One week and three days passed and were still like this. Ang alam niya ay ako si Cerise, alam din nila Tita Naomi at ni Khai na ganito ang sitwasyon namin buhat ng makita ko siya sa abandonadong tindahan malapit sa school ko dati.
Nandito kami sa condo unit niya. Dahil dito daw niya ako gustong dalhin—I mean si Cerise.
"Where do we go next?" Masayang tanong niya sa akin.
Almost two weeks na... sa halip na gusto kong ipaalala ang sarili ko kay Nyx bilang kababata niyang si Hope ay hinayaan ko na lang siyang kilalanin ako bilang Cerise. Kasalanan ko naman yata iyon dahil ayun ang sinabi kong gusto kong pangalan noon para unique.
Ngayon, talagang pinagsisisihan ko nang gustuhin ang pangalang Cerise dahil dito.
Ang dami na rin naming napuntahan kung saan-saan lang, ilang beses na akong nag suggest na pumunta sa Batangas, para sana ipaalala manlang sa kanya ang ginagawa at pinupuntahan namin noon pero ayaw niya.
Ayaw niya rin mag hiking.
Ayaw daw niya kasi ng napapagod siya. Ayaw daw niya ng naglalakad siya ng mahaba, sabi ko kasi sa kanya ito ang madalas naming gawin ang umakyat sa bundok-bundok kung tawagin namin na gawa lang sa mga buhangin na pinagpatong-patong noon para mag mukhang bundok at sisigaw kami kung anong gusto naming isigaw noon.
Tapos bababa kami nang nagtatawanan kasi mukha kaming mga ewan, pero at the same time nailabas namin 'yung mga salitang gusto naming sabihin at giginhawa ang pakiramdam namin.
Ayaw niya kasi wala naman daw siyang nararamdamang iba kung hindi masaya lang siya.
Masaya siya kasi kasama niya si Cerise at hindi dahil kasama niya Ako.
"Uhmm... kahit saan? Saan mo ba gusto?" Tanong ko sa kanya. Kasi tuwing magsasabi naman ako ay lagi din siyang may gustong puntahan.
"Gusto kong manuod ng sine, kumain ng popcorn while holding hands." Sabi niya at tumingala pa siya sa ceiling na parang nag de-daydream. Bumaling siya sa akin, "gusto mo rin bang ganun?" He smiled at me like I need to agree with him.
Pero gusto ko rin naman manuod, gusto ko rin naman pumunta sa mga gusto niyang puntahan, kasi aaminin ko, masaya akong kasama siya. Kahit hindi bilang si Hope, kahit bilang si Cerise. Masaya ako kasi malaya kong nahahawakan ang kamay niya.
Malaya ko siyang nayayakap ng hindi iniisip kung mali o tama ba ang ginagawa ko. Malaya ko siyang napapagluto ng gusto niyang ulam nang hindi ko iniisip kung dapat bang gawin ko iyon o hindi.
Ang daming bagay na pwede kong gawin dahil ako si Cerise sa mga mata niya at hindi ako si Hope na alam kong lilimitahan niya sa mga gusto kong gawin.
Hindi ako si Hope na sasabihan niyang two days na lang ang natitira... end of contract na tayo.
And yes, ngayon araw ang last day.
Bukas ang end of contract ng trabaho ko sa kanya.
Napatingala ako sa ceiling, sinandal ko ang ulo ko sa couch at kita ko sa peripheral vission ko ang pagtitig niya sa akin.
Hanggang dulo mananatiling trabaho lang ang lahat ng ito. Sabi ko sa isip ko. Pumikit ako, masaya akong hanggang dulo natulungan ko siya sa lahat ng nakasulat sa rules niya.
Tama nga ang sinabi niya sa akin, baka on or before three months ay matapos agad ang contract. Kaya 'wag akong mag-aalala.
At lalong tama ang sinabi niya sa akin, inaalala ko bang magkakagusto siya sa akin? Nakuha ko na ang sagot.
Napamulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"I love you, my Cherry." Nilapit pa niya ang bibig niya sa aking tainga kaya bahagya pa akong nakiliti.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
Roman d'amourAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...