Hindi ako makagalaw, nananatili pa ring pikit ang aking mga mata. Hindi ko rin alam kung pwede na ba akong dumilat, ang tanging alam ko lang ay hinayaan ko na lang siya sa nasimulan kong halik sa kanyang labi.
Mariin akong pumikit, ayaw man ng katawan ko ngunit pumasok na lamang sa isip ko ang ginawa ko.
Sh*t!
Malakas ko siyang itinulak kahit na hindi naman siya ang may kasalanan.
"S-Sorry!" Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang aking labi at dali-dali akong lumabas ng kanyang unit.
Jusmiyo! Hope! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Inis kong sabi sa aking sarili. Nakaramdam ako ng matinding init sa aking pisngi. Bakit ko iyon ginawa?! Bakit ko hinanap bigla ang labi niya?!
Hindi pwede! Wala pang dalawang araw pero mukhang mawawalan ako ng trabaho sa ginawa ko!
Anong sasabihin ko pagbalik ko?! Sorry, Nyx. Pero ang sarap ng halik mo?!
Sa sobrang taranta ko hindi ko na namalayan ang pagkagat ko sa aking kuko na wala na talagang pag-asa na tila mawawala na rin ito sa mapa. Sh*t! Pudpod na pala.
Napahilamos ako sa aking mukha, ano kayang nasa isip ngayon ni Nyx?
"H-Hope?"
Lalo akong nataranta ng marinig ko ang malalim at seryosong boses niya. Itong boses na ito ang tanging nakakapagpa-taranta sa akin.
"Ay–oh?" Tama ba ang tono ko? Kailangan ba mukhang wala akong alam? Sige panindigan natin 'to, self! Pilit akong ngumiti sa kanya.
"I-I'm sorry, I took advantage of—"
"Uy! Ano ka ba? Ano—wala yun!" Sabi ko at ngumiti ulit ako. Nakakakonsensya itong ginagawa ko, kahit alam kong ako ang nag initiate nu'n ay siya itong namomroblema.
Fvck. I forgot! He has a girlfriend nga pala, he has Cerise.
Ang at that moment, kusa na lang sumuko ang aking sarili, napayuko ako dahil alam kong sobrang mali ako, sobrang mali ang ginawa ko.
"N-Nyx–"
"I'm going to tell this to Cerise, but I'm not gonna tell her that the girl I've kissed is...you."
Tinuruan ko pa yata magsinungaling.
Malayo man ang distansya, naramdaman ko siyang huminga ng malalim, "I'm gonna let this slide, but I don't want you to do it again...never again." Umalis siya sa aking harapan at dumiretso papuntang elevator.
Luh? Ba't ganun? Bakit parang ako lang? Eh sumagot naman siya sa ginawa ko? Pero sige dahil ako naman talaga ang nauna at siya ang boss ko, hindi na talaga mauulit ito!
Baka sa halip na malawak na ang pangarap ko para kay Raya ay bigla na lamang ito ulit gumuho. Bagay na takot akong mangyari, dahil hindi ko na alam kung paano pa ako makakapagsimulang muli.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator, sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya.
Tatalikod na sana ako para pumasok sa unit niya ngunit bigla na lamang siya nagsalita.
"May kukunin lang ako sa kotse." After he said that, the door of the elevator closed.
Iniwan niya akong tulala.
Bakit ganito ang naramdaman ko sa kanya? Parang ang tagal ko na siyang kilala? Na para bang gusto ko na lang siyang kakwentuhan kahit walang kabuluhan ang aming pag-uusapan.
Sa kabila ng inis ko sa aking sarili ay pumasok na muna ako sa kanyang unit, bumaling ako sa kitchen at napansin kong hindi niya natapos ang hugasin kaya naman ako na lamang ang tatapos dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/326744302-288-k783684.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...