Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, siguro ay sa pagod at sa pag-iisip ko kung anong mangyayari mamaya sa reunion nila.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table. Halos napa-ayos naman ako ng pagkakahiga ng makita kong ang daming texts at missed calls ni Myla.
Anong nangyari?! Pagkita ko sa oras sa phone ko ay 6:35 na ng gabi.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tinawagan ko na si Myla.
Wala pang dalawang minuto ay sinagot na niya ito.
"Bes?" Mahinahong sagot niya na parang normal lang ang lahat. "Bes? Anong oras ka kaya makakauwi? Kasi yung boss ko nagpatawag ng emergency meeting."
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala tungkol kay Raya ang mga tawag niya.
"Sorry bes, nasa trabaho pa rin ako kasi. Teka, iisipan ko paraan." Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan, sinilip ko ang kwarto ni Nyx mukhang nakatulog din yata siya.
"Sorry din bes, biglaan kasi hindi ko naman pwedeng hindi puntahan kasi ako lang din ang inaasahan ng team ko." Sabi ni Myla at rinig mo ang pagiging malungkot ng boses niya.
"Sige, bes! Ganito na lang. Kailangan mo na ba talaga umalis?"
"Oo, bes eh. Kasi tawag na ng tawag ang CEO namin."
"Sige, uuwi na ako muna." Ganun na lamang ang nasabi ko kahit hindi ko sigurado kung anong mangyayari. Sa ngayon ang kailangan ko lang ay sunduin si Raya.
Bahala na kung anong sasabihin ni Nyx kapag inuwi ko siya dito.
Binaba na agad ni Myla ang tawag niya kaya nag ayos na ako ng aking sarili. Lumabas na ako, at kumatok ako sa kwarto ni Nyx ngunit walang sumasagot. Sinilip ko rin bahagya ang ilalim ng kanyang pintuan ngunit wala akong nakitang ilaw doon.
Bumaba na lang ako at tanging ilaw lang sa kusina ang bukas. Nakaayos na rin ang mga gagamitin kong dress, bag, at heels sa couch. Luminga-linga ako para tingnan kung nandito ba si Nyx sa baba ngunit nabigo ako.
Nilapitan ko na lang ang dress na sinukat ko kanina, nang kunin ko ito ay may nahulog na sobre sa sahig kaya nilagay ko ulit ng maayos ang dress sa couch at kinuha ko ang sobre.
May pangalan ko ito kaya naman binuksan ko agad ito.
Hope,
I'll be leaving early due to my personal errands. Ni-ready ko na ang mga kailangan mong i-suot for tonight, I don't have a time to get you. But, I called my personal driver and he will be there at the entrance at exactly 8'o' clock.
Nyx
Hindi ko na namalayang napangiti na pala ako. Para akong may totoong jowa sa ginagawa niya.
Tinupi ko ang letter niya sa'kin at inilagay ito sa bulsa ng designer bag na binili niya sa akin at hindi na rin ako nag aksaya pa ng oras umalis na ako kahit na hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit.
Kailangan ko na rin talagang kunin si Raya at nakakahiya na rin ng sobra kay Myla kung sasabihin ko pang hintayin ako.
Nag grab na lang ako para mas mabilis at para na rin ito na lang din ang sasakyan namin ni Raya pabalik sa condo ni Nyx.
Halos mapatalon pa ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Myla.
"Bes! Wait, nag grab na ako. Sorry talaga! Malapit-lapit naman na ako." Paghingi ko ng paumanhin, dahil nakakahiya na rin at 'di naman niya kargo si Raya talaga.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...