Hahanga na sana ako ng tuluyan! Napalingon-lingon ako kung saan-saan para hanapin baka mamaya ay may hidden camera dito!
Baka kaya dito niya ako pinagpapalit?!
"9th floor? Hindi ba't si Sir Peroramas lang ang nandoon sa level na iyon?"
"Baka bagong babae na naman. Babaero raw talaga kasi 'yun. Ganun talaga kapag mayaman!"
"Nung nakaraan lang may kasamang babae rin si Sir Peroramas pero sa kabilang elevator sila sumakay."
Biglang pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi ng mga staff sa Condominium nung unang punta ko doon. Hindi kaya totoo na babaero talaga si Nyx?!
Ayaw ko na!
Hindi na ako magpapalit ng damit! Wait—speaking of damit!
Tiningnan ko ang damit na iniabot niya sa akin at doon lalong lumaki ang mata ko! Sweatshirt at jogging pants?!
Napakatakip na lamang ako sa aking bibig! Hindi na nagbago na ang isip ko.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla itong bumukas.
Sh*t! Naririnig ba niya ang nasa isip ko?
"Why are you taking so long to change?" Mahinahong tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa murals at binalik ko sa kanya ang tingin ko, "u-uhm... hindi na lang ako magpapalit—ano sa—bahay nalang siguro ako magpapalit... O-Oo!" Natataranta kong sagot. Luh! Bakit ba ako kinakabahan?! "S-Sa bahay na—"
"Are you okay?!" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Do I look okay, Nyx?!
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.
Huminga ako ng malalim at saka ko siya buong tapang na tiningnan ng diretso sa kanyang mga mata, "Nyx. I'm sorry pero sa tingin ko ay hindi tama ito."
Hinawakan ko na ang door knob pero pinigilan niya ako. Inalis niya rin ang mga kamay niyang nakahawak sa aking magkabilang balikat.
"What? What's happening to you?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
Ayaw ko namang idiretso sa kanya na manyak siya! Paano ko ba sasabihin iyon?!
"Basta, ayaw ko lang–I mean hindi ako komportable na ganito na ako ka'close sayo. Masyadong mabilis." I lied.
"Paanong mabilis? Eh diba, dapat mukhang matagal na tayo?" Sh*t! May point pero ayaw ko pa rin.
Hinarap ko siyang muli, "okay lang ba? Aarte na lang ako na parang matagal na tayo kapag kaharap sila. Pero pag tayo na lang, hindi naman kailangan."
"Paano mo ako makikilala ng husto?"
Sa nakikita ko mukhang kilala ko na siya. Naiinis ako, naaawa ako sa kanya kanina pero ngayon nawei'weirduhan na ako sa kanya!
"Makikilala naman siguro natin ang isa't-isa sa ibang bagay."
Hinakawan niya ako sa aking kanang kamay.
I saw pain in his eyes, pero bakit? "Pati ba naman ikaw?"
"Anong ako? Huy! Nakalimutan mo na ba agad? Hindi ito totoo!" Gusto ko na lang maging ice cream ngayon dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kinatatayuan ko.
Anong pinagsasabi ko?! Trabaho ko pa rin ito pero bakit ganito mga lumalabas sa bibig ko? Sobrang mean ko naman sa kanya! Sobrang harsh naman ng mga sinasabi ko.
Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na niya ako bitawan.
Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para buksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomanceAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...