Two weeks na ang nakalipas after ng reunion nila. So far, masasabi kong naging mas close kami ni Nyx after that night, mas naging komportable.
Kahit papaano ay nagiging open na siya sa akin kahit kaming dalawa lang. At ayun naman ang gusto kong mangyari.
"Anong oras tayo aalis? O-Okay lang ba kung mamaya na lang?" Tanong ni Nyx.
Aalis kasi kami ngayon dahil bibili kaming baon ni Raya, nakita kasi ni Raya 'yung kaklase niya may baon na mga snacks kaya nag request siya na gusto niya rin iyon.
Doon na rin siya nakatira sa mansyon nila Nyx dahil iyon ang kagustuhan ni Tita Naomi para naman daw may kasama siya.
Nung una ay nag aalangan pa ako dahil kilala ko ang kapatid ko lalo na kung mawala it sa mood o bigla na lang mainis o kung ano pa man na hindi pa nakikita ni Tita. Pero she still insist na okay lang. Kaya hindi na ako tumutol pa lalo na nakita ko rin kay Raya na gusto niya rin siguro ay talagang naghahanap siya ng alaga ng isang ina.
Kitang-kita ko pa ang saya sa kanyang labi ng ihatid namin siya ni Nyx at kasama namin si Tita Naomi sa Happy Valley School na pag mamay-ari ni Khai.
Flashback...
Nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan ni Nyx habang si Tita Naomi naman at Raya ay nasa likod.
"Sweety, are you excited?" Nakangiting tanong ni Tita kay Raya.
Sinilip ko si Raya at tumango siya ng paulit-ulit kaya naman niyakap siya ni Tita Naomi, "happy Raya!" Turo niya sa sarili niya, "happy Hope!" Bahagya pa akong nagulat ng ituro niya ako at pinindot pa niya ang aking pisngi. Nginitian ko siya.
"Happy Hope bigay ko baby sister allowance!" Masaya niyang sinabi.
"Paano ako? How about Tita Naomi aren't you gonna give me allowance?" Napailing ako ng makita ko pang nag pout si Tita kay Raya at inirapan lang siya ni Raya.
Nabalot ng tawanan ang buong sasakyan ni Nyx.
At nang nakarating na kami sa school sinalubong kami ni Khai.
"Your sister is in good hands, don't worry she will do better here." He assured me once again.
"That's why I recommend you and your school to her. Alam na niya 'yun! 'Wag kana ma pacute!" Inis na sabat ni Nyx at inakbayan niya ako.
Tiningnan ni Khai si Nyx ng masama, "jealous, huh."
"Wh–"
"Hay, naku! Stop it! We're because it's Raya's first day ano ba naman kayong dalawa!" Suway ni Tita.
Natawa naman ako sa kanila, lumapit ako kay Raya pero patakbo niyang nilapitan si Tita Naomi.
"It looks like she wants Tita to accompany her inside." Nang sabihin ni Khai iyon ay nakaramdam ako ng tampo kay Ate.
"Ako na lang muna ang maghahatid sa kanya." Tita Naomi gave me her sweetest smile.
Malungkot ko silang dalawang tiningnan habang pumapasok sa loob ng building. Hindi kasi pwedeng pumasok kaming lahat.
Tinapik ako ni Khai sa balikat, "it's okay, Hope. Maybe she really missed your mom doing this to her."
"You don't need to tap her should—"
"Shut up, bro! Gusto mo ikaw din pumasok dito para matutunan mo naman maging kalmado lagi kang highblood!" Iiling-iling man pero natatawang sinabi ni Khai, bumaling itong muli sa akin. "Ikaw din, don't think too much."
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...