Chapter 4 -Pinky Swear

393 54 0
                                    

"Excuse me, Sir. Pero hindi naman yata kasama sa kasunduan ang laitin mo ako?" Sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya, ngayon ko lang na appreciate ang itsura niya. Gwapo siya, bagay sa kanya ang jawline niya, at kahit na medyo madilim dahil dim light lang ang nakabukas sa hallway ay kita ko pa rin ang mga mata nyang kulay amber, makapal na kilay na akala mo isa siyang model. "And for your information, original ang Nike shoes ko. Sadyang matagal na kaya akala mo lang ay peke." Bagay sana ang kanta ni Daniel Padilla na 'Nasa Iyo na ang lahat' sa kanya.

Hindi talaga nagbibigay ang Dios ng perfect na tao. Dahil ang ugali niya ay panget!

Pero sige dahil kailangan ko ng pera, titiisin ko ang ugali niya.

"Whatever." Tanging sagot niya lang at tumalikod na siya sakin para pumasok sa unit niya. "Sumunod ka sa akin." Ito na naman ang boses nyang may awtoridad.

Sumunod na lamang ako sa kanya habang ginagala ko ang mga mata ko sa paligid ng hallway papunta sa unit niya. Napakaganda talaga, kung magkakaroon ako ng maraming pera ganitong itsura ang gugustuhin kong gawin sa bahay namin ni Raya.

Para na re relax din ang mga mata ni Raya at hindi puro kalat sa bahay ang makikita niya o kaya naman yung mga binuo niyang lego gagawan ko ng isang lamesa para nakikita niya yung mga pinaghirapan niyang buuin na lego.

Napangiti ako sa iniisip ko, pag natanggap ko talaga agad ang sahod ko bibilhan ko ng 1000 pieces na lego si Raya.

Nang makapasok na kami sa unit niya. Literal na doon lamang nabalik sa isip ko ang gagawin ko ngayong gabi.

Sa tinagal-tagal kong walang boyfriend mukhang ngayon ko pa ibibigay ang first kiss ko! Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa biglang pumasok sa isip ko. Naku po! Wala akong experience sa mga kiss kiss na 'yan!

"Hey! What are you doing?!" Nagtatakang tanong niya sa akin. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang kanyang kamay, "by the way, before we start. I am Nyx. Nyx Peroramas."

Tinanggap ko naman agad iyon bago pa siya magreklamo, "Hope po."

"Masyado kang magalang, tanggalin mo na ang po dahil magkasing edad lang yata tayo." Umupo siya sa mahabang sofa na talagang masasabi mong sofa ng mayayaman. "Take a seat."

Umupo ako agad, napapansin ko na sa sarili kong talagang tagasunod lang ako dahil sa bawat salita niya agad kong ginagawa kasi nakakatakot ang malalim niyang boses.

"Hindi ko na patatagalin pa. I want you to be my fake girlfriend for 2-3 months. I'm not sure yet, kasi–"

Hindi ko na siya pinatapos pa magsalita! Anong fake girlfriend?! Akala ko naman one night stand lang! Ayaw ko pa naman nakikita ang mga nagiging customer ko sa bar ng matagal dahil ayaw kong isampal sa aking sarili ang trabaho ko tapos siya gusto niyang matagal kaming magkasama?!

"Sir, hindi po kasi sinabi sakin ni madam na ganito po pala ang magiging trabaho ko." Paliwanag ko.

"Hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari."

"Sorry po, akala ko po ay isang gabi lang–"

"What do you mean by that? Oh, I forgot! You're a hoe, that's why you're expecting to have a one night stand with me?!" Sabi niya at tumatawa pa siya na parang hindi siya makapaniwala sa naisip niya.

"Nagkakamali kayo, sir. Hindi ako katulad ng ibang babae–"

"You're one of them. Diba isa ka sa mga nagtatrabaho sa bar? That bar is mine at lagi kitang nakikita doon. Selling cigarettes and you're one of the pole dancers?" Natatawa pa rin siya habang sinasabi sa akin 'yan.

Hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya ako para sa sarili ko. Ganun na ba kadumi ang trabahong pinasok ko kahit ang dahilan naman ng pagpasok ko doon ay hindi lang basta basta?

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon