Chapter 25 - Let's Take A Break

188 5 0
                                    

"Paanong pareha—"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito, without looking at the screen I answered it.

"Bes!" It's Myla.

"Bes? Bakit?"

"Nagtatampo na ako sa'yo ah! Nagkita kami ng handler mo si Madam Amelia—"

"Wait!"

Kinalabit ko si Nyx sinenyasan ko siyang bababa ako para makapag-usap kami ng ayos ni Myla.

Anong sasabihin ko kay Myla, nang malaman niya ang trabaho ko sa bar galit na galit siya at kung anu-ano na ang mga pinagsasabi niya sa akin, ngayon pa kaya! Baka sinabi ni Madam Amelia ang binigay niyang trabaho sa akin!

"B-Bes, ano..."

"Anong ano ka dyan! Hindi ko alam na hindi ka na pala sa bar nag tatrabaho buti naman at hindi ka na doon." Sa boses niya mukhang hindi naman siya dismayado.

"Oo, binigyan na ako ng bagong trabaho ni Mada—"

"Alam ko! Buti nga at nag assistant ka na lang. Mas okay pa 'yan para naman kapag naghanap ka na ng bagong trabaho may malalagay ka ng experience mo." Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong hindi pala sinabi ni Madam ang tuunay kong trabaho.

"Oo–ano, mas okay pa 'to di'ba!" Pagsang-ayon ko sa kanya.

Dalawang linggo na lang naman ang natitira mas mabuti ng ito na lang ang alam niya.

"Saan ba 'yan? Sakto, bukas ay restday ko pwede akong makipagkita—"

"'Wag—I mean, 'wag muna kasi bago pa lang ako sa trabaho ko. Hindi ako—"

"Hope?" Tila ako na-estatwa nang marinig ko ang boses ni Nyx. Boses na mahinahon at may lambing.

"Lalaki ang boss mo? Anong oras na... magkasama pa rin kayo?" Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin.

Bahagya akong nagulat nang hawakan ni Nyx ang braso ko, "hey? Who's that?" I didn't hesitate to press the end button of the call.

Mahaba-habang explanation na naman ang gagawin ko kay Myla.

"Ah–si Myla 'yung kaibigan ko." Simpleng sagot ko at itinago ko na ang phone ko sa bulsa ko.

"Oh, okay! Let's go?"

"Nakapag re-charge ka na ba?" Natatawa kong tanong.

Nag-unat pa siya at sasabihin ko sa inyo, ba't ang sexy niya ng gawin niya iyon?!

"Oo, kaya tara na!" Hinawakan niya ang kamay ko at ma-ingat niya akong hinila pabalik sa sasakyan niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng passenger seat at saka siya umikot para umupo sa driver's seat.

~

"Anong gagawin pala natin sa Batangas? At saan nga pala sa Batangas hindi mo pa sinasabi." Basag ni Nyx sa katahimikan.

"Sa Lipa."

Nasa byahe na kami papuntang Lipa, Batangas. Doon kami nakatira noon sa isang exclusive na subdivision pa kami. Nakalimutan ko lang kung anong pangalan ng subdivision namin pero ngayon na inaalala ko ang nakaraan, alam kong magiging familiar ako sa daan.

"Gusto kong puntahan 'yung bahay namin noon, pati na rin ang playground kung saan mahilig kong dalhin ang Ate ko." Nakangiti kong sinabi at napatingin ako sa daan.

"Lipa?"

"Oo, bakit may naalala ka ba?" Mabilisan niya akong tiningnan at ibinalik din ang tingin sa daan.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon