Bumalik ako sa office table at inayos ko na ang mga papel, kinuha ko lang ang mga importante, ni-lock ko ulit 'yung drawer at saka ako umalis sa study room.
"Hope!" Lumapit ako sa balcony dito sa loob ng bahay namin.
Kita dito ang mga taong papasok sa pintuan, at ang living room namin.
Nakita kong pumasok si Khai, "Hope?" Tawag niya ng makita niya akong nakatingin din sa kanya.
"Oh?" Sagot ko at bumaba na ako ng hagdan, napabaling pa siya sa hawak kong folders. "Bakit?" Nang magkaharap na kami.
I tried to be cold towards him even though he was not at fault for what was happening to us.
"I'm really sorry."
"Sana kaya rin sabihin sa akin 'yan ni Nyx, 'no?" I sarcastically said. Umupo ako sa L couch namin. Ang tagal na rin nito pero parang bagong bili pa rin.
"Where is Nyx?" Hinanap agad ng mga mata niya si Nyx na para bang nag babaka-sakaling makita niya sa kung saang sulok ng bahay namin.
"Wala siya dito, umalis na siya kanina pa." I answered him coldly.
Mayamaya lang ay may sasakyang huminto sa tapat ng bahay namin.
"It's Tita Naomi..." Lumabas siya para sunduin si Tita.
Gustuhin ko mang sundan si Khai pero parang wala na akong lakas ng loob para tumayo sa kinauupuan ko.
"Hope!" Tawag niya ng makita niya ako at patakbo siyang lumapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit, at naramdaman ko na lang ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. "Hope, I'm sorry! On behalf of my husband, I'm really sorry!"
Sa sinabi niyang iyon, alam ko na ang ibig niyang sabihin at ayun ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.
Gusto kong sabayan siya sa pag-iyak dahil nararamdaman ko ang sakit sa bawat hikbi niya. Ngunit, sa ngayon mukhang mas kailangan kong makinig.
Masaya na ang mga magulang ko.
Nasa mabuting lugar na rin sila, tahimik, at siguro ay nagkakantahan na lang sila.
'Yung pagsisisi sa sarili kong pinapunta ko pa sila sa recognition day ko ay tuluyan ng burado sa isip ko. Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng tao, bahagi sila ng pagkawala ng magulang ko.
Hinawakan ni Tita Naomi ang mga kamay ko, tumingin pa siya sa folder na nilagay ko sa lamesa sa harapan lang namin. "Hope, I guess you have an idea now. We are like family back then kung maaalala mo how close are families are. Si Ansel at Emily..." nang sabihin niya ang pangalan ng mga magulang ko ay humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "...ay ang pinaka matalik naming kaibigan ni Nicolo."
"We even decided na kung magkakasabay kaming mabuntis ni Emily ay gusto naming parehas ang second name ng mga anak namin. Dapat nga Elio ang second name ni Nyx dahil ikaw si Elia, but Nicolo told me na gawing Eliam para parehas pa rin kayo ni Nyx na may Elia sa name. Kasi ang meaning ng Elia ay God has answered... tinupad niya 'yung wish namin na magkababy ganun din ang parents mo, they thought hindi na sila bibigyan ng anak after Raya." Napangiti siya kahit na kita sa mga mata niya ang sakit.
"Kaya napag-usapan din namin na baby pa lang kayo ni Nyx kayo na ang dapat ikasal–"
"What, Tita? Ibig mo pong sabihin ay ang sinasabi mong arranged marriage kay Nyx—"
"Oo, ikaw 'yung babaeng gusto ko para sa kanya, wala siyang ideya dahil ayaw niyang tigilan si Cerise. Ako ang gumawa ng agreement ng arranged marriage niyo ni Nyx, nkapirma kami doon ni Nicolo pati na rin ang parents mo."
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
Roman d'amourAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...