Chapter 22 - White Lies

187 5 0
                                    

Kahit pa hindi ko siya maintindihan at hindi ko kilala kung sino ang babaeng binabanggit niya ay nakinig pa rin ako ng maigi sa kanya.

Tiningnan niya ako at kitang-kita ko sa mga mata niya ang hirap at sakit. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang palad niya, nanginginig pa ito pero he managed to wipe my tears.

"Aren't you scared of me?"

"Bakit naman ako matatakot sa'yo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"What if malaman mong my dad killed someone? And what if you knew that I was with him that time?" He seriously asked me.

To be honest, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Okay lang ba ang tamang sagot? Pero ang tanong, okay lang ba talaga sa akin?

Okay lang ba para hindi siya masaktan at hindi na makadagdag pa sa sakit na nararamdaman niya?

"O-Okay lang— I mean, hindi mo naman siguro inutusan ang dad mo sa ginawa niya. Hindi mo rin naman kasalanan 'yung ginawa niya. Kasama ka lang niya but it doesn't mean you did it... too." Pero ang totoo kinakabahan ako sa tanong niya.

Hindi ko na kayang makita pa siyang ganito kaya alam kong mali pero nagsinungaling ako dahil ito lang ang alam ko sa ngayon para malaman niyang may isang tao ang makikinig sa kanya.

"You're different. Iba ka sa lahat ng nakilala ko, sa lahat ng nakausap ko. Ikaw lang 'yung interesado sa kalagayan ko. Why?"

"Anong bakit? Sabi ko nga sa'yo hayaan mo akong mahalin ka—"

"Lies. Don't pity me." Iling niyang sambit at ini-start na niya ang sasakyan niya.

"Hindi ako naaawa sa'yo 'no! Hindi ba pwedeng dahil mahal kita kaya gusto kong kilalanin ka pa ng husto?" Napaka vocal ko ba masyado? Okay lang ba sa ibang babae ang ganito? Iba talaga kapag NBSB hindi na uso sa akin ang mahiya!

Gusto ko na lang lamunin ako sa kinauupuan ko ngayon!

Hindi na niya ako sinagot dahil nakarating na rin kami sa mansyon nila.

Nauna na akong pumasok sa loob dahil kabisado ko naman na kung nasaan madalas si Tita Naomi at si Raya.

Masaya kong bitbit ang ibang pinamili ko habang nasa gilid ko naman si Nyx na hawak ang iba. "Raya will get excited to see you." Ani Nyx.

Nang makarating kami sa kwarto ni Tita Naomi nadatnan namin silang dalawa na nanunuod ng T.V.

"Hope!" Nilingon agad kami ni Raya at nagtatakbo papalapit sa amin. Halos mabitawan ko pa nga ang dala ko dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.

"Dala ko na ang mga request mo." Masaya kong sinabi.

"Hope okay?" Pag-aalala niyang tanong sa akin nang titigan niya ako sa aking mga mata, hindi ko pala nakita ang sarili ko sa salamin kung halata bang umiyak ako o ano, "baby sister cried? Why Hope?"

"Because... I missed you?" Sabi ko at kinissan ko siya sa kanyang pisngi at agad naman niya itong pinunasan gamit ang laylayan ng kanyang damit.

Aysus!

"Hello po, Tita!" Sabi ko ng magmano ako kay Tita Naomi. "Thank you po talaga dahil pumayag po kayong dito po magstay si Raya."

"I told you, Hope. Raya is safe here and this is in the last tes— I-I mean," nataranta si Tita na hindi na niya natuloy pa ang sasabihin, para bang nadulas siya. Anong gusto niyang sabihin? "Hindi kayo mahirap pakisamahan. And you're my son's girlfriend kaya I don't see any problem with that!" Pilit siyang ngumiti sa akin.

Hindi ko na siya tinanong pa tungkol sa gusto niya talagang sabihin, "thank you po talaga."

"Hope! Look at my drawings!" Sabi ni Raya na halata mo ang saya sa kanyang mga mata.

Napangiti ako dahil ito ang sinasabi ni Myla sa akin, hindi ko pa nakikita ang mga drawing niya kahit pa noong nasa bahay pa kami.

Ngayon pa lang ang unang beses kong makikita ang mga guhit niya.

"Raya gift Hope is this!" Sabi niya, "Teacher told us what is our dream that we want to do in the future!"

"What did you tell to your teacher?" Tiningnan ko pa siya ng seryoso para malaman niyang interesado talaga ko sa sasabihin niya sa akin.

"I want to be the best Ate to Hope! I want to give her money to buy beautiful dresses kasi bagay sa'yo 'yun always! Ganda!" She even put her hands on her chin like she was admiring me.

Parang maluluha na naman ako sa sinabi niya, imbis na magsalita pa ako at sumagot sa sinabi niya ay kinuha ko na lang ang sketch book niya.

Napansin ko pa siyang lumapit sa akin at mayamaya lamang ay yumakap na sa akin, "Hope still my baby sister. I want to protect you like I did to you and Eliam." Mahina man ang kanyang boses pero dahil malapit lang ang tainga ko sa kanyang bibig ay rinig na rinig ko ito.

Eliam?

Biglang pumasok sa isip ko ang kababata kong kaibigan na si Eliam. Hayyy...I almost forgot his name pero lahat ng memories namin nung bata pa kami ay parang kahapon lang nangyari. Buti pa si Raya natatandaan niya ang pangalan ng kaibigan namin noon.

Siya ang nakakasama ko manuod ng Teen Titans, siya din ang nakakasama ko madalas umakyat sa mukhang bundok kung tawagin namin dahil sa mga buhangin na pinagpatong-patong hanggang sa mag mukha itong bundok. Pag gusto naming isigaw ang mga nasa isip namin aakyat lang kami doon. 

Kapag papasok na sa trabaho ang parents ko noon at si Raya ay iiwan na sa Tita namin, ako naman susunduin ko si Eliam para ayain umakyat sa bundok. Maliit lang naman ito kaya pwedeng pwedeng akyatin ng kahit na sino. Kahit bata ay maakyat ito.

Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ba ay nandoon pa rin 'yun.

"I'm still your baby sister, Ate." Sabi ko at hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapulupot sa akin.

"Napakasweet naman ng magkapatid." Sabi ni Tita Naomi habang nakatingin ito sa amin.

"Hope, nasa kwarto ko lang ako ah? Go to my room if you are done here." Sabi naman ni Nyx, tumango na lamang ako bilang sagot.

Tinitingnan ko ang bawat page ng drawing ni Raya at hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanya, bakit ngayon ko lang nakita ito? Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling siyang gumuhit?

"You are so amazing, Ate! How did you do it?! I mean can you teach me how to draw?!" Galak kong sambit sa kanya.

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin, "Hope doesn't remember! I taught you how to draw when we were young but you can't!" Sabi niya na parang naiinis sa akin.

Napakamot naman ako sa aking ulo habang si Tita Naomi ay naririnig kong natatawa sa gilid.

Nang ilipat ko ang pahina, napahinto ako.

Napahinto ako dahil sa drawing ni Raya...

Mukha ito ni Eliam.

Bakit ganito? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

Bakit nang makita ko ang mukha nito ay nakikita ko ang mukha ni Nyx?

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon