Chapter 26 - I Can't Lose Him

186 4 0
                                    

"What do you mean?"

Binuksan ko ang kwarto niya.

Kaso nadismaya ako dahil walang laman ito, noon punong-puno ito ng Teen Titans na posters, meron pang mga mga stuffed toys ni Robin, Starfire, Beast Boy, Raven, Cyborg, at iba pang characters.

Naalala ko may drawings pa siya na nakadikit sa pader noon.

Akala ko nandito pa rin ang mga iyon dahil hindi nagbago ang itsura ng bahay namin at bahay nila.

"See?! We're looking for an empty room?!"

Napansin kong sarado ang kabilang parte ng kwarto ni Nyx.

Kunot-noo ko iyon tiningnan, wala namang harang noon ito.

Hindi ko na siya pinakinggan pa. Naglakad ako sa katabing pintuan ng kwarto ni Nyx, at doon nakaramdam ako ng kaba. Katabi lang ito ng kwarto niya, marahil ito ang ginawang daan sa ginawang hati sa kwarto niya.

"Are you still not content—"

Binuksan ko ang pintuan at doon halos hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko.

Saya, lungkot, excitement, at kung anu-ano pa.

Lahat ng nasa isip ko kanina ay nandito.

Ultim si Nyx ay napahinto sa pagsasalita ng makita niya ang loob ng kwarto. Tila itong isang museum dahil maayos lahat ng gamit.

"What the f*ck is this?!" Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman kong nanginginig ito.

Binuksan ko ang ilaw, saka ako lumapit sa kanya para hawakan ang kamay niya.

Hinila ko siya papasok pa ng loob at doon may napansin akong tatlong easel na may parang portrait yatang nakalagay pero nakatakip ito ng black na tela.

Si Nyx ay si Eliam.

Siya ang kababata ko.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya, "relax, nandito ako. Hawak ko ang kamay mo."

"What's the meaning of t-this?" Ginala niya ang paningin niya at alam kong nakita niya ang mga drawings niya na nasa pader maayos na nadikit, ang mga laruan niya, mga unan na Robin at iba pa. "Kilala mo ba ako? Hope? Kilala mo ba ako?"

Nginitian ko lang siya bilang sagot pero sa halip na ibalik niya sa akin iyon ay lumapit siya sa tatlong easel.

Binitawan niya ang kamay ko at saka niya inialis isa-isa ang black na tela na nagtataklob sa mga portraits.

"Paano napunta ang mga paintings ko dito?! F*ck! Tell me!" Sigaw niya at saka siya lumapit sa akin.

Paintings niya?!

Tiningnan kong mabuti ang mga ito at doon ako nabigla ng makita ko sa gitnang painting niya ang mukha ko... mukha naming dalawa noong mga bata pa lang kami. Sa kaliwa naman ay nakatalikod ako noong bata ako nasa bundok bundok kami kung tawagin namin at ang kulay pa ng ulap ay ang ayaw ko... kulay red, orange na may halong dilaw, ang lungkot ng kulay ng ulap.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak, ako itong nasa painting niya. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa posibleng pag hikbi ko.

Lalo akong naiyak ng makita ko ang dulong painting niya, na nakalagay sa kanan...

Abot tainga ang ngiti ko habang may hawak akong ice cream at may dumi pa ako sa labi dahil sa pagkain ko nito.

Nagulat ako ng biglang itaob ni Nyx ang mga paintings niya.

"Nyx! Anong ginawa mo?!" Nakita ko ang mga painting niya na sira-sira!

"May alam ka ba dito?! Kaya mo gustong pumunta dito?!" Sigaw niya sa akin.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon