when he was cursed by Anton, it's just show how far they're friendship have come. Pure and genuine.
Naglakad ako palapit sa kanila, hawak ang isang tasa ng kape na galing pa sa bahay.
“Good morning!” I chirped, which made them stop from laughing and turn their gaze towards my direction.
“Magandang umaga, Señorita.” Unang bumati si Andrew sa akin, na kaagad kong nginitian.
“Mas maganda ka pa sa umaga, Señorita...” Binalingan ko si Antonio dahil sa mahinang sinabi nito at nakitang nakatulala itong nakatingin sa akin. Agad naman itong sinapok ng kakambal kaya napakurap ito at nagkamot sa batok.
“Ay—ang ibig kong sabihin, magandang umaga rin sa iyo, Señorita!” agad na bawi nito kaya natawa ako.
“Nag-umagahan na ba kayo?”
“Tapos na ho, Señorita,” sabay-sabay nilang sagot kaya tumango ako.
Nilingon ko si Andrew na nakahawak kay Thunder, kaya lumapit ako sa kanya.
“Kumain na ba si Thunder?” tanong ko.
“Tapos na, Señorita, nauna ko silang pinakain ni Voltaire kanina nang dumating kami rito para maihanda kaagad namin.” Tumango ako.
“Kanina pa ba kayo rito? Natagalan kasi ako ng gising dahil nanibago ako sa routine ko kahapon,” saad ko. Half of it was true, but the other half was a lie. I slept late last night for thinking about that grumpy old man. Tss!
“Kani-kanina lang kami dumating ni Andrew, Señorita. Itong si Anton ang napakaaga rito, kasi hindi naman ‘to nakatulog kaiisip doon sa nililigawan niya e—aray!” reklamo ni Antonio nang sapukin na naman ulit ito ng kakambal.
“Kung ano-ano mga pinagsasabi mo. Manahimik ka kaya kahit sandali?” naiinis na asik ni Anton, kaya natawa ako. Hinihimas-himas naman ni Antonio ang tuktok ng ulo niyang sinapok ng kakambal niya.
“Oh, taga rito rin ba ang nililigawan mo, Anton?” tanong ko, kaya natatawang humarap sa akin si Antonio.
“Anak ho ni Aling Marsing, Señorita, si Adelia,” si Antonio ang sumagot at nginisihan pa ang kakambal nitong nayayamot ang hitsura.
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...