Chapter 17 - Solid As A Rock

192 6 0
                                    

Hindi pa rin ako makagalaw. Ni buksan ko ang aking bibig para sumagot ay hindi ko yata kaya!

"You really want me to do it, huh?" Bulong niya muli, tumaas ang mga balahibo ko sa ginawa niyang pagbulong sa akin. Sobrang lapit ng kanyang labi sa aking tainga dahilan kung bakit ako bahagyang nakiliti.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin, nasa gilid ko lang siya at hindi ko matingnan ang mga mata niya tanging nakikita ko lang siya sa aking peripheral vision.

"M-Malamig kasi sa ano, sa labas!" Nautal pa ako ng magsalita ako. Makakalabas pa kaya ako ng buhay sa mansyong ito?!

Hinawakan niya ang balikat ko kaya naman lumayo ako ng bahagya sa kanya.

"Anong ginagawa mo?!" At sa wakas nakaya ko ring magsalita!

"Tsk." Ngumisi pa siya at biglang naging seryoso ang tingin niya sa akin, "why? Do you like him?!" Inis niyang tanong sa akin.

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?!" Inis ko ring tanong sa kanya.

"Who knows? Is this your other motive?"

"Motive?!"

"Yeah? That's why it's easy for you to enter this kind of work!"

"Huh!" Huminga ako ng malalim, hindi ako makapaniwala  sa mga naririnig ko ngayon. "Huy! Okay ka lang?! Naawa pa ako sayo—"

"Hindi ko sinabing kaawaan mo ako." Blanko niyang sagot.

Ang kapal naman ng mukha niya! Matapos ko siyang—hayy. Ayaw ko na! Hindi naman ako mananalo sa kanya! Naiinis ako.

Naiinis lang ako.

Lumapit akong muli sa pintuan kahit na nakaharang siya doon.

Bahagya ko pa siyang binangga para makapasok ako sa playroom at nadatnan ko doon ang kapatid kong mahimbing ang tulog kasama ang isang nakasuot na pang kasambahay.

"Ipapalipat ko si Raya sa guest room." Biglang nagsalita si Nyx. This time, kalmado na siya.

Pero ako, hindi.

Lumapit ako kay Raya, umupo ako at hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Sorry, hindi ko alam kung naririnig mo ba ang mga pinagsasabi sa akin. Pero ginagawa ko ang lahat ng ito para sa'tin, para sa'yo." Nagpipigil ako ng luha pero sadyang taksil talaga ang mga ito dahil unti-unti ng bumabagsak ang mga luha ko.

Hinalikan ko si Ate Raya sa kanyang noo.

"Babalikan kita bukas." Tumingin ako sa nagbabantay sa kanya, "thank you po, ate."

Tumayo na ako at lumabas.

Nandoon pa rin si Nyx.

"Babalikan ko na lang ang ate ko bukas, pasensya na. Nagagalit kasi siya kapag ginigising." Paghingi ko ng pasensya.

"Hindi mo talaga tatanggalin 'yang coat?" Ang layo ng sagot niya dahilan kung bakit ako lalong nainis.

Hinubad ko ang coat ni Khai at binato ko sa kanya!

"Oh! Ayan! Sana masaya ka na!" Inis kong sigaw sa kanya at saka ako tumakbo na.

Hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dalhin ng mga ito, basta gusto ko lang makita ang pintuan papalabas ng mansyon ito.

Nang makita ko ang malaking pintuan na pinasukan namin kanina bago kami magpunta sa activity hall ay binuksan ko na ito at hindi nga ako nagkakamali ito ang main entrance.

Kaya naman kahit malamig dahil sa malakas na ang hangin sa labas ay hindi ko na inisip pa ito. Ang gusto ko na lang talaga ay makalayo ako dito.

Tinanggal ko ang heels na suot ko dahil sobrang sakit na ng paa ko, nagsusuot naman ako ng ganito pero ito na yata ang pinakamatagal kong paggamit nito dahil pag nagtatrabaho naman ako sa bar ay hindi ako ganito katagal naglalakad o nakatayo.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon