"Saan po tayo pupunta?" Akala ko kasi ay uuwi na ako pero mukhang aalis pa kami.
"Simula ngayon sasamahan mo na ako sa mga gusto kong puntahan, malapit man o malayo kailangan magkasama tayo." Para talagang planado niya lahat ng gagawin bago pa niya ako makilala.
Hindi naman na ako sumagot, nang nasa loob na kami ng elevator ay naging tahimik din kami, walang sumubok na magsalita at tanging paghinga lang namin ang maririnig mo.
Nang makalabas na kami ng elevator ay halata mo ang pagkagulat sa mga mukha ng mga taong nakakita sa akin na sabay pang lumabas kasama ang sinasabi nilang matinik sa babae.
Alam ko na ang iniisip nila, akala nila talaga ay isa na ako sa mga babaeng inuwi niya dito.
"Good evening, Sir." Bati sa kanya ng isa sa mga lalaking staff.
"You should greet her too." Gamit na naman ang malalim niyang boses na mahihimigan mo talaga ang pagiging ma awtoridad nito.
"G-Good evening, Ms–"
"It's ma'am, she's my girlfriend." Putol niya rito.
Ako naman ngayon ay namumula hindi dahil sa kinikilig ako ngunit dahil nahihiya ako, mapagkakamalan mo lang talaga akong assistant ni Sir Nyx dahil sa suot kong napaka simple. Tapos ang dumi pa ng sapatos ko dahil never ko talaga itong nilabhan dahil ito ang huling sapatos na regalo sa akin ng magulang ko.
"Good evening, M-Ma'am!" Pilit na ngumiti sa akin ang lalaking staff.
Ngumiti na lamang ako, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong iasta dahil alam ko naman sa sarili kong peke lamang ang relasyon namin.
"Pang-ilang girlfriend na ba ni Sir Peroramas 'yan?" Hindi pa man kami nakakalayo ay nakarinig na ako ng mga mosang.
Uso talaga dito sa condominium niya ang mga mosang, ano?
"Alam kaya ni Ma'am Cerise, 'yan? Naku, kahit naman gaano kadami ang maging girlfriend kuno ni Sir, tiklop naman lagi kay Ma'am Cerise." Sabi pa ng hindi ko alam kung sino dahil wala naman akong balak na lingunin sila.
Wala naman akong karapatan.
Tiningnan ko ang kabuuan ng likuran ni Sir Nyx, mapapansin mo ang magandang build ng kanyang katawan ngunit may nararamdaman akong lungkot sa pagkatao niya kahit na ngayon ko pa lamang siya nakilala.
Talagang mahal niya yung Cerise ngunit wala akong ideya at mukhang hindi ko rin naman malalaman ang dahilan kung bakit naisip niyang gawin ito.
"Hey?" Napalingon ako bigla sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin.
"S-Sorry, may iniisip lang ako."
"I'm talking to you, anong iniisip mo? Hindi ba't nasa oras ka pa ng trabaho? Dapat ang isip mo ay nasa akin!" Huh? Paano ko mapipilit ang isip kong hindi mag-isip ng iba maliban sa kanya?
"Sorry, Sir iniisip ko kasi ang kapatid ko mag-isa lang siya sa bahay." Palusot ko.
"Do you have a boyfriend?"
Bahagya akong napatawa, "wala akong ganun."
"Good. Baka kasi mamaya maging hadlang pa sa kasunduan natin." Sabi naman niya.
Hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami ng condominium.
"Good evening, Sir." Bati sa kanya ng isang valet. Tiningnan niya ako pero mabilis lang iyon at agad niyang ibinaling ang tingin niya kay Sir Nyx, "are you going to use your navara, sir?"
"Yes." Simpleng sagot naman niya.
Tiningnan muna ako ulit ng valet, saka ito tumango at umalis na ito sa harapan namin para kunin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
Roman d'amourAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...