Kabanata 29

27 3 2
                                    

Kabanata 29
Tiptoed

Imbes na dumiretso sa plantasyon, umuwi na lang ulit ako sa bahay at naghalughog sa kwarto ng mga luma kong kagamitan. Halos baliktarin ko na ang drawers at cabinet na nasa kwarto ko dahil sa paghahalughog, pero hindi ko rin naman alam kong ano ang hinahanap ko. Gulong-gulo ako. Ang dami na namang tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot-sagot.

“Fuck!” Galit kong sinipa ang mga gamit na nagkalat sa sahig, bago naupo at humilig sa paanan ng kama.

I don't know what I'm looking for. Or maybe, I know, but I just don't want to acknowledge it. 

I know I'm looking for something... related to Kheeno. Malakas ang pakiramdam ko na may kung ano sa pagitan naming dalawa. Hindi ko lang alama kung ano.

Napahilamos ako at pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang malaglag sa pisngi ko, but I just couldn't.

Para akong bumalik sa araw nang magising ako mula sa operasyon, walang kamuwang-muwang.

Ano ba ang meron sa amin ni Kheeno dati? Why was he holding any information he couldn't give to me? Bakit ayaw niya akong diretsohin?

I feel so broken. Seeing him earlier so confused broke me. Parang pareho kaming walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid. He didn't know that I undergo in an operation three years ago. He didn't know that I was sick. He doesn't know we went to Finland for my surgery.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa sahig at nag-iisip ng mga sagot sa nakakalitong tanong sa isipan ko. I was so preoccupied thinking for any possible answers, to the point that when my phone rang for a call, doon ko lang napansin na madilim na ang paligid.

Kheeno’s number flashes on my screen, kaya kaagad akong nakaramdam ng kaba. He wouldn't call me out of nowhere unless it's important.

“H-Hello?” My voice was shaking.

“Hello, is this Ma’am Arden?” tanong ng hindi ko kilalang boses mula sa kabilang linya. 

“Yes. Who is this?” nagtataka kong tanong.

“Ah, Ma’am, this is one of the bartenders in La Isla Mujeres bar. I just want to inform you that your boyfriend is drunk and starts to throw bottles of liquors na po. Maaari niyo po ba siyang masundo rito? Baka po kasi maka-damage pa po siya o baka mapahamak.”

My forehead creased. My boyfriend? I don't have a boyfriend.

“Excuse me? Can you tell me what's the name of the man you're talking about?” naguguluhan kong tanong. Baka kasi nanakaw lang ang cellphone ni Kheeno at naglasing ang kumuha no’n. 

“Ma’am, it's Mr. Urzua po—Kheeno Jakobe Urzua po. Kanina pa po siyang alas dos umiinom dito, kaya ngayon ay lasing na lasing na po siya at—”

Hindi ko na pinatapos pa nang pagsasalita ang bartender at agad akong nagmadaling kinuha ang susi ng sasakyan ko, wallet, at cellphone, bago nagmadaling lumabas ng mansion.

Wala pa ang sasakyan ni Daddy sa garahe, kaya alam kong hindi pa ito nakakauwi.

“I’ll be there. Pakibantayan po siya. Salamat.”

Agad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa bar na tinutukoy ng bartender kanina nang pinatay ko ang tawag. Hindi na rin ako nakapagbihis dahil sa kamamadali ko, kaya kung ano ang suot ko kaninang umaga ay ‘yon pa rin ang suot ko hanggang ngayon.

Mabuti na lang at hindi na rush hour kaya walang traffic, at inabot lang ako ng halos kalahating oras nang marating ang bar. Pagpasok ko ay namataan ko kaagad ang lalaking nakayuko sa bar counter at nasa malapit ang isang bartender, nagbabantay.

INTERNAL CRIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon