Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa sinabing iyon ni Nyx. 'Yung galing kay Raya okay pa eh, pero bakit ganun? Iba ang epekto sa akin kapag si Nyx na nagsabi?
Siguro ay dahil bago pa rin sa akin ang purihin ako ni Nyx at dahil sanay naman na ako na pinupuri ako ni Raya lalo kapag nag susuot ako ng damit na maganda.
Iniabot ni Nyx ang kanyang kanang kamay sa akin, hindi ko na napansin pa ang ibang mga taong nakatingin sa paligid at tinanggap ko ang kamay na nakaabang na abutin ko.
Nang makalabas ako ng tuluyan sa elevator, hahawakan ko sana ang kamay ni Raya ngunit naunahan na ako ni Nyx.
"Raya will go with us." Hawak na niya ang kamay ni Raya at pinaggigitnaan na namin siya.
Napabaling ang tingin ko sa paligid at lalong naging busy ang mga tao kakabulong sa isa't-isa ng nakikita nila sa amin.
"Raya is happy! Raya will go to Hope's work!" Pasigaw na salita ni Raya. Susuwayin ko sana siya ngunit binitiwan ni Nyx ang kamay ko at humarap ito sa kapatid ko.
My heart melts when I see him talking to my sister like that, walang sinuman ang gumagawa sa kapatid ko ng ganito. Ni hindi ko rin nakitang natakot si Raya sa kanya bagay na nararamdaman niya lalo na't hindi pa niya kakilala.
"I know you will be happy there." He patted her hair. "There's a lot of toys and books there!" He said to her as if he's giving her an assurance na magiging masaya talaga siya doon.
Seeing them like this, parang pwede na akong mamatay.
Hindi ko maipaliwanag pero sobrang saya ng puso kong makita ang kapatid ko na komportable sa taong akala ko ay magiging mahirap pakisamahan.
Napalingon kami ng tumunog ang elevator at lumabas doon si Tita Naomi. Nakangiti siyang tingnan kaming tatlo.
"Let's go?" Tanong niya at hindi naman na kami sumagot, sumunod na kami palabas ng condo dahil nakaabang na rin doon ang sasakyan na gagamitin papunta sa venue ng reunion nila.
Nasa loob pa lang kami ng sasakyan, panay ang kwento ni Raya at sinusuklian naman ni Tita Naomi at ni Nyx ng tawanan. Kaya naman lalo pang nagkakaroon ng dahilan si Raya para magkwento pa ng magkwento.
Buhat ng mawala sa amin ang mga magulang namin, ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Na para bang ang kasama niya ay si mommy at daddy. Para bang ang mga kausap niya ay ang mga magulang namin. Gusto kong umiyak, pero ayaw kong sirain ang gabing ito.
Ayaw kong matanggal ang saya sa labi ni Raya.
"Here we are!" Masayang pahayag ni Tita Naomi at doon ko lang nabigyang pansin ang pagtingin sa labas.
Bahay kaya nila ito? O rest house nila? Napakalaki!
"This is my mom's place," Nyx said as if he was reading my mind and giving me the correct answer. "It's just her house."
Halos manlaki ang aking mga mata dahil sa nalaman ko. Napakalaki namang bahay na ito para sa iisang tao lang! Pero hindi ito isang bahay, mansyon pala! Ang yaman talaga nila!
On the other hand, nakaramdam ako ng takot bigla, dahil alam kong peke lang lahat ng tungkol sa amin ni Nyx at alam kong kayang-kaya nilang malaman ito dahil sa dami nilang connections.
Ngayong nakita ko na ang kalahati ng buhay ni Nyx at ng pamilya niya, alam kong may kakayahan silang gawing miserable ang buhay ko, ang buhay namin ni Raya dahil sa pagpapanggap na ito.
Katulad na lamang ng nababasa kong libro at napapanuod kong KDrama kung saan ang mahirap at mayaman ay hindi para sa isa't-isa.
"Don't be nervous, Hope. I know they will like you!" Hinawakan ni Nyx ang kamay ko at inalalayan akong bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...