Tatlong minuto...
Tatlong minuto kong binigyan ang aking sariling ilabas lahat ng nararamdaman kong bigat sa puso ko.
Wala akong katulad ni Ivan na nandyan para kay Nyx, ayaw kong malaman ni Myla ang tungkol dito dahil magiging komplikado lang lahat. Kung malalaman man niya gusto ko may mga kasagutan na sa lahat ng tanong ko rin sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim muli at sa pangalawang pagkakataon na ito, umaasa akong mas matatag na ako ngayon.
Sana nga...
"Fighting!" Pagpapalakas ko sa aking loob at tumayo na ako.
Pumunta muna ako sa aking kwarto noon pero wala na masyadong laman ito. Natira na lang ang kama at dalawang cabinets ko. Hindi rin maalikabok ang kwarto ko, tila alaga ito sa linis.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Ate Raya at doon mapait akong mapangiti ng makita ang mga dati naming laruan. Meron pa kaming slides.
Napansin ko ang mga sketchbooks na maayos na nakalagay sa kama kaya nilapitan ko ito. Ito 'yung ginagamit na sketchbooks ni Ate sa tuwing nag daw-drawing sila ni Nyx.
Bahagya pa akong natatawa dahil hindi ko alam na ginuhit din pala ako ni Ate habang nanunuod ako ng Teen Titans tapos sa gilid ay may angry eyes sa ilalim naman nun ay may nakasulat.
Hope is busy watching Starfire she doesn't want to play
Kung alam ko lang ito sana pala sinulit ko ang paglalaro naming dalawa noon.
Binalik ko sa ayos ang sketchbooks katulad ng kung pano ko datnan ito kanina.
Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ng mga magulang ko.
I had a heavy feeling when I entered their room but I smiled when I remembered all the happy memories inside these four corners.
Flashback...
"Hope Elia!" Naku! Tinawag na ako ni Dad sa full name ko. Iba na ang ibig sabihin nito.
"Dad, I want to sleep here." Sabi ko at nag puppy eyes pa ako.
"No, you have class tomorrow. You should sleep to your own room. Sige na." Sabi naman niya at akmang bubuhatin na niya ako ngunit sabay pa kaming mapatingin ng bumukas ang pintuan.
"Ayaw sleep dun!" Naiinis na sabi ni Ate Raya.
Kaya napangiti ako ng yumakap ito kay Mommy.
"Yehey! Dito kami magsleep!" Sabi ko habang tatalon-talon pa ako sa kanilang kama.
End of flashback
Sinarado ko ang pintuan ng kwarto nila at saka ako naglakad-lakad sa loob. Maayos ang mga unan na may mga puting punda pa. Pati ang kumot at bedsheet ay kulay puti.
Siguro nga ay may nag-aalaga nitong bahay namin.
Kung sino man iyon, ay salamat dahil pinanatili nilang maayos at halos walang nabago sa bahay namin ultimo sa mga kwarto namin.
Nakarating na ako sa dulong parte ng kwarto nila Daddy at ni Mommy. Pabalik na sana ako ng may mapansin akong susi na nakasabit sa pader.
Kinuha ko ang susi at pinakatitigan ito.
"Drawer/Documents." Binasa ko ang nakasulat sa keychain.
Hinanap ko ang posibleng sinasabing drawer at saka ko napagtanto ang office desk na ginagamit ni Daddy noon sa tuwing mag ta'trabaho sila ni Mommy.
Lumabas ako ng kwarto nila at dala-dala ko ang susi, dumiretso agad ako sa study room ng parents ko.
Hindi naka-lock ang kwarto kaya nakapasok ako agad.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...