Kabanata 24
BringKapa-park pa lang ng sasakyan ni Kheeno sa labas ng bar ay padabog ko nang inalis ang seatbelt at binuksan ang pinto ng kanyang raptor. I heard him sighed before I closed the door and saw in my peripheral vision that he got out of his car too.
Naglakad ako papasok at bahagyang sinulyapan ang relo at nakitang alas siete y medya na. I was one hour late. Hindi pa naman ako sanay na ma-late sa mga lakad. Hindi uso sa Finland ang ma-late, kaya sobra-sobra ang inis ko kay Kheeno.
Nang umalis kami kanina sa kompanya ay hindi talaga ako nito idiniretso rito sa bar. Dumaan muna kami sa isang restaurant para makapaghaponan. And I can't do anything because, sadly, I feel hungry too. I just don't want to admit it to him dahil naiinis ako sa kanya.
Namataan ko si Rhomisor at Joysie sa sofa sa second floor, sa may VVIP area. Agad kumaway si Joysie nang namataan ako.
Nakasimangot akong naglakad paakyat sa kanila. Rhom and Joysie both dressed nicely, samantalang naka-high-waisted jeans and cropped top lang ako, dahil hindi na ako nagka-oras para makapagbihis. And we all know who's fault it was.
“You’re too early, Ken!” Joysie chirped sarcastically, kaya umirap ako.
“Sisihin mo ang matandang bugnutin na kapatid nitong si Rhom,” inis kong saad, dahilan para sabay na humagalpak nang tawa ang dalawa.
In the middle of their mirthless laugh, someone cleared a throat behind me, kaya natigil si Joysie sa pagtawa, and she peeked behind me.
She continued laughing silently, while Rhom, on the other hand, cleared his throat too.
Alam ko na agad kung sino ang nasa likuran ko, kahit na hindi ko na ito lingunin. The way his expensive perfume filled my nostrils, I knew him already. Maghapon ko ba namang langhap ang amoy niya, sa tingin ko ba hindi iyon magma-materialize sa utak ko?
I sighed and sat down after I hugged Rhom and Joysie.
“Good evening, Kheeno,” bati ni Joysie na may halong pang-aasar sa tono.
Sinipat ko si Kheeno at nakitang tipid itong tumango kay Joysie at hindi man lang ngumingiti.
“Join us, Kuya,” pagyayaya naman ni Rhomisor sa kapatid, na halos tutulan ko na.
Pinanlakihan ko ng mata si Rhom, pero ngumisi lang ito.
I crossed my arms over my chest at humilig sa sofa, watching Kheeno’s reaction.
“I’ll just stay in the bar counter. I’ll leave you here to catch up on each other’s lives. I’ll just wait for Arden there,” mahabang saad nito.
Inangat ko ang likod ko mula sa pagkakahilig sa sofa, at agad na tinapunan ng tingin si Kheeno na prenting nakatayo sa gilid ng sofa, kung saan ako nakaupo, at nakapamulsa.
“Excuse me? Thank you for bringing me here, Mr. Urzua—”
“Kheeno, Arden, Kheeno,” putol niya sa sinasabi ko, kaya inis akong napapikit at huminga ng malalim.
I opened my eyes and watched him carefully.
“Okay, excuse me, Mr. Kheeno Jakobe Urzua, but I don't need you to babysit me. I am old enough, and I can handle myself. Nakapagpaalam na ako kay Daddy kanina na late akong makakauwi dahil magkikita kami nina Joysie at Rhom. And I lived my life abroad alone for 3 months, kaya hindi mo ako kailangang bantayan,” naiinis na saad ko.
I heard Joysie giggle, kaya sinipat ko siya. She just signed her finger as if she were zipping her mouth, kaya binalik ko ulit ang paningin ko kay Kheeno, na hindi pa rin nagbabago ang pustura.
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...