Chapter 15 - The Two Murals

194 5 0
                                    

I'm trying to progress sa isip ko ang lahat ng nangyayari ngayon, seeing them panic lalo akong na'curious. Anong sakit ni Nyx?

Lumapit ako sa kanila, nakaalalay si Khai sa ulo at likod ni Nyx habang si Nyx ay nakahawak naman sa kanyang ulo at iyak ng iyak. Kitang-kita mo ang hirap sa itsura niya.

Ang kaninang maayos na coat at long sleeve ay ngayon pawisan at gusot na gusot.

Napahawak ako sa aking bibig biglang pumasok sa isip ko si Raya.

"I already called his doctor." Sabi ng kasama ni Khai kanina na siguro ay pinsan ni Nyx.

Lumapit ako kay Nyx, "Hope, you should go to your sister." Tinapik ako ni Tita Naomi pero hindi ko na siya nasagot pa dahil niyakap ko nalang bigla si Nyx.

"Shh, Nyx." Tawag ko sa kanya, binitawan naman siya agad ni Khai ng ako na ang pumalit sa pwesto niya kanina. "Nandito na ako."

Umiiyak pa rin siya habang hawak ang kanyang ulo.

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak niya dito, tumingin siya sa akin ng gawin ko iyon. Nalilito at mukhang naguguluhan siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"H-Hope?"

"Oo, ako ito–"

"Hope!" Niyakap niya ako pabalik. "I s-saw her. I saw her!"

Sino?

Sino ang nakita niya?

Naaawa ako sa kalagayan niya, ibang-iba sa Nyx na nakilala ko.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas buhat ng magsimula akong magtrabaho sa kanya pero parang matagal ko na siyang kilala.

Ang kaninang hagulgol ang iyak ay ngayon humihikbi na lang.

"Nyx," hinaplos ko ang kanyang pisngi, "kapag nakita mo ulit siya, hawakan mo lang ang kamay ko. Higpitan mo ang hawak sa akin."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tumango na parang bata. "I w-will."

Inalalayan ko siyang tumayo at lumapit na rin si Khai para tulungan ako.

"I-I don't want to go to the hospital." Sabi ni Nyx. "I just want to rest."

Bibitawan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Tiningnan ko siya. "You said, I can hold your hand once I see her again?" Hinila niya ako ng ma-ingat palayo sa kanilang lahat.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nyx! You should see your doctor first!" Napalingon ako sa kanila na mga naiwan sa stage.

"Kailangan mo yata magpacheck-up muna, Nyx!" Sabi ko ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad sa hallway.

"I'm fine now, don't worry." Sabi niya.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko dahil ang haba ng hallway ng mansyong ito at ang lalayo din ng pagitan ng mga pintuan. "Baka hanapin ako ni Raya."

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin na parang ayaw niyang bitawan ang kamay ko, "she's in the playroom with Ate Sabel."

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

"I want to show you something... in my room."

"Hindi ba magagalit sayo ang mga kamag-anak mo?"

"I don't give a d*mn about them. They're just happy seeing me struggling."

"Bakit?"

"I don't know. But maybe because of what happened 6 years ago."

"6 years ago?" Nagtataka kong tanong.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon