"N-Nyx..."
Bigla na lamang niya tinanggal ang pagkakayapos sa akin.
"That line... I really want to tell it to Cerise when she's already here." Saka niya ako nilagpasan at nauna na sa akin bumaba.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko, kahit na hindi para sa akin ang linyang iyon ngunit para bang malakas ang epekto sa akin no'n.
Umiling ako na para bang gusto ko na lamang tanggalin agad sa isip ko ang nangyari.
"Hope?" Mahina nang tawag sa akin ni Nyx ngunit sapat na para marinig ko ito, na naging dahilan kung bakit ako nabalik sa ulirat.
Hindi na ako sumagot pa, mabilis na lamang akong bumaba na parang bata na tinatawag ng kanyang ina para kumain.
Nang tuluyan na akong makababa ay huminga ako agad ng malalim. Gusto kong pakalmahin ang puso kong mabilis ang tibok.
Hindi pa man nagsasalita ulit si Nyx ay dumiretso na ako sa counter para mag sandok ng niluto kong sinigang kanina, pati na rin ang kanin at patis na magsisilbing sawsawan nito kung nakukulangan ito sa alat.
Inihain ko ito isa-isa sa lamesa, "wow! You know what? Sinigang is my favorite!" Maligayang ani niya.
"Talaga?" Walang emosyon kong sagot, umupo ako sa upuang nasa harapan lamang niya. "Buti naman at nagustuhan mo. Kulang pa nga 'yan sa sangkap."
Humigop ito ng sabaw, binaba niya ang tasa at ngumiti na parang bata.
Napangiti naman ako sa inakto niya ngunit nang maalala ko ang nangyari kanina ay napawi agad ang ngiti ko.
"Nyx?" Tawag ko.
"Before I forgot— we need to go to my mom." Kinuha niya ang basong may lamang tubig at uminom ito, "today."
Seryoso ba siya? Parang kanina lang ay lasing siya tapos nahimasmasan bahagya tapos ngayon parang walang nangyari?
"Hindi ba masyadong maaga para makilala ako ng mom mo?" Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung pano siya haharapin, nahihiya ako.
"I think this is the best time for me to introduce you, dahil nasa mood din ang mom ko." Sabi niya at patuloy na kumain.
Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil ito nga pala ang bubuhay sa amin ni Raya.
"Did you eat?"
"Hindi pa–"
"Bakit hindi mo pa ako sabayan?"
"Pagkatapos mo—"
Tumayo siya, nilagpasan niya ako dumiretso siya sa drawer kung nasaan ang mga plato niya.
"Here," iniabot niya sa akin ang plato na kinuha niya, "sabayan mo na ako."
Without any hesitation, kinuha ko agad ito.
"Thanks." I simply said.
Umupo ako sa upuan na kaharap niya, "I'm the one who should thank you, this is the first time na may kasabay ako kumain."
His voice... you can hear the pain in his voice, does it mean he's alone here?
"What do you mean?" I know isa ito sa mga rules niya ang 'wag panghimasukan ang buhay ng isa't-isa ngunit hindi ko rin naman mapigilan dahil para mas maintindihan ko ang punto niya sa naging plano niyang ito.
"I'm alone... here." Sabi niya. Ibig ba niyang sabihin ay hindi rin nagpupunta si Cerise dito? Tumingin siya sa akin ng diretso at bigla na lamang siya ngumisi, "I know what you're thinking! That didn't happen."
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...