Kabanata 12
Despised
Binalya ko ang jacket na suot ko sa sofa sa loob ng opisina ko at sinunod ang sumbrerong suot ko kanina. Agad din akong kumuha ng tubig sa refrigerator at diretsong ininom iyon.
My heart’s still beating so fast dahil sa inis na nararamdaman kay Kheeno.Why is he acting like that? Iniiwasan ko na nga siya para hindi na kami magkasumbatan, pero heto at sinasadya naman akong sumbatan.
I tried my best to stop myself from saying anything, kasi alam kong kasalanan ko naman kung bakit nagkakaganito at ginaganito niya ako. But I just can’t hold it. Nasasaktan din naman kasi ako.
Pabalya ang pagbukas sa pintuan ng opisina ko kaya bahagya akong napaigtad. Pumasok si Kheeno na galit. Nagtaas-baba ang dibdib nito dahil sa malalalim na paghinga.
“Do you think you can go just like that, Arden McKenna? After what you did to me, tatalikuran mo ako nang ganoon-ganoon lang?” nang-iinsultong tanong nito.
Tumalikod ako at sinubukang huwag na itong patulan, but he grabbed me again and made me face him.
“Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang malayang gawin lahat ng gusto mo matapos mong sirain ang buhay ko? Sa tingin mo ba hahayaan kitang maging masaya matapos ng ginawa mo sa akin?” puno ng diin na tanong ni Kheeno sa akin, kaya saglit akong pumikit at hinayaan ang pait na nararamdaman na sakupin ang buong sistema ko.I never imagined that wanting the man I love more than anything would hurt so much. He brings me so much joy, but I never thought that he could also be the cause of my pain. It feels like this beautiful dream I have is slowly turning into a nightmare.
No matter how much I long for him to be mine, reality keeps hitting me hard. It’s like I’m trapped between my hopes and the truth, and it’s becoming too painful to ignore. The happiness he brings me is overshadowed by the hurt of knowing we may never be together.
I have to face the truth, even if it means waking up from this perfect dream. The reality that he might not be mine is sinking in, and it’s breaking my heart. Every moment I wish for him only seems to make the pain more unbearable.
“Alam ko namang hindi mo ako mapapatawad dahil sa ginawa ko, Kheeno. Alam ko rin na hinding-hindi mo ako mamahalin, the way you loved Dalia. I’m just trying my luck. I just want to feel how it feels to be hugged and held by you. I just want to know how it feels to live with you—to live with the man I love. I didn’t wish for more than that. I didn’t want anything in my life… only you. I only want you to fall in love with me.”
Kheeno laughed without humor because of what I’d said, and it roared inside my office.
“That’s stupid, Arden! I will never fall in love with you,” pagdidiin ni Kheeno.
Parang pinipiga ang puso ko dahil sa naririnig. Alam ko na naman iyon, but it hurts me so bad hearing him say that to me. I know he doesn’t and won’t love me, nagbabaka sakali lang naman ako.
“Sa tingin mo ba ay kaya kong mahalin ang isang makasariling tulad mo? I will never fall in love with you—”
“I know, Kheeno!” I shouted, cutting him off. “I know! You don’t need to slap it to me! I know how much you despised me because of what I did!”
I suppressed my tears. It fucking hurts me."You don’t know how much it tears me apart to realize that no matter what I do, you will never love me back. You will never forgive me." I gasped for air. "And the worst part is, even if I tried to stop loving you, my heart just won’t let go. I want so desperately to move on, but I can’t. And then you had the nerve to accuse me of cheating with your brother, when the truth is, I don’t see anyone else but you!"
I shouted and blew a loud breath and turned around. Sobra-sobra ko nang pinapahiya ang sarili ko. Sobra-sobra ko nang kinakawawa ang sarili ko sa harapan ng taong alam kong kahit kailan ay hindi ako magagawang magustuhan."You don’t know how much I despised myself for loving you. I despised myself for taking you away from the woman you truly love. Every day, I loathe myself for making your life so miserable because of this terrible love I have for you." I breathed harshly. "I can't stand how much pain I’ve caused because I can’t stop loving you. I feel like I’ve ruined everything, and it’s all my fault. This love I have is destroying everything, and I’m left feeling worthless and full of regret!” punong-puno ng sakit na saad ko.
“Now, if you’re done insulting me, you can leave already.”
Ilang sandali muna ang lumipas bago padabog na sinara ni Kheeno ang pintuan kaya napaigtad ulit ako sa gulat.
Naupo ako sa sofa at doon hinayaan ang sariling umiyak hanggang sa napagod rin ako at tumahan kalaunan.
I busied myself putting a cold compress on my wrist, kung saan nagmarka ang hinawakan ni Kheeno kanina. While doing it, naglalakbay na naman ang isipan ko. Kung ano-ano ang mga pumapasok sa isip ko, that leads my head to ache. Ang sakit ng ulo ko na para bang mabibiyak na.
