Chapter 26: Unwanted Surprises

102 6 0
                                    

Xave's POV

Pagbaba namin ng kotse, ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin, parang inaasar ako dahil nasa ganitong kakaibang sitwasyon o baka pikon lang ako ngayon. Huminga ako nang malalim, pilit na inaayos ang sarili ko. Sa harap namin, nakikita ko ang lawak ng university grounds—punong-puno ng estudyanteng nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at nagmamadaling pumasok sa klase. Para sa kanila, normal lang ang araw na ‘to. Pero para sa akin, parang bagong pahina ng buhay ko na hindi ako sigurado kung handa ba ko, pinipikon ba naman ako minu-minuto.

Si Valar, ayon maaliwalas lang ang lakad, parang wala siyang pakialam sa lahat ng ‘to. Ayos ah. Samantalang yong utak ko dito, parang binabagyo. Iniisip ko pa rin yung time na sinabi ni Dad nang walang kaabog-abog na magka-school kami ng magiging fiancé ko. Alam ba ng lahat ‘to maliban sa akin? Parang ako yung last piece sa isang game na ako lang ang walang alam sa rules.

Napakalaki ng campus, pero kahit maraming tao, pakiramdam ko parang anlaki pa rin ng space na totoo naman. Gaano ba kalawak to. Tahimik kaming naglakad ng magkasabay ni Valar, at saglit kong naisip kung ano kaya ang iniisip niya. Nagulat din kaya siya? Alam na ba niya ang arrangement na ‘to noon pa? Gusto ko siyang tanungin, pero ayoko namang manguna noh nakakatamad. Kaya kunwari hindi ako curious.

Habang papunta kami sa main building, may ilang estudyante ang lumapit kay Valar. Mukhang kilala nila siya, at heartthrob pa ang putik, base sa mga ngiti at bati nila. Nakatayo lang ako sa tabi niya, awkward. Hindi dahil mahiyain ako—hindi ko lang in-expect na mapapasabak ako sa ganito. Kahiya naman dito nagmukha akong invisible, wala kasing pumapansin sakin. Wala nga akong masyadong kaibigan noon, lalo na ngayon. In short, loner ako. May kumakausap man sakin pero di ko pa rin maipaliwanag yong feeling na kahit sinong maging close ko aalis at aalis rin sila. Kahit saang mundo pa ata hindi ako belong.

“Hey, Val!” sigaw ng isang estudyante, na nagpabalik ng attention ko pabalik sa realidad. Tumigil ako sa pag-iisip at napatingin sa isang grupo ng estudyante na papalapit sa amin. Mukha silang pamilyar sa katabi ko—baka mga kaibigan niya. Binati nila si Valar ng masaya, pero nang makita ako, halata ang curiosity sa mukha nila.

“And who’s this?” tanong ng isang babaeng maganda, tinaasan pa ako ng kilay habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Okay.

Tumingin si Valar sa akin, tapos sa mga kaibigan niya. “This is Xave, my fiancée,” sabi niya casually, parang simpleng weather forecast lang ang sinabi.

Napatigil ako sa narinig. Fiancée? Wala ba siyang pinagtataguan at sinabi niya ng diretso baka ma bash ako amputek malala pa naman sa mga nobela ang mga bully. Hindi pa nga nagsi-sink in sakin na nasa kotse ako kasama si Valar kanina, tapos ngayon fiancée na agad ang introduction niya sa mga ‘to. Pilit akong ngumiti, kahit nag di-disco na naman tong mga braincells ko. “Yeah, I’m Xave. Nice to meet you all,” Nodding politely.

Ngumiti naman sila pabalik at binati ako, pero halata sa iba ang pag ngiwi nito. Hindi ko sila masisisi. Ako nga, hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Nagiging slow talaga ko pag wala si Mic ano na naman kaya nangyari don. Pagkatapos ng ilang minutong awkward na pag uusap, nagpaalam na sila at umalis, papunta sa kani-kanilang klase. Yong iba pa simple pa kong tinarayan. Pero dedma sa basher mukhang takot nga silang magsalita sakin eh mga duwag. Naiwan kaming dalawa ni Valar sa field.

“So… fiancée, huh?” sabi ko, puno ng sarcasm ang boses ko. “Is that really necessary?”

Hindi man lang nagpaapekto si Valar. “Well, it’s true, isn’t it? Better to get used to it now than be caught off guard later.” Okay ang angas niya don.

Gusto ko sana siyang kontrahin, pero wala akong masabi. Tama naman siya, sa totoo lang. Nangyari na ang nangyari, gustohin ko man o hindi. Kailangan kong masanay na makilala bilang fiancée ni Valar. Wala to sa plano, pero wala na akong choice kundi sumabay na lang ano pa nga bang magagawa ko.

Expected na ang unang araw ko sa university ay parang parang naka fast forward wala ba naman akong matandaan sa kalutangan naalala ko tuloy ganito ko nong teenager palang ako nadala ko ata.

