Tinulak ko siya ng buong lakas, napahawak ako sa aking mga labi. Sasampalin ko sana siya sa ginawa niya sa akin ngunit bigla na lamang siya naglakad patungo sa kama at nahiga.
Habang ako, ito nakatulala pa rin, siya ang first kiss ko! Aaminin ko, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon hindi ko alam kung dahil ba sa pagkagulat ko o dahil sa fact na siya ang first kiss ko?
Ang akala pa niya ay ako si Cerise? When that came to my mind, I felt sad. Siguro ay nag-away o nagtalo sila kaya humantong sa ganitong naglasing pa siya.
Palalagpasin ko ito, hindi naman niya maaalala ang nangyari at wala rin naman siya sa wisyo kaya sige, palalagpasin ko na lamang ito.
Inalis ko ang kanyang sapatos at medyas, nilagyan ko na rin siya ng kumot.
Bumaba muna ako saglit para kumuha ng pamunas dahil ganito ang madalas na ginagawa ko sa tuwing nalalasing si Myla.
Nang makakuha na ako ng towel at ng tubig na maligamgam ay bumalik na akong muli sa kanyang kwarto.
Ang aliwalas ng kanyang mukha, lalo ko na appreciate ang itsura niya.
"D-Don't leave me, Cerise. Please–no, don't." Napalingon ako ng magsalita si Nyx.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi, "hindi kita iiwan, Nyx." Sincere kong sinabi sa kanya kahit na alam kong si Cerise ang kailangan niya.
"Don't you e-ever leave me again," hinawakan niya ang aking kamay, "please."
"Oo, magpahinga ka muna." Sagot ko naman sa kanya, humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin ngunit pinilit ko ring tanggalin ang kamay niya.
"No–"
"Ipagluluto kita." Sabi ko dahil ayaw niyang pumayag na alisin ko ang kamay niya.Nabigla ako ng lumingon siya sa akin, naniningkit ang kanyang mga matang tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero ang alam ko lamang ay he's wasted.
"Do you know how to cook now?" Natatawa niyang tanong sa akin at bumalik siya sa pagkakahiga ng ayos.
Hindi ko na siya pinansin pa, bumaba na lamang ako at dumiretso agad sa kusina ng kanyang condo unit.
Napangiti naman ako nang makita kong may mga laman ang mga food storages nito, siguro ay nagluluto rin ito para sa kanyang sarili. Sabagay, wala siyang kasama dito, kahit isang katulong, kaya walang mag aasikaso talaga sa kanya kundi ang kanyang sarili.
"Sinigang." Sambit ko sa aking sarili ng may makita akong kangkong, sibuyas at kamatis at may pang paasim pa siyang sampaloc. "Baboy na lang ang kulang." Tiningnan ko agad ang freezer ng double door refrigerator niya at nang makita ko ang kulang sa sangkap ay kinuha ko agad iyon para pakuluan na.
Naalala ko noon sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot o minsan stress ako sa school works, lulutuan ako ni mommy ng sinigang to brighten up my day. 'Yun ang way niya para pagaanin ang loob ko.
Ngayon, ako naman ang gumagawa nito sa ibang tao. Effective din kaya sa kanya ang sinigang para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya.
While I was waiting for the pork I was boiling to soften, I sliced the tomato in the middle as well as the onion and added it.
I seasoned it when the pork had softened, I also added two sampaloc mixes for the sourness.
When it was about to be cooked, I put the kangkong. That is also the only available vegetable in his basket that can be used in sinigang.
Tinikman ko ito at nang malasahan kong tama ang pagtimpla ko nito ay napangiti ako.
"Yes!" Sambit ko, hindi pa naman ako sanay na nagluluto sa ibang bahay, I mean comfort ko kasi ang bahay namin kaya kahit anong gawin ko sa kusina namin ay okay lang, dito kasi kailangan maingat ako sa mga gagamitin ko, at kung paminsan ay pumapalpak ang pagluluto ko kapag nasa ibang kusina ako kahit na alam ko ang pagkakasunod-sunod ng gagawin ko.