Pumikit ako at hinawakan ang ulo ko nang mahigpit. Sobrang sakit. This is the first time I felt like my head was about to crack because of the excruciating pain.
Tumayo ako at sinubukang maglakad palapit sa lamesa ko para kumuha ng gamot na nasa drawer pero naliliyo na ako at umiikot na ang paningin ko.
Something triggers my headache.
Sinubukan ko ulit humakbang pero napapikit lang ulit ako dahil sa sakit ng ulo ko at parang umigting na. Nasusuka na rin ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at pumipitik na ito. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa sofa at kinapa ang bulsa ko para kuhanin ang cellphone.
Kahit ang paghawak ko sa cellphone ay hindi ko na maayos. Nanginginig na ang mga kamay ko at feeling ko, ilang sandali na lang ay mahihimatay na ako.
I tapped the emergency call on my phone pero nagri-ring lang ito. Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa beywang ko at sinalo ako bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay kasi paggising ko nasa loob na ako ng hospital at naka-oxygen.
I saw my father on my left side, sleeping peacefully.
I roamed my eyes around at nakitang walang ibang nandito maliban kay daddy. I don’t even know what time it is, kasi ang tahimik naman.
I moved my hand and reached for my father’s hand kaya agaran ang pagkagising nito.
“Kenna! You’re awake!” gulat na saad nito at agad na nagtawag ng doctor.
“D-Dad…” I called sa napapaos kong boses.
“Hija… huwag ka munang gumalaw, the doctor will be here to check on you.”
I saw how my father’s eyes teared up seeing me wake up. I smile a little. I know I made him worry again.
“I-I’m sorry for m-making you worry again,” I whispered and smiled weakly.
My father shook his head. Pumasok ang doctor at may kasunod itong nurse na agad akong tinanong kung ano ang nararamdaman ko.
I’m feeling okay now. Medyo mahina pa nga lang ang katawan ko dahil siguro sa laging nakahiga lang ako rito.
“I’ll leave now, Mr. Escorial, I still have patients to attend to,” paalam ng doctor na agad kinamayan ni Daddy.
Naupo ulit si Daddy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Malungkot itong ngumiti sa akin.
“How do you feel, Hija? What do you want to eat?” Marahan akong umiling.
“I’m fine, dad. Kailan po ako makakalabas dito?” mahina kong tanong.
“Puwede ka nang makalabas bukas, Hija, basta ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo na papagurin ang sarili mo ha?”
I nodded nonchalantly to my father kaya nginitian ako nito.
I was confined for almost three weeks. Hindi na ako magugulat kung bakit matagal akong nagising. Sabi ng doctor kanina lumalala na ang sakit ko and I need to undergo an operation already. What happened to me is my last straw, na kung hindi naagapan ay puweding ikinamatay ko.
Lumipas ang buong araw na si Joysie lang ang bumisita sa akin. Kinabukasan, nagising ako dahil sa mabangong amoy ng bulaklak at pagkain. Paglingon ko sa mesa ay nakangiting mukha ni Rhomisor ang bumungad sa akin. May hawak itong bulaklak at nakahanda na ang pagkain sa maliit na mesa.
“Good morning, Princess!”He smiled widely kaya napailing na lang ako. Umahon ako sa pagkakahiga at tinanggap ang bulaklak na binigay nito sa akin.
“Salamat, Rhom. Nag-abala ka pa e.”
“Of course, pag-aabalahan ko talaga ang nag-iisang prinsesa ng Hacienda Escorial. At saka oras na para kumain ka at nang makalabas ka na at makagala na tayo. Ang boring-boring dito tapos gusto mo lagi ritong nagpapahinga.” At saka ako nito inikotan ng mga mata.
Rhomisor pulled the small table towards my bed and fixed it properly before I started eating. Habang kumakain ako ay kinukulit ako nito nagke-kwento ng kung ano-ano. Kung hindi ko lang talaga ‘to kilala hindi ko malalaman na abogado ito dahil sa daldal e.
Pagkatapos kong kumain ay tapos na ring ayusin ni Rhom ang gamit ko. Hinihintay na lang ako nitong matapos mag-ayos para makalabas na.
“Tito Kahden has a very important meeting, kaya ako ang pinapunta niya para masamahan ka. Isasama ko nga sana si Joysie sa pagsundo sa ‘yo kaso naalala ko na sobrang ingay nga pala noon kaya hindi na lang.”
Natawa ako dahil sa pagpaikot ni Rhomisor sa mga mata nito matapos kong sawayin dahil sa sinabi tungkol kay Joysie.
“And Kuya Kheeno is in the meeting too kaya hindi siya nakapunta.”
Nagkibit-balikat ako. As if he wants to come here, huh. He despised me so much, and I know how much he wanted to get rid of me and get married with Dalia. Kaya hindi ako magtataka na hindi man lang siguro iyon bumisita sa akin. O kung bumisita man ay dahil lang din kay Daddy. He will never do anything of his own volition when it comes to me.
—
GorgeousYooo 🍍
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...