May mga klase akong kailangang puntahan, bagong taong dapat kilalanin, at routine na dapat masanay. Kahit anong pilit kong mag-focus, palagi akong bumabalik sa nangyari kaninang umaga. Ganito ba talaga ang plano ng pamilya ko para sa akin? O bahagi lang ‘to ng mas malaking plano na hindi ko pa naiintindihan? Bobohan mo pa Blea diyan ka naman magaling.

Pagdating ng lunch, napadpad ako sa cafeteria, naghahanap ng tahimik na sulok para makapag-isip. Ang daming tao, pero walang masyadong pumapansin sa akin. Buti na lang. Gusto ko lang huminga at iprocess lahat. Kumuha ako ng tray ng pagkain at pumunta sa isang bakanteng mesa malapit sa bintana.

Pero bago pa ako makaupo, may tumawag sa pangalan ko. “Xave, over here!” Napatingin ako at nakita ko si Valar, kumakaway yong isang kaibigan niya mula sa mesa nilang napapaligiran ng high class na tao pati face card high din. Napatigil ako saglit. Gusto ko sanang umiwas sa bagong introductions na naman pero wala na akong choice. Napabuntong-hininga ako bago lumapit at umupo sa tabi ni Val, okay Val na tawag ko sa kanya.

“This is Xave, everyone,” sabi ni Val, ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya sa mababang tono, kalmado na naman tong ungas na to di niya ba alam nakatingin lahat samin. “She’s… well, we’re engaged.”

Ang tono niya, parang alanganin. Parang tinitimbang kung paano magre-react ang mga kaibigan niya. Concern citizen pala to eh. Na-appreciate ko na hindi niya masyadong pinalaki ang usapan. Nag-smile ang mga kaibigan niya at tinanggap ako sa grupo. Napansin kong wala sa grupo yong mga babae kanina pero may hindi pamilyar saking tatlong babae. Friendly naman sila, at pagkatapos ng ilang minutong casual na kwentuhan, unti-unti akong nag-relax. Siguro hindi naman magiging ganun kasama ang lahat ng ‘to.

“So, how did you two meet?” tanong ng isa sa kanila, nakangiti habang nag-aabang ng sagot.

“We… haven’t known each other for that long,” sagot ko, iniingat ang salita ko. “It’s a long story, but our families are close, so it kind of… happened.”

Val nods. “Yeah, it’s a bit unconventional, but we’re figuring it out.” Ayan na naman siya sa pa cool.

Napunta sa ibang topic ang usapan, at hindi ko namalayang nadadala na ako. Ang dali nilang kausap, at for the first time ngayong araw, naramdaman kong normal din pala ang lahat at ako lang ang lakas maka overthink. Pero paminsan-minsan, nahuhuli ko si Val na nakatingin sa akin, parang binabasa ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun, pero hindi naman ako nainis. Sa totoo lang, nakaka-comfort din na nandyan siya, kahit na ang circumstances namin ay out of ordinary.

Pagkatapos ng lunch, pakiramdam ko mas naging magaan ang loob ko at nakapag isip na ng maayos. Overwhelming pa rin, pero hindi na ganun kagulo. Siguro, may mga unexpected pa rin pero pagkatiwalaan ko nalang ang sarili ko.

Habang naglalakad kami pabalik sa mga klase namin, si Val nasa tabi ko, nakapasok ang kamay sa bulsa. “Hey,” sabi niya, mahina ang boses. “I know this is all sudden, and I’m sorry you got caught off guard. But… we’ll figure it out together, okay?” Wow what do you mean by that, akala ko magiging normal kami habang buhay pero ano to.

Nagulat ako sa sinabi niya. For the first time, nakita ko ang bahagyang vulnerability sa mga mata niya. Tumango ako at napangiti ng bahagya. “Yeah. We’ll figure it out.” Siguro kilalanin ko ang taong to.

Pagbalik niya sa dati niyang composure, parang wala lang nangyari, pero nahuli ko ang slight smile sa gilid ng labi niya. Napangiti tuloy ako.

At sa pagkakataon na ‘yun, narealize ko na baka, maging masaya ako sa second life ko. Isang pagkakataon ito para magsimula ulit, matuto, at mag-grow. Kahit wala pa akong sagot sa mga tanong ko, alam kong hindi ako nag-iisa sa mundong ‘to. Susubukan kong hanapin sa kanila ang matagal ko ng hinahanap.



Authors rants: klase ko na sa monday 😭 pedeng tiktok nalang forever tus repost sa cast ng amnse haha, t-take pa ko ng nc2 pero wala akong maalala na gagawin, wala ring training kaya b-backout ata ako😭 parang ayoko ng mag aral, pangarap kong maging tambay✨ manifesting 🤞btw enjoy reading lovelies don't mind this miserable author 🤍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now