Katulad nalang noong pinagluto ako ng lasagna ni Myla para sa birthday niya, natuwa pa ako dahil favorite ko iyon pero nadisappoint din ako kasi hindi ko nakuha yung lasang ginagawa ko kapag nasa kusina ako ng bahay namin. Kaya sa halip na i-serve iyon nung birthday niya ay kinain na lang namin ng patago sa kanyang kwarto.
Kumuha ako ng bowl na may laman na tubig saka ako umakyat pabalik sa kwarto kung nasaan si Nyx.
Ganun pa rin ang itsura niya katulad pa rin nang iwan ko siya kanina. Lumapit ako sa isa sa mga drawer dito sa kwarto at hindi naman ako nahirapang maghanap ng towel dahil nasa bungad lang ito.
Dahan-dahan kong nilagay ang towel sa bowl na may tubig at ipiniga ito. Nilapat ko ang towel sa kanyang mukha, pababa sa kanyang leeg hanggang sa makarating ako sa kanyang braso.
Pumukaw sa aking atensyon ang tattoo niya sa pulso. Maliit na letra lamang ito, sapat na para makita ang nakalagay dito.
RS. Sambit ko sa aking sarili, ayan lamang ang letrang nakalagay sa kanyang tattoo.
Ibinaba ko na rin agad ang mga ginamit ko saka ako bumalik muli sa kanyang kwarto.Umupo na lamang ako sa couch sa loob ng kwarto, kaharap lang din ng kama kung saan siya nakahiga.
Napahikab pa ako dahil sa ambiance ng paligid, tanging tunog lang ng split type aircon ang maririnig at mahinang paghinga ni Nyx.
Ganito lang ang buhay niya sa araw-araw tapos ganito pa ang nararamdaman niya. Sa yaman niyang ito, parang ang hirap maging masaya sa sitwasyon niya.
"Hey!"
"Hope!"
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata, bumungad agad sa akin ang mukha ni Nyx na nakakunot ang noo. Nang mapagtanto kong nakatulog pala ako ay agad akong umayos ng upo.
"Aray..." Inda ko pa dahil sa braso kong nadaganan ko at ngayon ay nakaramdam ako ng ngalay.
"Tsk! Why did you sleep here?!" Inis na tanong niya sa akin.
Tumayo ako para harapin siya, "hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako, kasi kanina ay lasing na lasing ka—"
"No, what I mean is, why did you sleep here instead on the bed. Ang lawak lawak ng kama, diyan ka pa natulog sa couch." Paliwanag niya.
Nahihibang ba siya? Gusto niya tumabi ako sa kanya gayong alam kong lasing na lasing siya?
"Okay lang, maaga kasi ako kanina nagising tapos nakatulog ka rin kaya hindi ko napigilan ang antok ko." Sabi ko, "nagluto nga pala ako ng sinigang–"
"Really?!" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagsalita na siya.
"Yes, pero okay ka na ba?" I asked.
"Uhm, yeah." Simpleng sagot niya, iniwas niya ang tingin niya sa akin, "by the way, just in case, may ginawa ba akong hindi kanais-nais?"
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon, ano kaya? Sasabihin ko ba sa kanya ang ginawa niyang pag yakap at paghalik sa akin? Pero ayaw ko namang makaramdam siya ng awkwardness sa pagitan namin.
Nakatingin lamang siya sa akin na para bang hinihintay niya ang sagot ko.
"W-Wala naman."
"Wala ba talaga?" Nagtatanong siya tapos hindi rin siya maniniwala.
"Wala– tara na! Kumain ka na lang muna." Sabi ko. Naglakad na ako palabas ng pinto ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay bigla na lamang niya akong hinila pabalik sa kanya. "Ano b–"
Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin sa kanya dahil naramdaman ko lamang ang mga kamay niyang unti-unting yumayakap sa akin.
"Alam mo, nanaginip ako. May kausap daw akong isang machine at ang nakakatawa doon? Yung machine na 'yun ang nag de-decide kung sino ang dapat nating mahalin." Hindi ko alam ngunit hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Naramdaman ko ang paghinga niya dahil sa ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Are we sure it is wise to let the machine decide who we love?"
That line... alam ko ang linyang iyon ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig ang mga salitang iyon.
Humigpit ang yakap niya sa akin, "thank you for staying."
![](https://img.wattpad.com/cover/326744302-288-k783684.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
Roman d'amourAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...