Chapter 3 - The Arts

405 53 2
                                    

The tears falling on my thigh brought me back to my trance.

Before they're gone, they never fail to remind me how proud they were of me. Kahit na anong gawin ko basta alam nilang magiging okay at magiging masaya ako, proud sila sa akin.

Ngayon, siguro ito na rin talaga ang dapat kong gawin kaysa iasa sa taong hindi naman konektado sa buhay namin ang tumulong sa'min.

Tama na rin siguro ang anim na taon na inaalalayan at hindi niya kami pinabayaan, lalo na si Ate Raya kung sino man siya.

I wiped away the tears from my cheeks ng kumalma na ang pakiramdam ko.

Tumingala ako at ngumiti, "kaya ko 'to." Ito na lang din talaga ang kaya kong sabihin ngayon.

Gusto kong puntahan si Ate Raya, tama! Pupuntahan ko siya, kailangan ko rin siyang kausapin.

Umakyat ako at nadatnan ko sa kanyang kwarto si Ate Raya.

"Raya?" Mahinahong tawag ko sa kanya, ayaw niya kasi nagpapatawag sa akin ng Ate dahil baby pa lang daw siya.

"Myla is my friend–"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita, niyakap ko siya ng mahigpit kahit na alam kong hindi niya magugustuhan ang ginagawa ko sa kanya ngayon.

"Am I not your friend?" Tanong ko sa kanya.

"No." Simpleng sagot niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, hinarap ko siya sa akin.

"Raya, sige hahayaan ko kayo maglaro ni Myla mamaya. Habang ako bibili lang ako ng favorite mong lego." Alam kong makukumbinsi ko siya dahil paborito niya talaga ang lego.

"Lego?!" Biglang naging masaya ang kanyang boses at nagtatatalon pa dahil sa tuwa. "Bili ako Hope lego?!" Iniangat niya ang mukha ko upang magtama ang mga mata namin at tiningnan niya ako na parang kinukumpirma ang tanong niya.

Ngumiti ako, "oo, bibilhan kitang lego." Hinawakan ko ang pisngi niya para tadtarin ng halik, "maraming lego ang bibilhin ko sa'yo!" Sabi ko ng masaya dahil pumapayag talaga siyang magpahalik sa akin sa tuwing may kapalit.

"Promise, Hope?" Tanong niya ulit sakin habang hawak ang bunny stuffed toy na regalo pa sa kanya ni mom noong bata pa kami.

Ngumiti ako ng malawak at tumango sa kanya, "oo, basta behave ka lang kina Myla huh? Kasi kilala mo naman yung monster doon."

Nang sabihin ko iyon ay bigla siyang tumawa at tinakpan pa niya ang kanyang bibig habang bumubungisngis.

"Ayaw ko monster." Sabi niya at lumapit siya sa drawer niya kung saan nakalagay ang mga damit niya.

Kumukuha na siya ng kanyang damit, ibig sabihin lang ay gusto na niyang maligo, kaya naman kinuha ko na ang kanyang tuwalya.

"Ligo na?" Tanong ko.

She didn't answer me, instead she ran downstairs to go to the bathroom.

"Dahan-dahan lang baka madulas ka." Sabi ko habang nakatanaw lamang ako sa kanya mula sa labas ng bathroom.

Seeing her so happy makes me happy, buo na ang loob kong tanggapin ang alok sa akin ni madam na trabaho. Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan at sa ngayon kailangan din talaga namin ang pera.

Bukas, kakausapin ko na ang secretary ng taong tumutulong sa amin para sabihing ihinto na ang pagpapadala ng allowance at kung anu-ano pang tulong sa amin.

"Hope!"

"Tapos ka na agad?" Natatawa kong taong sa kanya.

Tumango siya at tinaas niya pa ang kanyang kamay para mailagay ko ng maayos ang tuwalya sa kanyang katawan.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon